03.
"And for the 1st place, Ariannex Del Valle!" Sigaw ni Gaile, kunwari pang may hawak na trophy. Natawa lang ako.Walang klase ngayon. Kaya kahit na magpapahinga na ako ngayon at matulog, kinulit niya ako. Wala na akong choice kundi ang pagbigyan siya para dito.
"Kung sa game. Diba okay lang 'yan, hindi naman masama ang 2nd place?" Gaile asked seriously.
May kinakain pa siyang chocates. Because she's craving for it.
"Pwede naman second place. Kasi panalo padin naman niyan." Sabi ko.
Inakbayan kaagad ako ni Gaile nang sabihin ko 'yan. Masayang-masaya siya, naman kasi, kain-kain na naman niya ang paborito niyang toblerone na dinala ko kanina. Sino namang tao ang hindi sasaya diyan?
Bawal dapat sa kaniya 'yan, kaso papagbigyan ko lang siya ngayon. She's for it.
"Bigat ng braso mo," reklamo ko.
"You're too rude na naman." She laughed.
Natawa ako. "Hindi, ah."
"Mamaya uuwi na ako, ah? May practice akong mamayang hapon." Sabi ko. Hindi buong araw, dito lang ako parati sa kwarto niya, e. Ayaw kong magtagal dito kasi naiilang na ako nang slight, e.
"Hm, sure. May pupuntahan din naman ako." Sabay iwas niya ng tingin.
"Oh, tara. Sakay na. Ihahatid na kita sa inyo, Arix." Wika ni Edrix sa'kin, mag-mo-motor na naman kami. Gagamitin namin ang motor niya.
He's my teammate in Badminton. Pauwi na kami, parehas kaming pawis. Kakatapos lang naming mag-practice ngayon. Sa lahat ng mga kateammates ko, masasabi kong siya talaga ang pinaka-close ko sa lahat. Masasabi kong siya na ang boybestfriend ko.
Nang dahil sa motor niya, hindi ko tuloy makalimutan ang mga aso no'n! May mga aso talaga sa likuran ng unibersidad namin.
Kaya parati talaga kaming hinahabol ng mga aso do'n sa likod ng University kasi nga naka-motor lang kami!
Napahawak ako sa balikat niya, para supportahan ang sarili kong makaupo sa likod ng motor. May kabigatan rin naman ako, mahirap na at baka matumba pa kaming dalawa. "Napagod ka ba kanina sa game mo?" I asked him.
"Hindi, e. Ikaw? Napagod ka rin ba kanina sa friendly match niyo ni Therese?" He asked me the same question.
"Oo, alam mo, ang galing na ni Terry ngayon. Bumilis na siya, at saka ang lakas na ng pwersa niya." Pag-kwento ko kay Edrix. "Parang upgraded, gano'n."
"Para sa'kin, ikaw ang pinakamagaling Arix, e. Huwag mo nang problemahin 'yon, nauumay na ako sa 'Therese' na 'yan," natatawang wika ni Edrix. "Huwag mo rin akong yakapin, Arix. Damang-dama ko ang foam mo sa likod ko. Umusog ka ng kaunti." Dagdag pa niya.
"Hindi 'to foam! Boobs 'to!" I corrected him.
"Weh? Foam lang kasi ang nararamdaman ko, e." Dagdag pa ni Edrix. Even if I can't see his face, alam kong nakangiti siya. What the freak? Ang manyak!
"Boobs 'to!" Sinabunutan ko ang buhok niya.
Natawa lang siya.
"Manyak!" Kaagad kong kinagat ang batok niya. Kinagat ko na rin ang balikat niya. Gusto ko talaga siyang kagatin kapag nanggigil ako. Humahalakhak lang siya ng tawa, ano ang akala niya sa mga kagat ko, kiliti?
"Bukas, ah. Agahan mo ang gising mo." Remind niya sa'kin.
"Oo naman!" Sabi ko.
"Anak, may nag-aantay sa'yo sa labas. Kaibigan mo raw, bumangon ka na diyan at saka harapin mo siya. Ang perwisyo naman ng kaibigan mo, anak, ang aga-aga, namumulabog," pangungulit ni Mommy. Maririnig ko ang antok sa boses niya. Nakasuot pa talaga si Mommy ng face mask.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton