14.
HINDI KO alam kung bakit natutuwa ako na makita si Gaile na ganito. . . She's like a cat that's pretending to be a tiger. What a cute cat she is, nakakagigil. Lalo na't lumalaki ang pisngi niya.
Habang nagmamaneho ako, hindi ko din siya naiiwasang sulyapan. She's just too cute for me. Nakakagigil.
"Tingin-tingin mo? Tumingin ka nga sa daan. . ." Naiinis na naman siya kahit wala naman akong ginagawa.
"Wala ngang meaning 'yong kiss, Gaile. . ." For the nth time already, nag-eexplain na naman ako sa kaniya. Kasi hindi ko talaga natitiis si Gaile na ganito, nanggigigil. "Hindi ako 'yong nagkiss, siya 'yon. Please, maniwala ka naman. . ."
Sumimangot siya lalo.
May mali na naman ba sa sinabi ko? Kinakabahan tuloy ako.
"Ilang babae na kaya ang nahalikan mo?" Nanghuhula na naman siya tapos nagagalit sa huli. "100 plus na 'ata?" Oh kita mo, sariling tanong, sariling sagot din.
"'Wag mo nang alamin." Sabay iwas ko. "Ikaw lang syempre, duh. 'Yong iba naman, kiss lang 'yon at walang feelings. 'Yong kiss na ibinibigay ko sa'yo, with heart and feelings 'yon. Diba, malaking-malaki ang pinagkaiba?"
"You know what, you looked like a rapist earlier while you're kissing her." Opinyon niya.
Tangina.
Seryoso ba 'to?!
"Gaile," napakamot ako ng ulo, "ano ba 'yan, wala naman talagang meaning 'yon, e."
"May meaning 'yon. The saw how you kiss her, looked like you're raping he-"
"Gaile, Gaile, Gaile," napatampal ako lalo ng noo ko. "Ako pa talaga 'yong rapist? Hindi ko nga nagustuhan 'yong halik tapos tatawagin mo 'kong rapist?"
Suplada siyang umirap at umiwas ng titig. Ano na ang pwedeng susunod kong gagawin?
Should I caress her back? Or maybe kiss her on the cheeks?
Huwag na pala, baka manyak na naman ang sabihin niya sa'kin, hindi lang rapist.
Kung ilalagay ko ang sitwasyon ko kay Gaile ngayon, kung ganito ako ka nagtatampo, mas gusto kong magkaroon ng space.
Tama! Parehas naman kaming babae, e, baka kailangan lang talaga ni Gaile ng space ngayon kaya galit na galit. Hindi ko na muna siya kukulitin. Ganiyan na ganiyan din kasi ako magtampo, e.
Umiwas nalang ako ng tingin at timuon ulit ang mga mata sa harapan. Nakapoker face ako ngayon at umaaktong seryosong-seryoso pero ang totoo, nakangiti na ako sa isipan ko. I'm mentally happy that Gaile is acting like this.
"Oh bakit natamihik ka? It is because you're guilty?"
Ano ba! Kapag nag-explain ako, defensive ako at rapist. Kapag naman natahimik ako, guilty ako. Imbes na mainis, hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ko padin. Ngayon ko lang kasi talagang nakikita si Gaile na ganito, 'yong talagang hindi niya titigilan. Ipapamukha niya talaga na makasalanan akong tao dahil may kahalikan akong iba at hindi siya. Nagseselos talaga 'to, nasisigurado ko.
"Natahimik ako kasi binibigyan kita ng space," sagot ko sabay kagat ng ibabang labi.
Pakiusap, huwag sana akong ngingiti, baka mas lalong mainis 'tong babaeng 'to. . . Na mahal ko, syempre.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton