12.
Hinawakan pa kaagad ni Nex ang bewang ko habang naghahalikan kami. Saka lang ako tumigil nang maramdaman kong. . . Parang mali 'to. This love, I mean feelings, isn't right.
Heck, why am I even kissing her and then, why am I even enjoying too?
Inamin ko pa kanina na gusto ko siya. . . Kahit na hindi ko naman masyadong alam. Hindi ako sure sa mga sinabi ko. Masyado akong nadala sa halik kahit na mali naman.
Sobrang mali. . . Pero nagpadala ako sa nararamdaman ko at sa halik. Napapapikit pa ako sa bawat paggalaw ng labi niya pero alam kong mali!? Bakit ako nagpapadala! Damn it!
Maling-maling halik.
"Umuwi ka na. . ." Humakbang ako palayo sa kaniya at ilang beses na napalunok. Napapakurap pa ako.
"Gaile? Anong problema?" Sobrang kunot ang noo niya.
I can see in Ariannex's eyes that she's confuse with how I act towards her after we kissed. . . She seems hurt and dissappointed. But somehow, my feelings is valid. Mali naman kasi talaga 'tong pagtugon ko sa halik niya.
Imbes na sumagot, gumawa pa ako ng isang hakbang palayo sa kaniya.
Ba-bakit kaya sinasabi ni Nex ang lahat ng mga 'to? Inamoy ko siya, hindi naman siya lasing. If she's not sober. . . Then totoong-totoo ba talaga ang mga sinabi niyang 'yon? o maybe she's just pulling some pranks on me. I know Nex, mahilig siyang magbiro.
Pe-pero hindi naman niya ako hahalikan sa labi kung hindi siya seryoso.
Bumilis ang kabog ng puso ko. . . She really likes me, huh?
"Gaile? Bakit?" Nakikita ko sa mga mata niya na gustong-gusto niya akong yakapin. Gusto niya akong hatakin palapit sa kaniya. . . Pero wala siyang magawa kundi ang tanungin ako ng bakit.
"Nex," napakagat ako ng labi ko at bumuntontong hininga. Pasinghot-singhot pa ako kasi pakiramdam ko ay maiiyak ako ngayong oras, "bakit din? I should be the one who should ask you that." I don't know if she understands what I meant. . . But I hope she did.
Ayaw ko kasing isipin niya na ayaw ko sa kaniya. Oo, gustong-gusto ko din siya pero mali, e. Our friendship. . . I don't want her to neglect our friendship. Mas masaya kasi ako do'n. Sa simpleng pagkakaibigan lang.
"Mahal nga kita. Gustong-gusto kita, Gaile! Bakit ba-" tinakpan ko kaagad ang bibig niya. Baka kasi'y may makarinig sa'min. Hindi naman niya kailangang ipagsigaw 'yan, e!
"Naniniwala naman ako sa'yo! So please, don't make a scene here, Nex. You're really drunk! Hindi mo naman kailangang sumigaw."
Naniniwala ako kasi, noon ko pa napapansin 'yon. Akala ko, ako talaga ang may problema dito kasi nga noon ko pa nilalagyan ng malisya ang ginagawa niya sa'kin. Bestfriend kami at ang pinaka-tangang ginawa ko ay 'yong paglagay ko ng malisya sa bawat pinaparamdam niya sa'kin. . . Pero hindi pala talaga ako ang mali, totoo ang lahat ng mga hinala ko. In just her simple confession to me, everything was already confirmed already. . . Tumatama ang mga malisyang nararamdaman ko sa kaniya noon, ang pag-aassume ko. . . Na may gusto siya sa'kin.
She's always making me feel that I'm unique and rare. Tinatrato niya ako na kakaiba sa lahat. . . Kaya paminsan-minsan, nahuhulog din ako. Napipigilan ko padin naman kaagad ang nararamdaman ko, hindi ko hinahayaan ang sarili ko na mahulog nang sobrang lalim.
"You kissed me back earlier. You are even comfortable with the way how I kissed you. . . Tapos may pa-hakbang ka na palayo sa'kin ngayon, anong problema?!"
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton