09.
She immediately step backward... after realizing that she's kissing me, again. Left shocked, I'm unable to speak. Nakauwang lang ang mga labi ko habang namimilog ang mga mata ko.
"About the kiss, aksidente padin ba 'yan?" Tanong ko kay Ariannex.
"Sadya na..." umiwas siya ng tingin. "I'm sorry if you felt violated."
"Hin-" I was going to say that it's not a big deal... I don't feel violted when she kissed me. Actually, me-medyo nagu-nagustuhan ko din naman ang halik.
Hindi ko na natuloy pa ang mga sasabihin ko dahil dali-dali siyang umalis sa harapan ko, pumasok siya sa loob ng banyo. Nararamdaman ko... Na nahihiya pa talaga siya sa'kin. Ang puso ko, parang nasa karera, parang tumakbo ako mula sa malayo dahil pumipintig ito nang sobrang bilis.
Damn it.
I bit my lower lips... ibinagsak ko pa kaagad ang katawan ko sa malambot kong kama. Naguguluhan ako! Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon!
Nang dumampi ang labi niya sa'kin, hindi ko malaman kung bakit hindi ko kayang ihiwalay ang labi ko sa kaniya... More like I-i... No, I can't just say that! Basta naguguluhan talaga ako! Samo't sari pa ang nararamdaman ko ngayon.
Grrrr... Bakit ganito?!
Habang hindi pa lumalabas si Ariannex sa loob ng banyo... I immediately exited myself outside the room, I wanted to breath some fresh air! Malay ko, baka hindi na ako maguguluhan kapag malayo na ako sa kaniya! Para maikalma ko na talaga 'tong litong-lito kong utak!
Bumaba ako ng kwarto niya at dumiretso kaagad sa garden nila. May maliit na upuan dito, malamig pa at puros mga halaman lang ang nakikita ko paligid... Sobrang matiwasay ang kapaligiran ngayon, pero kahit na gano'n, bakit ganito? Ba-bakit maguguluhan padin ako hanggang ngayon?
Mag-isa na ako ngayon, nakaupo at pilit na kinakalma ang puso ko... Pero hindi padin talaga humihinahon ang pagtibok nitong puso ko!
Sinimulan ko na ding sipa-sipain ang mga maliliit na mga baton nasa paanan ko.
"Why are you just standing there? Don't you want to say something?" I asked Ariannex.
Alam kong nakatayo siya ngayon sa likuran ko, pinagmamasdan ako. Hindi pa niyang magawang lumapit sa'kin.
Alam kong nandiyan siya nang dahil sa kaniyang amoy, saulado ko ang amoy niyang 'yan... Sa perfume niya, paborito niya ang chanel. Kung sa panlalaki naman, gusto niya ang bench. Mahilig siya sa mga panlalaking pabango, kasi nababanguhan din siya sa mga 'yon.
Naramdaman ko ang mga yapak niya palapit sa'kin... Heck! Bakit ganito? Hindi ko na naman maikalma ang tibok ng puso ko habang nararamdaman kong papalapit siya sa'kin.
"Gaile, nagtatampo ka ba?" Nahihiya niyang tanong sabay upo sa tabi ko. "Hmm... Kung galit ka sa'kin, pwede mo akong sampalin o kahit ano! Sorry talaga kanina."
I can feel her sincerity through her voice... But I can't or I don't know what to say... Parang may gusto akong sabihin, na hindi ko magawang ilabas.
"Gaile... I'm really sorry," she's still pleading.
Hindi na ako nagsalita.
"Gaile... Kausapin mo naman ako."
Hindi padin ako umiimik.
"I-it just happened, Gaile. And I mean to do it, sorry dahil sinadya ko 'yon..." pag-amin niya. Ramdam ko talaga ang sinseridad niya sa kaniyang boses. She covered her face and started sobbing. "Gaile, anong pwede kong gawin para hindi ka manibago sa'kin? Para hindi ka mailang?"
I sighed.
Napangiwi ako... Umiiyak ba 'to?
Pasikreto akong natawa. Hindi naman ugali ng babaeng 'to ang umiyak, e. Hindi ko maiwasan ang sarili kong ngumiwi, I kept on cringing while hearing Ariannex cry. Hindi kasi talaga ako sanay na makita siyang umiiyak, e. Sa pagitan naming dalawa, ako talaga ang palaiyak!
"That's okay. You don't need to do anything," I started tapping her back to calm her down. "Don't worry, after you kissed me... Nothing change. The way I look at you, it's still the same. You're still my bestfriend and it's just a kiss." Sabi ko.
Dahan-dahan siyang humarap sa'kin... napatampal naman kaagad ako ng noo nang makita kong sinisipon na siya sa kakaiyak. Para siyang naghilamos o 'di kaya para siyang nalunod nang dahil sa mukha niya ngayon.
"Hindi ka galit sa'kin?" Pag-uulit ni Ariannex, kinukusot ang mga mata niya.
"Hindi. Naguguluhan lang." Bumuntong hininga ako.
Hiniga ko ang ulo ko sa balikat niya at niyakap ang kaniyang bewang. Sinimulan niyang suklayin ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"Naguguluhan?" Si Ariannex.
"Oo." Sagot ko.
"Bakit?"
"Hindi ko alam." Mabilis kong sagot.
Buntong hininga ang isinagot niya sa'kin. "Sorry ulit..." she said in a sincere voice as possible.
I smiled secretly without her knowing. I like this part of her, when she's gentle and so much caring. 'Yong tipong ako lang ang iniisip niya.
Pe-pero,
Wala siyang alam... Hindi niya alam na mayroon sa parte ko, na nagustuhan ang ginawa niyang halik. At ayaw kong aminin sa kaniya 'yon! May nagpupumigil sa'kin aminin sa kaniya na nagustuhan ko din naman ang halik.
Nagustuhan ko... Pero ayaw kong gawing big deal.
"Huwag mo na kasing uulitin 'yon," pakiusap ko sa kaniya. "Kapag inulit mo pa 'yon, magagalit na ako." Magagalit ako kasi baka mas lalo lang akong maguluhan... Baka kwe-kwestyunin ko na ang sarili ko.
BUONG ARAW, WALA akong ginawa kundi ang humiga sa kama ko habang nakatingala sa kisame. Lutang na lutang pa ako... At parang wala na akong gana gawin ang mga nakasanayan kong gawin tuwing weekend, mas gugustuhin ko nalang na humiga sa kama ko buong araw.
Nandito din si Summer sa kwarto ko. Manghihiram kasi ng sapatos. Nasira niya ang luma niyang sapatos noon.
"Wala ka na naman sa sarli. Napapansin ko kayong dalawa ni Klayre na parating ganyan. Nawawala kayo sa sarili. Anong nangyayari?" Tumayo si Summer at umupo sa gilid ng kama.
Sa aming magkakaibigan, isa talaga si Summer sa kinatatakutan namin.
Her personality is just, too strong. Ang lamig pa niya.
"Nagkiss kami..." Sabi ko, walang balak sabihin kung sino.
"Babae ba yan o lalaki?"
Kunot noo akong napatingin kay Summer.
"'Yan nalang parati ang tinatanong mo, kung babae o lalaki... Why can't you just-" napatigil ako at kinagat nang malala ang ibaba kong labi. I'm out of words. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. "Basta! Bakit yan nalang parati ang bukambibig mo ah, Summer? May problema ka ba kung magkagusto man ako sa babae?" I asked, tumatapang.
"Sa totoo lang kasi," napatingin siya sa akin. Matalim niyang tinitingnan ang mga mata ko. "Kaibigan ko kayo... Pero nakakadiri na kayo sa part na nagkakagusto kayo sa kapwa niyo babae."
Seryosong-seryoso siya.
Hindi pa siya kumukurap. Napalunok nalang ako nang malala.
"Talaga lang, Summer? Bakit ganyan ang iniisip mo? Nakakadiri? E' inlove lang naman kami, hindi mo ba kami kayang supportahan bilang kaibigan mo manlang?"
Ngumisi siya. "Kalokohan."
"Friends should accept her friend's flaws..." Pahina nang pahina ang boses ko at napahiga sa kama.
"Kaibigan ko kayo... Pero, ayusin niyo muna ang sarili niyo, saka ko kayo susuportahan." Malamig niyang sabi at tumayo.
Inayos na niya ang kaniyang mga gamit at nagsimula nang maglakad paalis, papuntang pinto.
Mariin akong napakagat ng ibaba kong labi.
Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko kaya 'eto nalang ang sinabi ko, "Mahal ko padin ang babaeng yun kaya wala kang magagawa, Summer, kahit kaibigan pa kita!" Pagtutukoy ko kay Gaile.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton