27.
Buong magdamag, hindi talaga ako pinatulog nang pangyayaring iyon. Ilang araw na din ang lumipas matapos iyon. 'Eto parin ako... Parang bumabalik ako pagiging teenager nang dahil ro'n. I can't understand freely this feeling... But I'm sure that I'm happy.
"Hindi ka pa ba mag-aayos? Pupunta na tayo ng class diba..." I asked Gab when I noticed that she's not moving. Tanging nakasimangot lang siya sa sofa.
"Mommy... Medyo, masakit kasi ang tiyan ko..." aniya sa mahinang tono. May kasama pang facial expressions at pahawak sa tiyan.
"Really? Why didn't you told me earlier?" Gulat kong tanong. Napaupo ako sa tabi ni Gab. "Gaano ba kasakit? Huwag na tayong tumuloy sa swimming class mo? What do you think?" I asked worriedly.
Sabi na nga ba, sumobra kasi siya sa kain ng mga matatamis. Especially chocolates. Pero matigas talaga ang ulo, hindi talaga makikinig sa akin ang batang ito pagdating sa mga pagkain. Ilang beses nang pinagsabihan eh. Ini-ispoil kasi nila mommy't daddy ng mga candies.
"Sumakit nang kumain ako ng chocolates kanina, mommy."
Sabi na nga ba... Kumain kasi kanina ng toblerone kaya ngayon, umaalburuto na ang tiyan niya.
"Mommy... Okay lang ba na hindi ako pumunta ng swimming class? Or you'll get mad?"
I laughed. Ginulo ko ang buhok ni Gab at hinalikan siya sa kaniyang noo.
"Hindi ako nagagalit. I just felt kinda disappointed, Gab. Diba sinabihan na kita na huwag kang madalas kumain ng mga matatamis? Pinagbigyan na kita na kumain. Pero paminsan-san lang sana." Mahaba kong paliwanag na may kasama pang paghaplos sa kaniyang ulo.
"Mommy, masarap kasi. Sorry..." Sabay yakap niya sa akin. Nagpapalambing para hindi ako magalit.
"Hmm... Are you sure? Baka hindi mo na naman tutuparin ang promise mo, Gab." Sabi ko.
"Mommy, promise!" Sabay halakhak ng tawa!
"Ohh, anong nangyayari. Is there a problem baby?" Tuwang-tuwa na lumapit sa'min si mommy.
Hinalikan niya kaagad sa noo si Gab at niyakap nang sobrang higpit.
"Syempre, masakit ang tiyan, mommy. Pinapakain kasi niyo ng mga matatamis..." Ang sabi ko.
And then, nagsimula na talaga ang mga lambingan. Naglambingan na silang dalawa sa harapan ko. Gab is giggling while mom is tickling my daughter's stomach.
I guess... Iiwan ko na nga lang si Gab kay mommy. Kailangan ko nang umalis. Mukhang hindi naman pababayaan ni Mom si Gab, eh.
My day still went well... Nag-enjoy talaga ako ng sobra sa pagtuturo ng mga bata patungkol sa swimming. Sayang, marami ang mamimiss-out ni Gab ngayon sa klase. The class right now is e enjoyable and full of fun and new exciting things to learn! If my daughter is here, sigurado talaga akong magiging masaya iyon!And just what I am expecting right now... Nandito rin si Nex. Siya ang batang lalaki sa klase ko ngayon. Kaedad ito ng anak ko... Hanggang ngayon, wala paring kasagutan ang isipan ko kung anak ba ni Nex itong batang lalaki? But the problem is, takot naman akong magtanong. Takot naman akong lumapit kay Nex.
Hanggang sa natapos na ang klase, nakangiti padin ako. Seeing the smiling faces of the kids makes my heart jumped in joy. Nagbabye na ang ilang mga bata sa akin at isa-isang nilisan ang lugar. Nagpaalam pa ako sa mga kasama ko kung pwedeng mag-stay muna ako pagsamantala dito para magmuni-muni. Buti naman pumayag!
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton