05.
Up until now, hindi ko padin malimutan 'yong ginawang paghalik sa'kin ni Ariannex. Parang aftershock. . . Kaya ngayon, mas lalo kaming naging awkward sa isa't isa.
Actually, parang siya lang. For me, what happened earlier is not even a big deal. Wala lang sa'kin 'yon kasi aksidente lang naman 'yong nangyari, e. But for her, ramdam ko talaga ang hiya niya sa'kin.
"Ang sarap talaga ng seafood, hindi talaga ako magsasawa kumain nito!" Sabi ni Klayre habang binabalatan ang hipon.
Thankfully, may malapit na seafood resto sa'min dito kaya umorder agad kami. Seafoods ang lunch namin ngayon.
"Hm... Guys, may sasabihin sana ako sa inyo." Sabi ko sa mahinang boses.
Sabay na napatingin sa'kin sila Klayre at Summer. Lalo na si Ariannex. Sa paraan ng pagtingin niya sa'kin ngayon, pakiramdam ko ay alam na niya kung ano ang sasabihin ko. Si Ariannex, siya palang kasi ang nakakaalam, e.
"Ano 'yan?" Si Summer.
Napatingin kaagad ako sa kaniya, she's creasing her forehead. Maybe, pati siya ay mayroong alam. Nabigyan ko na kasi siya ng hint noon, e.
"About me, sana pati kayo ay hindi din madismaya sa'kin." I'm really hoping and also praying that my friends won't be dissapoint at me. "Sana... Hindi din magbago ang pagtingin niyo sa'kin after this," I murmured.
"Ano ba 'yan?" Curious na talaga si Klayre. Unlike Summer and Nex, kalamado lang sila pareho.
"Hm... I'm-"
"Gaile, hindi mo na kailangang pahirapan ang sarili mo. Ako na ang magpapaliwanag sa kanila." Putol kaagad ni Ariannex sa'kin. "You don't need to pressure explaining yourself." Aniya.
Tumingin kaagad ako kay Ariannex... This is the first time I had heard something from her. After that kiss, hindi na niya talaga ako kinakausap, e.
"Huwag mo munang pilitin ang sarili mong aminin kung hindi ka pa handa. Mukhang nahihirapan ka, e..." dagdag pa ni Ariannex.
She's right... I'm really pressuring myself. Iniisip ko na kasi ang sasabihin ng ibang tao kapag sinabi kong, buntis ako. I'm still not yet ready for judgement and criticisms. And then Nex doesn't want to carry a burden, ayaw niyang maistress ako kakaisip na mali ang ginawa ko.
"Thank you..." ngumiti ako pagkatapos kay Ariannex.
Tipid lang siyang ngumiti sa'kin.
"Ako na magsasabi sa inyo bukas." Sabi ni Ariannex kay Summer at Klayre. "Huwag muna nating pilitin si Gaile na magsalita," Dagdag pa niya. "Baka maistress lang siya. Nandito tayo para mag-whirlwind."
Simula nang makauwi ako dito sa bahay, 'yong nangyaring halik sa pagitan namin ni Ariannex lang talaga ang tanging naiisip ko ngayon. Nakahiga nga ako sa kama ko at nakatulala sa kisame, nagde-daydream. Aside from that, wala na talaga ako ibang maisip. Yun lang talaga.
Para hindi na ako mag-overthink pa, tumayo na ako mula sa pagkakahiga para pumunta ng kitchen. Ikakain ko nalang ang iniisip ko!
Nang makita ko ang mukha ko sa salamin, napangiwi ako. Ang itim ko na talaga!
"Hey, mom!" Bati ko kaagad kay mommy nang maabutan ko siyang kumakain dito ng sandwich with a strawberry jam fillings!
Lately, nagcra-crave na ako parati ng strawberry jam! Kasi ang sarap, eh!
"Hey, how's yesterday? Nag-enjoy ka ba kasama ang mga kaibigan mo?" Tanong niya.
"Yes, mommy. Masaya nga... Nag-enjoy talaga ako." Nakangiti kong sabi.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton