29: Drunken Confession

1.4K 35 3
                                    

29.


Hindi ko talaga alam kung dapat ba akong matuwa dahil nandito siya... O mainis? Hindi naman pwedeng mainis ako kasi para saan? Mainis dahil sa mga nangyari noong nakaraan? Gosh, naka-move on na ako do'n kaya ayaw kong maging bitter ngayon.

"Friends kasi sila ni Diana, Zinn at Allyxia kaya nandito siya. Friends rin sila ni Summer..." Bulong ni Klayre sa akin.

"I guess..." Tipid kong sagot.

Napatingin kaagad ako kay Nex. Gusto ko kasing malaman ang reaksyon ng mukha niya ngayon dahil nandito si Allyxia. I remember, gusto nila ang isa't isa noon (I guess?). Hindi malabong magustuhan rin nila ang isa't isa ngayon.

Mukhang normal lang naman ang ekspresyon ni Nex. Nothing new.

Wow, wala manlang siyang ekspresyon na nandito si Allyxia?

Kay Allyxia naman ako napatitig.

Mukhang... Mas masaya yata siya, ah? She's smiling widely at us... Huh, us? Pati sa akin? Or kay Nex lang kasi magkatabi kami ngayon ni Nex? Aksidente pang nagtama ang mga mata namin (nang hindi ko inaasahan) sa isa't isa... I don't know what to do but just to... Smile at her! Pati ang pag-ngiti ko ay hindi inaasahan.

Nagsimula nang palakad palapit sa amin (si Allyxia ngayon). Nakangiti pero parang ang cold naman ng ngiting 'yan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagugustuhan iyon.

"Hello... Nex," kay Nex siyang unang lumapit. Nagyakapan pa sila sa isa't isa. Hindi na ako nag-isip pa ng mga kung ano-ano kasi alam kong batian lang naman 'yan.

Sa akin naman siya pagkatapos lumapit. "At Gaile, hello."

Bumuntong hininga ako at ngumiti. "Hello din..."

"Nice to meet you, again." Ani Allyxia. Nakatingin siya sa mga mata ko kasabay ang ngiti niyang 'yan... Na nakakainis. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Damn it.

Old memories.

Yes, her smile is just driving me up through memories. So many good and even bad memories. I don't know why.

"Nice too meet you too, Ally." Ang tanging sabi ko.

Nakipag-shakehands pa ako sa kaniya.

Titig na titig kami sa mga mata ng isa't isa habang magkahawak parin ang mga kamay namin sa isa't isa.

"Tara, upo na tayo! Ang daming pagkain! Nagugutom na ako!" Ang singit ni Nex kaya bumitaw na ang mga kamay namin ni Allyxia.

Susunod na sana ako kay Nex nang biglaan akong hawakan ni Allyxia sa braso. Kunot noo ko siyang tinitigan. Nagtataka at naguguluhan. Iyan kasing ekspresyon ng mukha niya, kakaiba, kaya I felt uneasy.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong ni Allyxia nang hindi ko inaasahan.

Napatingin si Nex sa akin. Lumapit siya kaagad sa amin ni Allyxia. Narinig niya siguro ang sinabi ni Allyxia sa akin. Nakakunot pa ang niya.

"Kilala kita, Ally, ah. Ano na naman ba ang gagawin mo?" Tanong ni Nex. Pinangkikinitan pa niya ng mga mata si Allyxia.

Natawa lang si Ally. Natawa nalang din ako para hindi na bumigat ang atmosphere. Mukha namang sincere si Allyxia, sa tono pa lamang ng boses niya at sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Exaggerated lang siguro 'tong si Nex. The same Nex as ever, hindi nagbago.

"Tanga, wala akong gagawin. Gusto ko lang siyang makausap." Ngumiti pa si Allyxia bilang assurance.

"Sure..." Agree ko kaagad.

"May bibilhin naman akong paracetamol doon sa tiyangge, sa labas, kaya magpapasama nalang ako kay Allyxia..." Sabi ko kay Nex.

Paracetamol... Baka kasi bigla-bigla nalang sumakit ang ulo ko mamaya havan

Chasing After The Waves (Varsity Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon