28.
"Saan ulit tayo pupunta, Mommy?" Gab asked while I am packing. Isa-isa kong nilalagay sa loob ng maleta ang mga kakailanganin naming dalhin. Hindi pa mawala-wala ang ngiti ko, parang baliw lang.
"Sa Bohol, Gab." Sabi ko. It's her first time going there, I'm really expecting a lot! Sana'y magustuhan niya rin doon kung paano ako nahulog sa paraisong na iyon.
"Bohol? Chocolate hills?" Panghuhula niya.
Ginulo ko ang buhok niya at natawa. "Yes you're right, nandoon ang chocolate hills. Pero hindi tayo pupunta ng chocolate hills, anak."
"Saan, mommy?"
"It's a resort, Gab. Resort na pagmamay-ari ni tita Iyah mo. Doon tayo pupunta bukas..." Nakangiti kong paliwanag. "Pwede din naman tayo pumunta ng chocolate hills kung gusto mo."
I remembered the last time I had been there... Prolly, one of the best moment that I will forever cherish. Probably, not for Klayre. If it's the most happiest memory for me, it's also the saddest. Not for me, but for my friend.
Pero noon na iyon... I won't live for the past. May rason naman parati ang lahat kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay.
"Masaya ba doon, mommy?" Umupo si Gab sa harapan ko. Nakanguso siya.
"Oo naman! Marami ang pwedeng gawin doon! Hindi ka mabo-bore doon!" Nakangiti kong paliwang na may kasama pang facial expressions.
Gab's face had gotten more curious.
"Talaga, mommy? Hmm... May water slide ba doon?"
Natawa ako. "Wala pero may beach doon at swimming pool. Magsasawa ka lang kakalangoy doon..." Tuwang-tuwa kong paliwanag.
Paraiso na din talaga iyon, hindi lang resort. I'm happy that Aaliyah invited us to have a vacation there! Sa wakas, makakabalik na ulit ako doon! Gusto ko ulit maramdaman kung paano ang mahulog mahulog sa kalikasan! Falling in love with nature is the most amazing feeling ever! Wala na yatang makakapantay pa! Haha!
"Mommy... Mashark siguro sa beach doon? Diba ganoon iyon, may shark naman sa mga beaches?" Kuryosong tanong ni Gab na may halo pang takot at excitement.
Natawa ako at dinampian ng halik ang kaniyang noo.
"Don't worry, walang shark doon. At hindi ko naman hahayaang kunin ka ng mga sharks!" Natatawa kong sabi.
Natawa lang rin si Gab at niyakap nang sobrang higpit ang bewang ko.
Sinimulan ko ulit ang naudlot kong impake nang humiwalay na si Gab sa bewang ko. Habang nag-aayos, hindi ko pa maiwasan ang sarili kong mag-isip ng mga bagay-bagay. Katulad ng... Kung ano ang mga mangyayari bukas. But I guess, magiging masaya naman siguro ako. I'm having a vacation there in Bohol to have fun. Not to stressed myself out!
"Sasama ka din pala, Gab?!" Natutuwang tanong ni Aaron sa anak ko. Gulat na gulat talaga nang makita ang isa't isa.
"Oo! Ikaw din pala?!" Tuwang-tuwa rin ang anak ko.
"Oo, sasama ako kay Tita, eh! Maganda daw kasi doon. May swimming pool doon at beach na may puting buhangin!"
"Excited na ako!" Si Gab.
Bumuntong hininga nalang ako at umiwas. Hahayaan ko nalang ang dalawang bata na mag-usap. I guess, kids will really make the day more lively today.
Magkasama kaming dalawa ngayon ni Nex papuntang Bohol. Nakasakay kami ngayon sa Ferry. Sa barko kumbaga papuntang Bohol. Sa Tagbilaran Port kami mamaya dadaong. Sila Summer, Diana at Zinn ay nakarating na doon. I'm surprised, na sasama din pala ang magpinsan, sila Diana at Zinn! I guess, maybe there's something happened while I'm away last time! Mabuti nga iyon dahil para marami kami!
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton