07: Misunderstanding

1.5K 77 0
                                    

07.

Nang makabalik na ako ngayon dito sa kwarto ko, wala akong ibang magawa kundi ang umiyak nang umiyak. I'm really crying my heart out.

Aaminin ko na mamimiss ko siya nang sobra, kaya ganito nalang ang iyak ko. Sinisipon na nga ako sa sobrang pag-iyak pero talagang tuloy parin. Parang hindi ko talaga kayang maiwang mag-isa dito. Nasasaktan ako... at natatakot.

Even morning came, umiyak padin kaagad ako. Mugtong-mugto pa ang mga mata ko nang magising ako. Kahit na hindi ko pa nakikita ang mukha ko sa harapin ng salamin, alam kong masyado na 'tong puffy ang mga mata ko.

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at tinext si Summer, aayain ko siyang pumunta sa swimming pool ngayon. Gusto kong maging productive kaya igugugol ko nalang ang oras ko sa pag-eensaya. Ayaw kong magmumok.

Imbes na si Ariannex ang itext ko, si Summer nalang. Ayaw kong makita na naman ako ni Ariannex na umiiyak. Sa tuwing magkikita kami, wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa kaniya.

"Nasabi na sa'min ni Ariannex ang lahat, hindi mo manlang sinabi na buntis ka? Magfo-four weeks na?" Sabi ni Summer habang nagbibihis kami.

Nandito kami sa locker room ng swimming team. Nagbibihis na kami ng swimming attire namin. Saka pinag-uusapan din namin ni Summer patungkol sa'kin, sa nalaman niya.

Pwede daw din naman kasing bumalik dito sa University para sa mga athletes na gustong mag-practice.

"Because in the first place, takot kasi talaga akong sabihin, Sam. Iniisip ko na kasi na baka pati kayo ay madismaya sa'kin." Sabi ko. Nagsisimula na kaming maglakad ngayon sa pool area. Hawak ko ang sarili kong duffel bag. Ganoon na rin si Summer.

"I'm just scared... Of what others may think. Kayo, natatakot ako na baka'y madismaya talaga kayo." Sabi ko pa.

"Hindi mo naman kailangang matakot. Hindi ka naman namin ijajudge. Kaibigan ka namin..." there's a concern in her voice.

Ngumiti ako sabay tango. "Salamat." I immediately hug her, tightly.

Nakaupo ngayon si Summer sa gilid ng pool habang ako, kanina pa nagflo-floating. Napapansin ko na nakalaylay ang balikat niya habang tinatampisaw ang kaniyang paa sa tubig.

I started swimming towards her direction. Nang makalapit ako sa kaniya, umahon kaagad ako at umupo sa tabi niya. Kitang-kita ko pa ang pagka-red ng basang buhok ni Summer. Hindi masyadong nakikita ang kulay ng buhok minsan, e. Nakikita lang tuwing basa at nasisikatan ng araw. Bagay sa kaniya ang pulang kulay.

"Is there something bothering you?" I asked her.

"Wala naman," umiling siya. "May iniisip lang."

"You can share it to me," I said, smiling. "Tayong dalawa lang naman ang nandito. We can talk."

"Wag na, nahihiya akong magkwento." Aniya at ngumisi.

Tiningnan ko lang siya. Nakatingin lang siya sa tubig kanina pa. Bumuntong hininga ako. Nakikinig lang siya sa mga problema namin pero siya, hindi pa siya nakapagsabi ng sarili niyang problema.

"Family problem? Or maybe Lovelife?" I asked jokingly. I'm just trying to lift up the mood.

"Nah, but something like that, a little." She said. Nakangiti na din siya.

Chasing After The Waves (Varsity Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon