18.
"Ano na naman ba!? Tangina naman!" Inis kong sigaw kay Allyxia dahil nakasunod na naman sa'kin. Ayaw na naman 'ata akong tigilan.
Kakatapos lang ng first match ko, nandito ako sa labas ng court, pagsamantalang nakatambay at nagmumuni-muni. Pagkakataon ko na sana 'tong makapaghinga at para makatipid ng energy para sa susunod kong match. Pero 'etong si Allyxia, nambubwisit na naman.
"Hindi na kita iinisin. Nandito ako para makipag-usap sa'yo." Depensa niya. Walang pasabi pa siyang umupo sa tabi ko.
Syempre, lumayo ako ng kaunti sa kaniya. Ayaw kong magdikit ang mga balat namin, baka lilibugin na naman 'tong lecheng 'to.
"Talaga, usap lang? Baka bigla-bigla ka na namang mang-amok. Hahalikan mo na naman ako. Alam mo, ikaw ang rapist sa'ting dalawa, hindi ako." Pagra-rant ko. Naaalala ko na naman kasi ang mga sinabi sa'kin ni Gaile. Hindi ko talaga matanggap 'yong mga sinabi niyang 'yon!
Nangunot ang noo niya. Pero sa tingin ko ay tinatamad 'ata siyang magsalita kaya sa huli'y natahimik nalang siya. Isinara nalang niya ang bibig niyang punong-puno ng kamanyakan.
"Hindi na kita hahalikan. Kung gusto mo naman, edi sabihin mo lang. We will have a round two." Parang ginaganahan ang boses niya. Sabi ko na nga ba, si Allyxia ang pinaka-malibog na babaeng nakilala ko.
"Wala nga lang. Gusto ko lang umupo dito sa tabi mo." Aniya at tumitig sa malayo. Parehas talaga sila ni Galaxia, napansin ko na parehas silang mahilig tumingin sa malayo.
Ano kaya ang mayroon sa malayo at bakit mannerism na nila ang tumingin do'n?
Bumuntong hininga ako at hindi nalang sumagot. Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling na mananahimik siya.
Sinimulan ko nalang punasan ang pawis ko gamit ang puting towel. Nakapalit na din ako ng tshirt, kanina ay basang-basa kasi ang likod ko dahil sa pawis.
Ayaw ni Gaile na ganiyan, ang tamarin ako. Marami ang hinabilin niya sa'kin kanina, syempre sinunod ko talaga ang mga 'yon. Hindi ko nakakalimutan na mag-dehydrate parati (uminom ng tubig kumbaga), palitan ang t-shirt ko, tapos ang ayusin ang buhok ko kapag magulo! Ganiyan siya ka-caring, kaya mas lalo tuloy akong namo-motivate!
"Ariannex Del Valle," usal ni Allyxia. Bakit ganito? Parang nakaramdam ako ng shivers nang iusal niya ang buong pangalan ko.
"Ano?" Inis kong tanong.
"Gusto kita maging girlfriend." Diretsiyahan at prangka niyang sagot. Kung may iniinom lang ako ngayon, naibuga ko na sana 'yon sa mukha niya.
"Tangina mo naman. May girlfriend na ako. Pwede ka namang humanap ng iba diyan." Sagot ko.
Tama nga ako. . . She's still pursuing to like me. I mean, ewan! Basta may sinabi siya sa'kin noon na hindi ko naman pinagtuunan ng pansin. Ngayon ko lang medyo naintindihan ang lahat.
"I can't forget about you. That one night stand that got happened between us had a great impact on me." Tumingin siya sa mga mata ko. Bumuntong hininga naman ako. "I really can't forget about it."
Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin.
'Yan na naman. Kinalimutan ko na 'yon, e, at kinalimutan ko na siya. Ngayong inungkat niya ulit 'yong nangyari, parang nawalan na ng saysay 'yong paglilimot na ginawa ko! Damn it.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton