17: Official

1.2K 42 0
                                    

17.

Hindi ko mabilang kung ilang beses na akong sumisigaw nang dahil sa mga sinasagot ni Gaile sa'kin!

Sa bawat sagot niyang mahal niya ako, matik, napapasigaw ako! Hindi ko alam kung bakit! Basta ang saya kasi sa pakiramdam, e!

Mahal niya din ako. . . Ang saya-saya!

"Mahal kita, mahal mo din ako. . . Ibig sabihin ba no'n. . . Tayo na?" Pumikit kaagad ako, sobrang umaasa. Kasi naman baka'y madismaya ako sa sagot na makukuha ko. Bahala na! Basta ang importante ay naitanong ko sa kaniya!

"Uhm. . ." Napaisip-isip siya. Habang ako, kagat-kagat ko ang ibaba kong labi, umaasa talaga nang sobra.

"Gaile?" Hinawakan ko ang kamay niya.

Napatingin siya sa mga mata ko. "Oo naman, Nex! Pwede nang maging tayo! Pero, hindi mo ba ako liligawan muna. I mean, we could take things slow?"

Natawa ako. "Mas pinapatagal kaya ang relasyon kaysa sa panliligaw. Pero kung gusto mo, sige ba. Bakit, gusto mo bang ligawan muna kita?" Tanong ko, sobrang seryoso. Huwag lang talaga tatawa 'tong si Gaile, baka mahalikan ko na naman 'to.

Ang babaw daw kasi ng kaligayahan niya, e; tulad ng mukha ko. Hindi daw bagay sa'kin maging seryoso kaya tawang-tawa siya. Sa mga seryosong usapan namin minsan, natatawa talaga 'tong si Gaile.

"Yes, you have a point, Nex. . . Hindi naman ako easy to get 'pag sinabi kong wala ng ligaw-ligaw at tayo na diba?" She bit her lower lips after. Umiwas pa ng tingin habang kagat-kagat parin ang ibabang labi, parang pinipigilan lang niya ang sariling ngumiti.

"Seryoso ka, Gaile?! I mean, weh?!" Hindi talaga ako makapaniwala, e!

Si Gaile ba talaga ang kausap ko ngayon?! Hindi talaga ako makapaniwala na sasabihin niya 'to kasi hindi talaga ako umaasa na masasabi niya 'to!

Hindi pa man siya nakakasagot sa itinanong ko, napayakap na ako sa kaniya nang sobrang higpit dala ng emosyon. Sa sobrang higpit, nagrereklamo na si Gaile na hindi na siya makahinga.

"You already heard me right, Nex. Oo nga, mahal din kita. . . So that means, tayo na. . . Hmm, ayaw mo ba?" She asked with a concern in her voice. Bahagya pa siyang umiwas at kunwaring nasasaktan.

"Syempre, gustong-gusto, Gaile!" Sumigaw nalang ako para damang-dama ni Gaile.

Sa ngayon, si Gaile na ang may pinakamahigpit na yakap sa'ming dalawa. Nakangiti lang ako habang dinadamdam ang yakap namin sa isa't isa. Leche, body heat na rin 'to kasi nilalamig talaga ako kanina pa. Kumot lang kasi ang nakabalot sa katawan ko ngayon, e.

'Eto talaga ang gusto ng puso ko, e, kaya parang tatalon na ang puso ko sa sobrang tuwa.

"Wala na bang bawian?" Hinalikan ko muna siya sa noo sunod sa labi, "babe?"

She bit her lower lips and uttered, "oo, wala nang bawian."

"Gaile! I really love you." Nagiging emosyonal na ako! Si Gaile naman, tama nga ako, tatawa-tawa lang talaga.

"Put your clothes on now, babe. Kanina pa talaga nakababad 'yang katawan mo. . ." Sabay pikit ng mga mata niya nang biglang um-expose ang dibdib ko.

Natawa ako. I really like looking at Gaile like this. . . When she's starting to get shy everytime I'm doing something naughty. Mahiyain pero biglang nagiging bangis sa kama. Basta ganiyan.

Speaking of bangis, fuck, hindi ko akalain na may mangyayari sa'ming dalawa ni Gaile kahapon! I have love her more because of what happened. Mas lalo lang akong nahulog sa kaniya.

Chasing After The Waves (Varsity Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon