30.
We just... Kissed. Bumitaw din kaagad nang napagtanto namin kung ano ang ginagawa namin ngayon. Nagtataka nga ako hanggang ngayon pero... Nagustuhan ko.
"I'm sorry..." Umiwas ng titig si Gaile sa akin.
Lumunok ako. "Ayos lang..."
Kasi gusto ko naman.
My heartbeat is still beating hardly. The kiss... Literally had an impact on me. Hindi maipaliwanag pero maganda sa pakiramdam. I missed it... I missed how her lips is touching mine.
Kung pwede lang sanang mag-request na ulitin muya ang ginawa niya, kaso hindi na. Nakakahiya! Na masaya!
"Tara na nga, ihatid nalang kita sa kwarto mo... Matulog ka nalang." Sabi ko sabay hawak sa kaniyang balakang.
Hinayaan lang niya ako. Tumango na siya at nagsimulang maglakad.
Matutumba na sana si Gaile pero mabuti nalang na nahawakan ko kaagad siya sa bewang. Inalalayan ko siyang maglakad kasi paika-ika siya kung lumakad. Umiikot na siguro ang utak nito. Sabi na nga, hindi ako nagkakamali na mayroon na siyang tama. Lasing na.
"Umayos ka nga, hays. May tama ka na nga talaga..." Suway ko pa.
Hindi nalang siya nagsalita. Bigla na lamang napapikit si Gaile.
Hays... Mukhang wala na akong magagawa. Kailangan kong alagaan at bantayan si Gaile ngayon. Lasing siya. Ayaw kong pabayaan lang siya basta-basta.
"Tara na nga, ihahatid nalang kita sa kwarto mo. Kailangan mo nang magpahinga at matulog. Huwag na sanang matigas ang ulo." Pakiusap ko kay Gaile sa malambing na tono. Sana naiintindihan niya ang mga sinasabi ko.
She didn't respond so I immediately took it as a yes.
Nagsimula na kaming maglakad. Hawak-hawak ko padin siya sa bewang niya. Inaalalayan ko padin si Gaile habang lasing siya at paika-ika. Mabuti nalang na hindi na siya nagreklamo pa. Hinayaan lang niya ako.
Umirap kaagad ako nang makasalubong ko sila Klayre at ang iba pa dito sa ibang cottage. Tama nga ako, planado nila ang lahat. Ang iwanan kaming dalawa ni Gaile sa isa't isa.
"Walang hiya talaga kayo, pagbalik ko, susuntukin ko kayong lahat, ah!" Sigaw ko sa mga kasama namin na nakatambay sa ibang cottage. Tama nga ako, sinadya nilang iwanan kaming dalawa ni Gaile.
Natawa si Klayre. "Good luck nalang. Saka dapat nga nagpasalamat ka sa'kin, eh. Para hindi ka na broken at hindi na maiinggit sa amin!"
Napakagat ako ng ibabang labi, sinabi kong, "single ako pero hindi ako atat magka-jowa! Duh!"
Katulad nang inaasahan ko, tawa na naman ang ibinigay niya sa akin. Hindi padin talaga nagbabago ang Klayre na 'yan kahit kailan, loko-loko padin ang hayop! Sigurado akong hindi talaga tatahimik ang buhay ko sa babaeng 'yan!
"Is Gaile okay?" Concern na tanong ni Iyah kay Gaile na hawak-hawak ko ngayon. Unti-unti nang napapikit. Inaantok na yata. Ilang minuto, baka bumagsak na ito sa kinatatayuan niya.
"Inaantok lang at lasing na..." Paliwanag ko kay Iyah.
Mabuti pa si Iyah, nag-aalala at concern. 'Yong iba naman, tawa pa nang tawa sa amin. Lalo na si Klayre! Nang-aasar pa. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong kiligin o mainis. Samo't sari. . . Nakakaramdam kasi ako ng kilig kapag inaasar nila ako kay Gaile! Maiiinis dapat ako, eh.
Drunk Gaile is really a mess and a disaster... But cute. Ewan ko ba kung bakit nakikita ko na ang cute talaga ni Gaile malasing. Namumula-mula pa ang pisngi. Para siyang bata.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton