22.1: Bohol

837 33 0
                                    

22.1

HANGGANG sa makarating kami dito sa Bohol ay wala na akong ibang ginawa kundi ang mapanganga. The place is just too beautiful! The sceneries are pleasing in the eyes!

Nagcommute lang kami. Nandito kami ngayon sa isang bus, papunta sa resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Aaliyah.

Mga nagtataasang bundok na ang nakikita ko sa dako. Currently, we are here at the bus. Sa bandang likuran talaga kami nakaupo. Magkatabi kaming dalawa ni Nex. Sila Aaliyah at Klayre naman ang magkatabi sa harapan namin. At sa dulo, sila Galaxia at Summer.

The skies are getting orange, indicating that it's already dawn. Palubog na ang araw... isang napakagandang bagay na nasaksihan ko ngayong araw. This scenery deserves to be captured!

Ang swerte naman ni Aaliyah, noong nakatira pa siya dito sa Bohol, araw-araw siguro ay 'eto ang nasasaksihan niyang scenario... 'Yong mga nagtataasang bundok, alon na kalmado saka ang pagtaas at paglubog ng araw habang nakaupo sa tuktok ng malaking bato... naiimagine ko palang ang lahat, nagagandahan na ako. Naging island girl din daw kasi si Aaliyah noong bata pa talaga siya.

"Ang ganda 'no? Parang ikaw haha..." si Nex, sabay higa sa balikat ko. Magkahawak pa ang mga kamay namin.

"Parang tayo," natatawa kong sabi.

"Oo nga, minsan pogi din," natatawang niyang sabi.

Parang baboy pa minsan tumawa kapag sobra na, tumutunog kasi ang ilong niya.

"Of course, babe, sometimes you're beautiful and sometimes you're handsome..."

"Tsk, talaga? Kaya ba inlove na inlove ka sa'kin because I can do both?"

"Feeling mo naman, babe!" Asik ko.

Natawa lang si Nex sa kapilyuhan niya at kagat-kagat ang labi na napailing. Bahagya pa niya akong hinalikan sa lips... A peck one. And then she started massaging my thigh gently.

"I love you..." bulong niya.

"I love you too." Hindi ako nag-aalinlangang sumagot.

"Nasabi mo sa'kin kanina lang na may trust issues ka na diba? Tapos tinanong mo ako kung lolokohin kita o hindi... ang sagot diyan, hindi babe. Hindi kita lolokohin." Nakatingin siya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga katagang 'yan

My heartbeat is beating loudly now. Parang kakawala sa ribcage ko.

"Thank you... I'll hold on that words." I murmured, enough to be heard by her.

"Pero baka, gano'n padin ang tingin mo sa'kin kasi marami akong naging ex-girlfriend. Tell me if you still doubt... I'll give as many assurance as you wanted until your heart will be contented, okay?"

"Hindi ah," oo kaya! Playgirl ka kaya, babe! Hindi mo lang alam! Kumbaga, babaero ka! Tapos ang feeling mo pa. Nasesensed ko padin na playgirl ka, e. "Mahal padin naman kita kahit... ganiyan ka." Nakangiti ko pang dagdag.

"Weh, parang hindi 'yan ang sinasabi ng mga mata mo, e."

"Bakit? Nagsasalita ba ang mga mata ko? Mata ko ba ang kausap mo?" Pamimilosopo ko.

"Because eyes never lie... and eyes can speak through emotions..."

"Tse, sorry... pero hindi talaga expressive minsan ang mga mata ko. Sometimes my eyes will literally lie, without me... knowing it."

Binasa niya ang kaniyang labi at walang pasabing hinalikan ako sa noo... kaya nabigla ako! Hindi ko inaasahang gagawin niya 'yan. Akala ko kasi talaga ay makikipagtalo pa siya sa'kin.

Chasing After The Waves (Varsity Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon