08.
Nakangiti ako kanina pa... Hindi ko alam kung bakit. Nangangalay na nga 'tong gilid ng labi ko pero tuloy lang! Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na ngumiti!
Ang saya lang talaga!
Simula no'ng umalis na si Gaile, hindi padin mawala-wala 'tong ngiti ko. Parang tumatalon lang talaga sa saya 'tong puso ko... Hindi ko mapigilan ang sarili ko. I even keeps on banging my head on the pillow just to forget about what happened! Pero hindi ko padin talaga malimot-limutan 'yon.
Masaya ako... Na wala na sila ng boyfriend niyang 'yon! Sabi na nga ba, tatarantaduhin lang ng lalaking 'yon ang bestfriend ko, e.
Gaile is too good for him... Hindi talaga deserve ng lalaking 'yon ang kaibigan ko! Matapos buntisin, iiwanan? Ang trash, basura talaga! Siya talaga ang parating dahilan kung bakit iyak nang iyak si Gaile.
Mugto parati ang mga mata ni Gaile sa tuwing magkikita kami, e, kaya nasisigurado kong umiiyak na naman 'yon.
Hindi ko naman masisisi si Gaile kung bakit iniiyakan niya ang lalaking 'yon, mababaw lang kasi ang luha niya, e. Kahit na sa maliit na bagay, umiiyak... Her innocent heart had been crushed really hard. She's experiencing a pain that she never had experience before.
Ngayon, habang nakatambay kami dito sa labas ng badminton court, kanina ko pa napapansin 'yong transferee mula sa kalayuan... May dala-dala siyang bow and arrow. Archery siguro 'yan.
"Sino nga ulit 'yan?" Kunot noong tanong ko kay Edrix at ininguso ang transferee.
"Si Alyxia Ferrer. Archery 'yan, maganda diba?" Nakangiting sabi ni Edrix. Nakatitig din siya sa babaeng 'yon.
Alyxia... Alyxia Ferrer.
Quite familiar.
"Newbie?" Tumingin ako kay Edrix. "I mean, newbie palang sa sports? Para kasing hindi na. Mukha siyang isang ace. Tingin mo ba, isa siya sa magiging game changer ng Hawkins University?" Kunot noong tanong ko kay Edrix.
Maganda 'yang Alyxia na 'yan... Matangkad at kurbado ang katawan. Ang mukha niya, sobrang pamilyar pa nga sa mga mata ko. May kamukha nga din siya. Halata sa tindig niya, na isa siyang magaling na varsity.
Game changers, athletes that are very skilled. Athletes that can break records and also athletes that can build up their names easily... Si Gaile, siya ang ace of the waves. Totoo naman kasi. Para sa'kin siya ang pinakamagaling na swimmer dito sa Hawkins. Syempre pati na din si Summer, baka umiyak 'yon 'pag hindi ko minention.
Syempre ako din ang pinakamagaling na badminton dito sa Hawkins. Isang lethal smasher... Hindi naman ako nagyayabang kasi totoo naman, e. Hahaha.
Si Klayre, lalo na si Summer. Magrereklamo na naman ang mga 'yon, na ang yabang ko parati. Hahampasin pa nila ako sa braso kapag sobra na silang nanggigil sa'kin.
Lalo na si Klayre! Naturingang softball player kaya kung manghampas, sagad hanggang buto!
"Tingin ko din... maganda, 'no?" Malanding sabi pa ni Edrix.
"Malandi." Umirap ako.
Nangunot ang noo ko nang masaksihan ko kung paano lumapit si Summer kay Alyxia, na sa ngayo'y nag-uusap na silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton