23.
Ilang beses akong kumatok... pero walang kumakatok. Maybe they're busy? Ayos padin ba sila matapos 'yong nangyari kanina?
Sabi kasi ni Klayre kanina, hindi naman siya galit kay Aaliyah, e. Okay pa naman sila... kaya inaassume ko ngayon na magkasama parin sila ngayon sa issang kwarto... kasi according to Klayre, okay sila.
Huling katok ko, mabuti nalang may sumagot agad.
It was Aaliyah.
Nagkalat pa ang makeup sa kaniyang mukha. Napansin kong may nakalagay pang twalya sa kaniyang balikat. Maliligo na 'ata siya pero naistorbo ko ba siya?
"Iyah..." usal ko sa mahinang tono.
"Hey, hmm... is there something you need, Nex?" She asked. I can say that she's trying her best to smile sweetly.
"Uhm... okay ka lang ba?" I wanted to comfort her too. Hindi lang si Klayre. Mukha kasing kakagaling lang sa iyak 'yong mga mata niya.
Oo, nandito ako para magcomfort... pero ang totoo, si Klayre ang totoong pakay ko. I mean... siya ang kaibigan ko originally. Siya ang mas naaapektuhan, e.
"O-oo, okay lang naman ako! Salamat sa concern..." natawa siya. Pero alam kong kunwari lang 'yan.
"Si Klayre... andiyan ba siya?" I asked.
"Hmm... tulog na siya, e... bakit?"
"Wala naman... goodnight nalang." Ngumiti ako.
Pabalik na ako ngayon sa kwarto namin ni Gaile. Sayang kasi hindi ko nakausap si Klayre pero may bukas pa naman, e. Bukas nalang siguro. Tutal, inaantok pa naman ako.
NANG DAHAN-DAHAN kong binuksan ang pinto. Naabutan ko si Gaile na nagtitipa sa cellphone niya.
Hindi pa niya ako napapansin. Saka lang nang marinig niya ang mga yabag ko papunta sa kaniya.
"Gising ka na pala?" Lumapit ako kay Gaile sa kama. Hinawi ko ang buhok niya at nagdampi ng simpleng halik sa kaniyang leeg.
"Oo, nagising ako kanina nang dahil sa malakas na pagtunog ng cellphone ko and I can't sleep now..."
"Bakit?" Tanong ko.
"I felt uneasy. Nakausap ko kanina si Ashro... at saka... uuwi daw siya."
Napangunot ang noo ko at binasa ang labi ko. Suminghap ako. Parang gusto kong magdabog at magrebelde sa narinig sa kadahilanan na ang dami na namang pumapasok na mga possibilites sa utak ko... possible na baka maagaw na naman si Gaile sa'kin!
"Uuwi? Bakit? Diba doon na mag-aaral 'yon? Bakit pa siya uuwi?" Bagamat medyo nakaramdam ako ng inis, minatili ko paring maging kalmado. Afterall, he's still the father of Gaile's child.
"Ka-kasi, babe..." napakunot ako ng noo dahil pinutol niya kaagad ang mga sasabihin niya.
"Ano, Gaile?"
"N-nevermind. Ikaw, saan ka pala pumunta? Nakatulog na ako at nagising na pero hindi ka parin pala natutulog?"
"Hindi kasi ako makatulog kaya lumabas muna ako." Ang tipid kong sagot.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton