26.1: Waves of Love

990 30 0
                                    

26.1:

"Woah, ang sexy padin kahit na may anak na!"

Natatawa kaagad akong napatingin kay Lou nang dahil niya sa biglaan niyang pagsigaw. She's also a swimmer too. Kateammate ko siya noong varsity days ko sa Hawkins University at co-coach ko din dito sa Swimming lesson ngayon.

"Sira ka talaga! Ikaw din naman, ah. May tatlo ka nang anak ang sexy mo padin. Paano mo kaya namemaintain ang coca-cola body mo?" Sagot ko naman. Natawa pa ako at bahagyang napailing.

Buti naman na nandito din siya. Namiss ko din kaya siya... matagal-tagal rin talaga simula no'ng makausap ko ulit ang mga college friends ko at varsity friends. Halos dito lang talaga kami nagkikita-kita lahat dito sa Summer classes.

"Mas sexy ka kaya!" Insisted ni Lou.

Umiling ako. "Bahala ka na nga. Hindi ka naman naniniwala, e."

"Hehe... hindi kaya ako sexy. Pero ikaw na ang nagsabi, e. Alam ko naman noon pa, na ang isang Gaile Herrera o ace of the waves ay hindi nagsisinungaling, e. Kapani-paniwala nga." Natatawa niyang sambit. Nakakahawa ang malakas niyang tawa kaya natawa na rin ako.

Gosh, I really did missed her. Hindi lang naman siya, halos ang lahat ng mga nandito sa Iloilo. Ang probinsya. The athmosphere here is so nostalgia to breath in. Maraming mga alaala na magandang ibalik, magbalik tanaw kumbaga.

Naaalala ko pa na dito talaga ako nagsimula bago maging isang magaling na manlalangoy... nagsimula sa mga swimming classes. Hindi lang din ako puros relay sa iba, nagseself-train din ako noon kasi mayroon kaming swimming pool sa bahay. Self train talaga ang kadalasan kong ginagawa.

KASALUKUYAN, nag-iistretching na kami ngayon ng mga bata. Kailan muna kasi talagang mag-stretching at mag-exercise bago pumunta sa languyan sa tubig. Ituturo ko muna kasi ang mga basic swimming skills.

Marami ang mga nag-enroll sa swimming class ngayon. Mayroon pa ngang mga teenagers. Dahil nga marami-rami ang nag-enroll, hinati ang lahat. Nagkaroon ng by teams. Nagkaroon na din ng bagong schedules o mga araw kung kailan babalik bawat mga grupo. Mayroong mga novice, beginner at intermediate. Syempre, 'yong grupo ng anak ko ang kinuha ko. Mga bata na may edad 11 pababa. Mga beginners ang hawak ko.

Marami ang mga swimming skills na dapat matutunan. Essential swimming skills includes being able to enter the water and resurface, controlling breathing, floating, turning, and moving to safety in the water and exiting.

Masarap pala sa feeling 'yong ganito, ang magturo sa mga bata ng swimming. Ang maging teacher to be exact. Ang ganda sa feeling na nababahagi ko sa iba ang

"Si mommy 'yan, magaling ang mommy ko mag-swimming 'no! She's a varsity noon!" Walang tigil na pagmamayabang ng anak ko sa mga kasama niya.

Natatawa lang ako at napapatampal ng noo. Hays. Mahilig talaga siyang magboast minsan. Natatawa lang ako kasi pinagmamayabang niya ako.

"So step one to learn how to swim is to be able to control your breathing and to blow your bubbles blowing your bubbles and the water of your eyes on the water can you put your logo on your eyes..." Paliwanag ko sa mga bata na may kasama pang actions.

Actually, madali lang silang turuan. Nakikinig naman kasi ang mga batang ito. I can feel and see all their dedications.

BREAK NA, umupo kaagad ako sa gilid. Binalot ko kaagad ang malinis at puti kong twalya sa buo kong katawan.

Chasing After The Waves (Varsity Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon