06: Me First

1.5K 77 0
                                    

06.

Kaagad akong nagreply sa kaniya... Yes, I really did respond without any hesitation! Mabilis pa ang pagkakatipa ko na para bang mababasag na ang screen ng cellphone!

He told me that he wanted to meet me after class. Um-oo kaagad ako!

Habang nagrereply ako, hindi maiwasan ng puso ko ang matuwa. My heart is overflowing with joy... Because I can feel that Ashro wanted to fix everything... Nararamdaman ko talaga 'yon, sa paraan palang ng pakikipag-usap niya sa'kin ngayon sa chat.

This is a sighed of relief for me now... Kasi sa mga nagdaang araw, hindi talaga ako makatulog nang dahil lang sa kakaisip sa kaniya.

Tumayo kaagad ako para mag-ayos. Nag-halfbath pa ako. Naghahanda ako para makipag-usap kay Ashro ngayon. He told me that he wanted to talk to me right now and right this time.

Nang makaayos na ako, kumaripas kaagad ako papunta ng kitchen kasi sa likod ako dadaan, hindi sa harapan. Dahan-dahan lang ang bawat paghakbang ko para hindi maalerto si mommy. Subdivision naman kasi 'tong lugar na tinitirahan ko kaya safe akong lumabas, dito nga lang sa harapan ng gate. Hindi na pwedeng lumagpas pa.

Nang makalabas ako, nakita ko kaagad ang sasakyan ni Ashro sa medyo kalayuan... Habang papalapit do'n, hindi ko pa malaman kung bakit pumipintig nang sobrang bilis ang puso ko.

Is it maybe, I missed him? Ilang araw na din kasi niya akong hindi pinapansin. Aaminin kong hinahanap ko padin ang presensya niya kahit galit ako. I emotionally and physically need him.

"So? Ano na ang naging desisyon mo, Ash... Pananagutan mo ba ako o hindi?" Pangunguna ko.

Narinig ko ang buntong hininga niya. Hindi pa ako nakatingin sa kaniya kaya hindi ko malaman kung ano ang reaksyon ng kaniyang mukha ngayon.

"I'm here to formally breakup with you, Gaile."

Nahuhulaan ko nang sasabihin din niya 'yan pero hindi ko akalaing ngayon na! Pakikipaghiwalay? Sa kalagitnaan ng pagbubuntis ko?!

"Few days from now, I'll be flying to America. Doon na ako mag-aaral." Dagdag pa niya.

"Seriously? Hindi mo ba ako pananagutan? Grabe ka, Ash. Bakit mo ginagawa sa'kin 'to?" I asked while tears are already forming in my eyes.

"Of course, I'm willing to take responsibility of you, Gaile..." sabay buntong hininga. "It is just... I'm still not yet ready to be a father. I mean, marami pa sana ang magagawa ko." Hopeless pa niyang dagdag.

Both of my fist clenched. "I can't raise a child alone, Ash! I need you!" Pasigaw ko na namang dagdag.

Umiinit na naman ang mga mata ko, indikasyon na maiiyak na naman ako. Akala ko talaga, mag-aayos na kami... Umasa lang pala ako!

"Ikaw na muna, babawi naman ako sa'yo... marami pa akong gustong gawin. Saka pagkabalik ko galing America, babalikan naman kita." Seryoso niyang sabi. Hinawakan pa niya ang kamay ko.

Umiyak padin ako. "I don't trust you with that, Ash. Baka iiwanan mo lang din ako..."

I really-really can't trust him... Basta wala talaga akong tiwala sa kaniya 'pag ganito.

"I promise you, babalik ak-"

"Hindi ako naniniwala. Baka hindi mo na talaga ako babalikan dito." Mangiyak-iyak kong sabi.

He already left me once... And I believe that he can do it again!

"Syempre, babalik pa ako, Gaile. Babalikan kita..." paninigurado niya pero hindi padin talaga ako kumbinsido.

Hindi ko alam kung bakit nahihirapan na akong paniwalaan siya. Afterall what happened, I can't really trust him again. Saulado ko na kasi kung paano siya magsalita at kung paano siya magbigay ng pangako... E' hindi naman niya tinutupad.

"Ang ibig mo bang sabihin, uunahin mo muna ang sarili mo kaysa sa'ming dalawa ng anak mo. Ganoon ba, Ashro?" Hindi na ako makapagtimpi. Both of my fist clenched and even my jaw. "You're making a selfish decision again, Ash. May anak na tayo. Isipin mo naman ang anak natin kahit saglit lang."

"Bakit naman selfish? E' ang punta ko do'n ay para mag-aral, Gaile. Para sa'yo at para sa anak natin. Mag-aaral ako do'n, Gaile. Aral ang punta ko do'n para sa kinabukasan nating dalawa." Pagpapaintindi niya. After that, hinawakan niya ang kamay ko. Humihigpit pa 'yon.

"Bakit kailangan pa nating magbreak? Susuportahan naman kita sa gusto mong gawin, huwag mo naman akong hiwalayan nang gano'n nalang."

"So that I won't have any distractions. I don't want to pressure my self, Gaile." Humihina ang kaniyang boses.

I covered my face using my palm.

Hindi na talaga, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Lalo na, hindi ko na siya mapipigilan pa. I don't want to be selfish here... Para din naman sa future ng anak namin ang gagawin niya kaya wala akong dapat na ikabahala.

Pero... Natatakot talaga akong mag-isa, e. Gusto kong nasa tabi ko lang siya. I'm really scared to face this alone, to raise a baby, all by my self. Hindi ko alam kung kailangan siya uuwi, pero ang sa tingin ko ay magtatagal talaga siya doon. Kaya mag-isa nalang ako.

"I'm securing my future for our baby. Sana maintindihan mo naman ang ginagawa ko, Gaile. Hindi lang naman para sa'kin 'to."

Crying, I immediately looked away from him. Pinunasan ko muna ang mga namumuo kong mga luha bago humarap ulit sa kaniya.

"Just promise me that you'll come back, okay?" Umaasa kong tanong. "You know that I can't face this alone, right? I still need someone, Ash."

"Ofcourse, I'll come back, Gaile. For you..." sinsero niyang pagkakasabi sabay halik ng noo ko.

Chasing After The Waves (Varsity Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon