25.
"Sandali lang, anak, Gab! Magbibihis muna ako!" Suway ko kay Gabriella, ang kong walong taong gulang kong anak, dahil nagmamadali. Ayaw pang magpaawat!
"Mom! You should ready na, e!" Ngumuso siya.
Kasi nakaayos na siya ngayon. Nakapang-swimming attire. Nakasabit na ang maliit niyang backpack sa likuran. Kumpleto na ang mga swimming gears niya roon.
Habang ako, hindi pa nakapag-ayos syempre!
May swimming lessons kasi siyang sinalihan ngayong summer. Pinaenroll ko siya sa swimming class. Ayaw niyang magbakasyon, e. Gab wants to spend all her summer vacation, learning how to swim. And it's great! As a former varsity player, syempre susuportahan ko din ang anak ko sa sports na kinahihiligan niya ngayon. Masarap sa feeling ang maging sporty.
Mabuti nalang na hindi niya namana nang buo ang traits ng dad niya. 'Yong hindi lang puros libro ang inaatupag. She also needs physcial exercise too! Academic excellence ang anak ko, just like his dad. Matalino naman talaga ang anak ko... pero mabuti din na namana niya din ang pagiging sporty ko!
"Pwede bang mamaya nalang tayo pupunta doon?" I asked my daughter politely. "It's still too hot there. Saka baka may programs bang magaganap doon, e. Mabibilad lang tayo sa ilalim ng araw."
"Mommy that's okay. Makikinig naman ako sa program, e. Besides, diba baka may speech kang gagawin mamaya, mommy?"
"Hindi naman kailangan, anak. Masyado pang mainit, e."
"Mommy, baka all of my friends are waiting me there!" Dadag pa niya.
Bumuntong hininga nalang ako sa kakulitan ng anak ko.
"Mommy, you're a coach there! Please be responsible naman!" Nakangusong sabi ni Gab. Para na siyang matanda ngayon kung makaasta! 'Eto talagang batang 'to! Natatawa nalang ako.
My daughter is right, I'll be coaching the summer swimming class. In-invite kasi ako ng summer swimming class coordinators na kung pwede ay maging coach ako sa event na 'yon. Marami-rami din kasi ang nag-enroll sa swimming class kaya kakailangan din nang maraming coaches.
Without having second thoughts, ofcourse, um-oo kaagad ako sa alok! I wanted to teach kids everything about swimming! Namimiss ko tuloy 'yong kabataang panahon ko.
"Tara na nga, one moment. Mag-aayos lang ako, anak, ah?" Ang sabi ko.
"Sure, mommy! I'll just wait outside!" Tuwang-tuwa na ngayon si Gab.
Sabay kaming napatingin ng anak ko sa pinto nang biglang may pumasok dito. It was my mom. Pupuslit na naman siya dito sa kwarto kasi daw parati niyang namimiss si Gab. Naiintindihan ko naman kasi ilang taon din kasi silang hindi nag-uusap.
"Ohh... where's the baby girl going?" Nakangiting tanong ni mommy kay Gab. Lumapit siya. May halik pa sa noo at pisil sa pisngi.
"Lola pupunta na kami ni mommy sa sports complex. Doon magaganap ang mga summer sports class, Lola!" Tuwang-tuwa na kwento ni Gab. Winawagayway pa niya ang kaniyang mga kamay sa ere. Ang cute lang.
"Aww our baby girl will be a swimmer too just like her mom!" Naka-awe ang bibig ni mommy. Nakikita ko na sobra siyang proud kay Gab.
Ang lahat talaga ng attensyon ng lahat ay nasa kay Gab lang talaga.
"Lolo!" Sigaw kaagad ni Gab nang biglang pumuslit si Daddy sa pinto.
"Saan pupunta ang princesa?" Lumapit si Dad kay Gab.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton