24.2: Hurting

982 30 0
                                    

24.2


HINDI KO ALAM kung ano na ang susunod kung gagawin ngayon. Maliban sa uminom dito sa isang bar. Kanina pa din ako tumutungga ng alak.

Gaile... just doesn't want to talk to me anymore. And it hurts in my part. Nag-explain naman kasi ako, e... pero... parang nawala ko na ang tiwala niya para sa akin. Parang bigla-bigla nalang nawala ang halos lahat ng pinagsamahan namin.

Hindi ko nga alam... kung break na ba kami o kami pa.

It's been three days... and I think that it's already an enough space that I gave her. Okay na 'yong tatlong araw para sa pahinga na hinihingi niya. Hindi ko siya ginulo at hindi din kinukulit... pero bakit parang hanggang ngayon ay wala padin siyang balak na kausapin ako?

Damn it... everything is fucked up now. I don't know where to start now... kung paano ko siya ibabalik sa akin ulit. Kung paano ko siya makukuha ulit... I missed her but she doesn't want to see me nor talk to me.

Nasasaktan ako knowing na nagagawa niya pala akong tiisin.

Tumungga ulit ako ng isa pang shot. Bahala na kung malasin man ako dito. Basta gusto kong damihan ang inom ko. Wala naman masyadong tao dito sa bar na pinuntahan ko. Hindi maingay. Sinadya kong pumunta sa bar na 'to para mapag-isa ako. Ayaw ko nang masyadong maingay.

Tatlong araw na rin din akong halos puros inom. Hindi ako makapagfocus sa mga discussions sa University. Pati na rin sa mga practices. Panay excuse ko basta lang makainom ako dito.

"Hindi ka nagrereply sa'kin, hindi ka din sumasagot. Ano bang problema?" Walang tigil na kakatanong ni Allyxia.

Kanina pa siya nandito. Hindi siya umiinom. Tinitingnan lamang niya ako. Tinatanong-tanong din kahit hindi naman ako sumasagot. At wala talaga akong balak sumagot. My mind is really occupied right because of the shits that she had done. Damn it.

"Tama na 'yan," inagaw niya ang baso na hawak ko.

"Akin na nga 'yan!" Inaagaw ko din sa kamay niya ang baso pero ayaw niya talagang ibigay!

"I said stop drinking. You already drank too much. It's already too much..."

Concern ba ang boses niya? Wow lang! Hindi ba niya alam kung bakit ako umiinom ngayon? Hindi ba niya alam kung bakit hindi na ako pinapansin ni Gaile? Damn it... she's the one who put me in this kind of shit! Pero ang kapal ng mukha niya na maging concern sa'kin!

Just damn it!

"Nex, umuwi ka n-"

"PUTANGINA NAMAN, Ally! Tigilan mo na nga ako! Can't you see that I'm trying to win my girlfriend back but you keep on ruining everything! Please, get fucking lost here!"

Hindi ko pinagsisihan na sinagawan ko siya at hindi ko rin pinagsisihan na tinataboy ko siya. I just want her to fucking get lost. I don't want to deal with her anymore.

Kalmado parin ang mukha niya... pero ang mga mata niya, nakita ko ang gulat doon. Halos hindi na siya kumurap sa sobrang pagkabigla. Hindi din makapag-usal ng mga salita, napauwang lang ng labi.

"Just get lost, Ally. I don't want you here..." pag-uulit ko. Baka wala siyang naiintindihan. Sabay tungga ng glass shot.

"I still want to stay."

Napatingin ako sa mukha. Afterall?? Ang sakit ko nang magsalita sa kaniya pero pinagpipilitan padin niya ang sarili sa akin! Hindi ako natutuwa, naiinis ako. She keeps on acting like that she cares for me... eventhough she's one of the reasons why I am hurting.

"Sige manatili ka. Pero huwag kang mag-expect na kakausapin kita. Huwag kang umasa na okay tayo. Kasi hindi. Tangina mo..."

Ngumisi lang siya at hindi nagsalita. Napailing pa.

Umorder nalang din siya ng maiinom niya tutal wala naman siyang maririnig na kahit isang salita sa'kin. Kaysa sa bagutin ang sarili niya, edi uminom nalang siya.

"Drinking alcohol is not good for varsities. Malapit na ang summer cup. Take good care of your health."

Palihim akong umirap. Hindi ako sumagot. Asa siyang magsasalita ako.

"I can be your girlfriend then... if that ace don't want you anymore."

Tangina talaga nito. Bwisit.

"Just kidding... I'm actually sorry for what I had did."

I'm surprised. Pero hindi ko padin siya kausapin. Walang-wala lang talaga ako sa mood ngayon. At hindi ko pa alam kung sincere siya sa mga sinasabi niya o hindi. Wala talaga akong tiwala sa babaeng 'to.

HABANG NAG-AANTAY ako dito sa labas ng changing room ng swimming team, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Kakausapin ko na si Gaile ngayon.

Paikot-ikot pa ako sa kinatatayuan ko kasi hindi talaga ako mapakali. Nakaukit na din kasi sa utak ko ang dapat kong mga sasabihin... sinasaulo ko para walang kulang at maipaliwanag ko ang mga totoo at buo talagang mga nangyari.

"Gaile! Gaile! Wait lang!" Sigaw ko kay Gaile, pinapatigil ko siya sa paglalakad. Nang makita niya kasi ako, umakto siya na para bang hindi niya ako kilala. Nilagpasan lang niya ako na parang hangin.

"Ano ba?" Naiinis niyang tanong nang hawakan ko ang kaniyang braso.

"Bakit hindi mo na ako kinakausap? Pwede naman nating ayusin kung ano man ang naging mali diba?" Pakiusap ko.

Pinagtitinginan na ako ngayon ng mga kateammates ni Gaile kasi nagmumukha na akong tanga dito ngayon na nagmamakaawa. Pero wala akong pakialam. Kasi gusto ko na talaga siyang makausap. Halos mabaliw na nga ako sa tatlong araw na hindi niya ako kinakausap, e.

"Nex, please... not now..."

"Please ngayon na. Kahit saglit lang, kausapin mo naman ako." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Please... please... I'm wishing that she's still the same Gaile that I fell for. 'Yong sobrang bait. 'Yong hindi ako matiis. 'Yong parating nagbibigay. 'Yong mapagpatawad... sana hindi siya magbago. Please lang.

Tumingin si Gaile sa mga kasama niya. Sa tingin ko ay nakuha naman agad nila ang mga sinasabi ni Gaile through eye contact.

Isa-isa na silang unalis sa harapan namin ni Gaile. Leaving the both of us alone here.

"Gaile please. 'Yong mga pictures na 'yon na nakita mo, walang meaning ang mga 'yon. I can explain, noon na 'yon. Hindi na-"

"I know, Nex," putol niya. "Naexplain na sa'kin ni Allyxia ang lahat ng mga 'yon. Hindi mo na kailangan pang mag-explain pa."

Napakagat ako ng ibabang labi. Lumaki pa ang mga mata ko.

"So? Pwede na ba nating ayusin ang sa pagita-"

"It's not just about that picture, Nex. More than it... aalis na ako dito. I already quit in Swimming Varsity Team. Sasama ako kay Ash pabalik sa America kapag gumaling na siya. I'm sorry but I have already made up my mind..."

Napapikit ako.... no, hindi pwede. Alam kong joke lang ito... kasi ang sakit tanggapin. Ang hirap.

"Gaile naman..." pagmakakaawa ko ulit. Hindi talaga ako mapapagod sa pagmamakaawa sa kaniya.

"Please, Nex... I know that you're already mature to understand me."

"E' bakit Gaile? Bakit ayaw mo na sakin?" Pinipilit ko padin ang sarili na huwag mautal kahit na ang sakit-sakit na.

"I-I'm not happy with you anymore..."

Nang gano'n-gano'n nalang, naramdaman ko na parang nabiyak ang puso ko nang ilang piraso.

Chasing After The Waves (Varsity Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon