02: A Blessing

2K 107 0
                                    

02.

"Hmm. . . Nex? Is there really something wrong? Why are you so quiet? Nakakapanibago kaya." Sabi ko kay Ariannex.

Hindi siya sumagot. Nagkukunwari pang busy sa pagmamaneho kahit na naririnig naman niya talaga ako.

Pinatong ko ang palad ko sa hita niya. I playfully caressed her cheeks also. Kahit na sinasamaan na niya ako ng tingin, hindi padin ako tumitigil do'n. I'm playing until she will start talking.

"Kulit naman," inalis ni Ariannex ang kamay ko sa kaniya at inirapan na ako. "Nagda-drive ako dito, e." Reklamo niya na hindi naman niya nakaugalian.

She's starting to get irritated now. E' hindi naman niya ugali 'yan, e. Hindi siya madaling mairita at magalit. Hinahayaan nga niya ako parating kulitin siya, e. And then now, kahit simple ginagawa ko, nagagalit na kaagad siya.

"Just tell me please, is there really something wrong?" I asked her again. This time, I'm also serious. I'm not playing around anymore.

"Wala nga. Nagiging makulit ka na." Sagot niya.

I just swallowed hard and didn't talk anymore. Pinalobo ko nalang ang bibig ko at tumingin sa labas ng car window.

"You're two weeks pregnant now. Congrats." Sabi ng doctor sa'min at inabot sa'kin ang result.

Tumingin ako kay Ariannex. Nakapoker face lang siya. Hindi.ko matukoy kung masaya ba siya sa narinig o hindi. Maybe, she's really just having a bad day right now.

"Thank you, Doc." Sabi ko.

"Next week, visit me again then I'll check up on you. Para malaman mo din ang iba pang results ng urine mo. . ." Sabi ng doctor. Ang dami-dami pa niyang sinasabi sa'kin kaya nakikinig lang ako ng mabuti.

Habang nag-uusap kami ng doctor, ang tanging nagawa lang ni Ariannex ay ang titigan ako. Walang emosyon pa ang kaniyang mukha at parang may malalim na iniisip.

Nang mabigyan na ako ni Doctora Alba ng libreng vitamins para sa'kin, tumayo na ako at nagpasalamat. Si Ariannex, ganoon padin siya. Walang emosyon padin at mukhang galit.

Hanggang sa makaalis kami sa obgyne clinic, cold padin si Ariannex. She's even ignoring me... Yung tipong sa tuwing tinatanong ko siya, hindi niya ako sinasagot. Sasagot lang siya, kung nasa mood siya.

I can't blame her.

Pakiramdam ko talaga ay dismayado siya sa ipinagbubuntis ko ngayon. She has been my counsel, parati niya akong pinagsasabihan ang patungkol sa pagboboyfriend! Pero wala akong nasunod sa mga 'yon! She's been right all the time.

"You should stay in my house later, doon ka nalang magdinner." Alok ko sa kaniya.

Parati namang ginagawa 'to, parati siyang tumatambay sa bahay. Sa kwarto ko, doon kami parati nagbo-bonding ni Ariannex. Our favorite thing to do is to feed my fishes! Parehas kaming mahilig sa isda ni Ariannex, e.

"Sorry, busy pa ako." Malamig ang tono ng boses niya.

Yumuko ako. "Then maybe next time?" Umaasa ako.

"Pwede naman. 'Pag hindi ako busy." Aniya.

I nod and formed a smile for her. "Thank you."

Ariannex' POV

"Hindi naman ako nagagalit. . . Parang nasasaktan lang sa nangyari." Paliwanag ko kay Klayre.

"Okay lang 'yan, marami pa naman diyang iba." Klayre's voice right now is really drunk right now.

"Maraming iba. . . Pero naiiba talaga siya, e." Sabi ko.

"E bakit sino ba 'yan?" Naiintriga na ngayon si Klayre.

"Secret. Hindi mo na kailangang malaman." Natatawa kong sabi.

We are both here in the bar, sitting infront of the counter. Kaunti lang ang iinumin ko ngayon. Habang si Klayre, nakailang shot na.

Kanina ko pa napapansin 'yan, na ang dami na niyang nainom. Hinayaan ko nalang siya, sa tingin ko may pinagdadaanan siya ngayon. Nagpasama ako sa kaniya ngayon dito, um-oo kaagad kasi ang sabi ko ililibre ko siya.

Napatingin kaagad ako sa wrist watch ko. It's currently 12am. Hatinggabi na kaya kailangan ko nang umuwi.

Tumayo ako at hinawakan kaagad ang kamay ni Klayre. "Tara, umuwi na tayo. Gabi na, Klayre."

Todo hila ako sa kaniya pero todo pumiglas din siya. Ayaw na ayaw talaga ni Klayre tumayo diyan sa kinauupuan niya. Ayaw din niyang bitawan ang glass shot sa kamay niya. Napatampal nalang ako ng noo ko.

"Mauna ka na." Utos niya.

"Hindi ako aalis kung hindi ka sasama sa'kin. Ihahatid nga kita."

"Mauna ka na. Kaya ko nang umuwi mag-isa. Sige na, please. Ngayon lang. Gusto ko munang magpaiwan." Todo pumilit siya.

Bumuntong hininga ako. "E' sino ang kasama mong uuwi? Gabi na. Dapat umuwi ka na. Sumama ka sa'kin." Pagpupumilit ko.

Hindi ko naman pwedeng pabayain 'tong kaibigan ko! She's drinking alone and probably be drunk, kaya hindi siya pwedeng maiwan mag-isa dito. Todo deny siya sa na hindi daw siya lasing, e' hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya. Nagiging gibberish na siya!

"Huwag na. Kaya ko 'to, promise!" Sabay taas ng palad niya, nanunumpa.

Bumuntong hininga ako. Matigas talaga ang ulo ng babaeng 'to. Hindi talaga nakilinig 'to kapag ganito!

Napatingin kaagad ako sa cellphone nang biglang may nag-notif. It was Gaile, marami siyang texts para sa'kin. Kinakamusta niya ako. And she's sweet talking to me, halata na sinusuyo ako.

Bumuntong hininga nalang ako at hindi na 'to pinansin.

Nagba-bye na ako kay Klayre ngayon, tutal matigas naman talaga ang ulo niya, e. Ayaw niya talagang sumama sa'kin. Tinext ko nalang si Summer na babantayan si Klayre dito mamaya. Tutal malapit lang sa bar na 'to ang bahay niya, e.

"Hello, bakit?" Tanong ko kaagad kay Gaile nang masagot ko na ang tawag.

Wala, e. Hindi ko siya matiis kaya sinagot ko. Nagmamaneho padin ako. Pauwi na.

"Kanina ka pa. Bakit galit ka?" Her voice is so soft, parang maiiyak siya. She's really so soft. "Galit ka padin ba sa'kin ngayon, kasi buntis ako?"

Natawa ako kahit na peke. Nararamdaman ko na parang naiistress siya ngayon.

"No, hindi ako galit!" Natawa ako.

"Really? Are you?" And then I can hear her sobbing.

Umiiyak ba siya? Hays. Nagiging emosyonal na naman 'to. Ganito talaga si Gaile, napaka-fragile. Kaunting bagay lang, iniiyakan niya kaagad. Lalo na 'pag galit ako, ayaw niya no'n. Umiiyak siya 'pag galit ako. Ayaw niya talagang nagagalit ako.

"Yes, I am not mad." Pag-uulit. I'm making my voice lively. Para maniwala na siya.

"And then, Gaile. . ."

"Yes, Nex?" Tanong niya kaagad. Narinig ko pa ang ang pagbuntong hininga niya pagkatapos.

"Don't worry, hindi ako galit sa baby mo. I'm happy. . ." Sabi ko para hindi na siya naiiyak pa para sa'kin. Ayaw kong iparamdam sa kaniya na dismayado ako sa pagbubuntis niya. "It's a blessing, Gaile."

M s S A V A Y G E

Chasing After The Waves (Varsity Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon