1.2: Inlove with Her

2.1K 58 0
                                    

1.2

"Mainit na! Tara, umahon na tayo!" Reklamo ko kay Gaile, nakasimangot.

Kanina pa kami lumalangoy dito, eh. Gusto ko na sanang umahon pero si Gaile, ayaw pa niya. Gusto niyang samahan ko siya dito.

"Nagpapractice pa ako dito, eh..." Reklamo naman niya.

Bumuntong hininga ako.

"Gusto kong mas lalong gumaling pa sa swimming, Nex."

"Oo nga, pero magpahinga ka naman. Huwag lang puros practice." Sabi ko naman.

Buti pa si Gaile, namumula lang kapag nabibilad sa araw. Ako, nangingitim talaga. 'Tas nagkaka-sunburn kaagad 'pag hindi ako nakalagay ng sunscreen.

"Naaalala mo ba kung bakit gusto kong maging isang professional swimmer? Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit, Nex!" Masaya niyang sabi.

Natawa ako.

Bakit ko naman makakalimutan 'yon?

When I kissed her last time... That's the time when I felt something different on me... Like something had changed.

Dito sa yate, ang daming tao! Nakakatamad! Hindi ko alam kung bakit ako sinama ng daddy ko dito, nakakainis!

May nahulog na bata kaya lahat ng mga tao dito nagsisigawan.

Teka... Sisigaw lang ba sila?! Hindi ba sila marunong lumangoy?! Hindi ba nila tutulungan ang nalulunod na bata?!

Imbes na mag-panick, hindi kaya nila subukan ang tumulong?!

Nagulat ako nang makita na si... Gaile ang nalulunod!

Wala na akong pakialam kung ano ang gagawin ko... Agad-agad kong hinubad ang sandals na suot ko.

I took a deep breath and immediately jumped on the water.

Hindi ako takot tumalon sa tubig kasi alam ko naman na marunong akong lumangoy.

"Bakit mo ginawa 'yon, anak?! Bakit ka tumalon kanina? Ariannex, anak, may hika ka pa din naman! Pinag-alala mo ako nang sobra!" Ramdam ko ang frustration ni Daddy sa boses niya palang.

Akala ko... Pupurihin ako ni Daddy, papagalitan lang pala.

"Nalulunod kasi ang bata, daddy, kailangan kong iligtas." Sabi ko, sabay kamot ng ulo. "Kaibigan ko din naman si Gaile." Dagdag ko pa.

Napamasahe si Daddy ng kaniyang ulo.

"Pero sa susunod, huwag mo ulit tatangkain yon. Baka ikaw lang talaga ang magdadala ng sarili mo sa kapahamakan." Ani Daddy, umiling pa.

"Thank, God... And thank you for saving my daughter, hija." Mangiyak-ngiyak na pasasalamat ni Mrs. Herrera sa akin, ang mommy ni Gaile.

Kanina pa siya umiiyak habang pinapasalamatan ako, tumatango nalang ako at ngumingiti kahit na ang totoo... Medyo tinatamad na akong makinig.

"Okay lang po, Tita. Walang anuman." Sabi ko, bahagyang ngumiti.

May nakabalot na twalya sa buong katawan ng bata. Giniginaw parin siguro hanggang ngayon.

"Ang galing mong lumangoy..."

Ngumiti ako. "Bakit ka nga pala tumalon kanina doon? Magpapakamatay ka ba?"

Umiling ang bata at yumuko.

May pangalan na pala ito, siya si Gaile. Magkakilala na kami noon pa. Parati din kasi siyang sinasama ng parents niya sa tuwing may okasyon, tulad ko. Pero mas gusto ko siyang tawagin na bata. Lampa nga rin siya.

"Nadulas ako... Thank you for jumping on the water for me."

Hindi ko inaasahan ang susunod niyang ginawa.

She kissed me on the cheeks and I... Blushed.

I gave her also a kiss on the cheeks.

"Syempre, hindi ko makakalimutan 'yon..." Sagot ko kaagad kay Gaile nang makabalik na ako sa wisyo.

Damn this... Hindi ko alam kung bakit tumitibok nang mabilis ang puso ko.

Chasing After The Waves (Varsity Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon