20.
"Dad, wala nga po akong balak diyan, e. Nakakainis kayo. . ." Natatawang sabi ni Nex sa Daddy niyang sobrang concern sa lovelife niya.
Nirereto nga siya ng Daddy niya sa mga kakilala nitong lalaki at anak ng mga ka-sosyo nito. Si Ariannex, panay naman ang tanggi at patango-tango lang. Halatang naa-awkwardan siya.
Well, Tito Spero probably doesn't know that Ariannex is into having girlfriends, only, not boyfriends.
Hindi naman ako nakakaramdam ng kahit anong selos o ano, alam ko namang biro-biro lang ang lahat ng mga 'to. Nakikisabay nalang ako. Nakikitawa pa ako kahit wala namang nakakatawa. Minsan naman, dinadivert ko nalang ang mga mata ko sa kinakain ko ngayon. I'm eating vegetable salad that I requested from Tita Aciel.
"Ang ganda-ganda mo anak, e, bagay sa'yo 'yong mga gwapong anak ng mga kumare ko." Si Tita Aciel naman ang gumatong.
Awkward lang akong nakikitawa sa kanila. Ang totoo, hindi ko pinapahalata na naa-awkward ako. I'm just making it more natural and somehow real.
Pasimple pang hinimas ni Ariannex ang binti ko, palihim niya akong kinocomfort. Tumingin naman kaagad ako sa kaniya, her face is saying that I should not take her parent's jokes seriously. Palihim ko ding hinawakan ang kamay niya, pinisil pa 'to.
Binigyan ko ng ngiti si Nex, sinasabi ko sa kaniya na hindi naman talaga ako nagpapaapekto. Alam ko namang joke lang ang lahat ng mga 'to.
"Ayaw ko, ma, saka yuck. Hindi ako magjojowa ng ganiyan-" diring-diri talaga si Ariannex, as in. Because of it, pasimple akong natawa. "Ng mga lalaki. Kasi, 'my, diba ang lahat ng mga lalaking gwapo ay parang may kalokohan. Manloloko gano'n, diba?" Sabi ko.
"Hindi naman lahat." Kontra ng Daddy ni Nex. "Gwapo naman ako, anak, pero hindi ko naman niloko ang mommy mo. Ibig sabihin, hindi lahat ng gwapo ay manloloko." Ani Tito Spero.
Natawa talaga ako sa sinabi niya. Nagbigay pa si Tito Spero ng halik sa asawa niya. Halatang kinikilig si Tita Aciel, namumula kasi ang pisngi niya at halos hindi na niya maalis-alis ang ngiti sa labi niya.
"Corny niyo naman, Dad." Natatawang reklamo ni Nex.
Natawa lang ang daddy ni Nex. Tinuloy ulit namin ang kain. Vegetable salad din ang kinakain ni Nex. Sila Tita't Tito naman ay ang sweet-sweet pa. Nagsusubuan at nagtatawanan.
"Dalaga ka na, anak, iniisip mo siguro na pinagbabawalan ka namin ng mommy mong mag-boyfriend kaya hanggang ngayon wala ka no'n." Natatawang sabi ni Tito Spero.
Ang buong magdamag talaga na pinag-uusapan, ay puros patungkol sa lovelife ni Ariannex. Hindi pa kasi nagkaka-boyfriend si Nex, e.
Nex laughed. "Kahit po payagan niyo ako ni mommy, ayaw ko naman po talagang mag-boyfriend, e." Depensa niya.
"Baka may boyfriend ka naman talaga, pa-secret-secret lang," asar ni tita Aciel.
Ayaw talaga nilang tigilan si Ariannex sa kakatanong patungkol sa lovelife nito.
"Mommy, promise, hindi po ako magboboyfriend. Wala talaga akong balak na mag-boyfriend." Seryosong sabi ni Ariannex, pinipigilan ang parents niyang asarin siya.
Yes, she shouldn't do boyfriends.
Ariannex is only into me. And she's only mine, of course.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton