10.
Masaya. . . masaya na naman ako. Iba kasi talaga ang epekto ni Gaile sa'kin.
She's literally making me happy even in her small ways.
Kahit walang effort, napapasaya padin niya ako. Ewan, hindi ko na nga naiintindihan kung nararamdaman ko ang bagay na 'to! Basta ang alam ko, mas lalo lang din ako nagiging masaya kapag masaya si Gaile. She hits different. I really have a soft spot for her.
Sinundo ko siya kanina sa bahay niya. Ang sabi niya, gusto niyang bumalik kami sa dati na parating magkasama. Hindi naman nawala 'yong closeness namin, e. Ako lang 'ata 'yong mali, e, kasi dinadamdam ko talaga 'yong halik na nangyari sa pagitan naming dalawa. Hindi maalis sa isipan ko 'yon. Nilalagyan ko ng meaning.
But Gaile and I already settled it.
Kiss lang iyon.
Walang ibang meaning.
Pwede iyong maging friendly kiss. . . Iyon lang, wala nang iba pa.
Napailing ako.
Lintek, bakit ko ba kasi dinadamdam ang kiss na 'yon?
"Nex, what's on your mind?"
Saka lang ako umahon sa malalim kong pag-iisip nang maraning ang malambing na boses ni Gaile. May kasamang pang paghimas sa likuran ko.
"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo, Nex? Pwede mo namang ishare sa'kin, diba?" Ugh, Gaile is really too sweet and caring? Nakakainlove pa 'yang inosenteng ngiti niyang 'yan! She's really pure indeed.
Minsan, nanggigil nalang ako sa kaniya. Bakit ba kasi ganiyan? Ang genuine niya. Hindi lang siya maganda, ang bait pa. Tamang-tama para panggigilan.
Kaso lang, napunta sa maling tao ang anghel na 'to. . . Mali sa paraan na parati nalang may lumalabas na mga luha sa mga mata niya. My bestfriend doesn't deserve to shred any tears from her eyes, not even a single one. Mas payag akong umiyak siya sa dahilan na hindi nanggagaling lalaki. Ayaw kong saktan lang siya ng mga lalaki nang gano'n-gano'n nalang.
Hindi ko sinasabing ang malas ni Gaile sa boyfriend niya ngayon. . . Pero parang gano'n na nga. Unang tingin ko palang kay Ashro, hindi na ako kampante sa lalaking 'yon. Nahahalata ko sa mukha niya na sasaktan lang niya ang bestfriend ko.
Nagawa na nga niyang saktan, e. Ashro abandoned Gaile. May pangako pang nalalaman na babalikan niya si Gaile, hindi kapani-paniwala. Halatang mang-iiwan parin, e.
Hindi lang naman si Ashro ang unang lalaking hindi ko sinuportahan para kay Gaile. Maraming mga boys si Gaile, at ang lahat ng mga 'yon, ramdam ko na hindi nila seseryosohin ang bestfriend ko.
O diba, tama ako? Lahat ng mga 'yon, naging ex na niya. Iniwan din siya sa huli. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang mag-boyfriend, nandito naman ako, e. Pwede ko namang ibigay sa kaniya ang mga atensyon na gusto niya. Kasi ako, hindi ko siya iiwan at hindi ko pa siya sasaktan. Hindi ko gagawin sa kaniya ang lahat ng mga ginawa ng ex-boyfriends niya!
"Wala akong problema, masaya lang ako." Nakangiting sabi ko sa itinanong ni Gaile kanina. "Ikaw, Gaile, bakit ang saya-saya mo rin?" Ako naman ang nagtanong.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton