11: This Love

1K 51 0
                                    

11.

"Nakakatakot pero. . . Hindi ibig sabihin no'n ay magiging duwag ka nalang." Sabi ni Galaxia sabay buga ng usok ng sigarilyo.

Matapos ang huling hithit, tinapon niya kaagad ang sigarilyo at inapakan.

Matapos marinig ang sinabi niya, nagkaroon ang loob ng kahit papaanong. . . Lakas.

Lakas para umamin.

Pero mahirap talaga, e!

Nakakakaba parin.

"Hindi lang kasi isang simpleng tao ang nagugusutuhan ko, e. . . Kaya ganito nalang ang frustations ko." Sinadya kong gawing gloomy ang boses ko. Problemadong-problemado 'ata ako ngayon, magkakapimples na naman ako nito. Worse, baka maiistress na naman ako nito. Sinabihan pa naman kami ng coach na huwag magpapa-stress kasi makakaapekto ang mga problema namin sa laro.

"Marunong kang mang-chicks 'tapos hindi ka marunong umamin sa babaeng gusto mo?" Sabay ngisi si Galaxia.

Napakamot ako ng ulo. "E' fling-fling lang ang mga 'yon. 'Eto naman, iba na 'to, e."

Napangisi si Galaxia at napailing sa huli. "Parehas lang 'yan. Hindi ka talaga papatulugin ng konsensya mo kapag hindi ka umamin. Don't be too late. Agahan mo na. . ."

Oo nga. . . Napaisip ako do'n.

Gaile is pregnant. And anytime soon, pwedeng ulit kunin ni Ashro si Gaile. Ayaw kong mangyari 'yon. . . Ayaw kong kunin ulit ng lalaking 'yon si Gaile. Ayaw kong mawala si Gaile sa'kin. . . Pero ang pag-amin lang ba talaga ang paraan?

Will I have a chance for her.

But what-

"Sabihin mo na kasi kung sino 'yan?" Napatigil ako sa kaka-overthink nang dahil sa sinabi ni Galaxia.

"Oo na," sige, sukong-suko na talaga ako. Naiinis na kasi si Galaxia. Baka masapak pa ako nito.

"Sino 'yan?" Pag-uulit niya.

"Si Gaile." Umiwas kaagad ako ng tingin, medyo nahihiya.

Alam ko namang hindi judgemental si Galaxia. . . Pero nakakahiya naman talagang umamin. Parang gusto kong maglaho nalang sa kawalan ngayon.

I looked at Galaxia again. What I had said seems not a big deal for her. Bakit? Mukhang hindi siya na-supresa o sadyang inaasahan na niya talaga ang sasabihin kong 'yan? Magaling kayang manghula ang babaeng 'to.

"Si Gaile pala," saglit siyang tumingin sa'kin. "I see. Naiintindihan na kita."

Napalunok ako. I kept on swallowing hard because of the plump building here in my throat. Ang puso ko, tumitibok pa nang sobrang bilis. Ganito pala sa feeling kapag may pinagsabihan na ako ng feelings ko? Parang gumaan ang dibdib ko, e. Kalmado si Galaxia at naiintindihan niya ako. . . Ganito ka rin ba ang magiging reaksyon ni Gaile kapag umamin ako sa kaniya? Sana oo.

"Nakakaconscious. Naisip ko, baka sa simpleng pag-amin ko. . . Baka mawala ang lahat, Galaxia." Nakakaramdam na kaagad ako ng kirot sa puso matapos kong sabihin ang saloobin ko. "Baka mawala 'yong pinagsamahan namin, 'yong mga memories at marami. I know Gaile, Xia. . . She hates betrayal. But what did I do? I betrayed her. . ."

Chasing After The Waves (Varsity Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon