13.
NAGTAMA ANG mga mata naming dalawa ni Nex. Hindi kami umiwas ng titig sa isa't isa. . . Hindi ko nga alam kung bakit nagagawa kong makipagtitigan nang mas matagalan sa kaniya.
God knows how much I missed her. . . Eventhough we only haven't talk for just 24 hourse. Pakiramdam ko ay ang tagal-tagal parin no'n. Kaya nang makita ko siya ngayon dito sa bahay ni Klayre, ang saya-saya ko.
Saka lang ako umiwas ng titig nang lapitan ako ni Tita Klara.
"Hi po, tita. Goodevening." Lumapit ako kay Tita Klara at nakipaghalikan sa pisngi niya.
"Goodevening din, hija." Nakangiting sabi ni Tita Klara. "Nakapaghapunan na ba kayo? Kumain muna kayo."
"It's okay, Tita. I'm full na po. Si Summer po, hindi pa siya kumakain." Sabi ko. Totoo naman kasi, ang dami kong kinakain kanina. Hindi ako pwedeng magutom.
Tumingin ako kay Summer, hindi naman siya nagreklamo. Mahilig naman kasi talagang kumain si Summer, e. She's litterally the monster eater in the group. But what's more surprising? She's still maintining that slender body of her. Payat talaga siya na petite. Unlike me, medyo malaman naman ako. Pero hindi ako baboy.
Kasi nga mapagpumilit si Tita Klara sa'min, gustong-gusto niya talaga na kumain sa'min, wala na akong magawa kundi ang um-oo nalang sa inaalok niyang pagkain. Infairness, ang sarap naman talaga ni Tita Klara magluto. Sa dinami-dami ng niluto niya, slice of mango lang ang hiningi ko.
Matamis-tamis ang mangga na kinakain ko ngayon, na ang sabi ni Tita Klara ay nanggaling pa sa Guimaras. Tita Klara is right, masarap naman talaga ang mangga kapag nanggaling sa Guimaras!
"Masakit nga po, e. Tumitindi na ang mga ensayo, e." Sabi ni Ariannex kay Tita Klara na may kasama pang facial expressions. "Pero kailangan ko talagang magpractice."
"Kaya pala gumaganda na ang mga abs mo, hija."
"Tita naman, salamat po. Minimaintain ko nga 'tong mga alaga ko." Ariannex is really calling all her abs as pets. Napapa-face palm nalang ako parati sa kaniya sa tuwing kinukwento niya sa'kin ang mga abs niya, na akala mo'y mga totoong tao talaga ang mga 'yon.
Kanina pa talaga nakikipag-chikahan si Ariannex kay Tita Klara kasi nga mauuna si Ariannex magpapamasahe. Kumakain naman kaming dalawa ni Summer dito sa mesa. Habang si Klayre, kasama niya si Aaliyah Perez from Phoenix University (the same university as her) dito rin sa mesa. Pero hindi sila kumakain. Masasabi ko ngang iritang-irita si Aaliyah ngayon kay Klayre. Si Klayre naman, panay suyo at paglalambing.
Bumuntong hininga ako at tinuon ulit ang mga mata kay Ariannex.
I'm just silently watching them while I'm eating this piece of mango. Ang totoo'y kay Ariannex lang talaga nakatuon ang mga mata ko buong magdamag habang nagkukwento siya, hindi na ako nag-abala pang tumingin kay Tita Klara.
My feelings for her. . . Why does it kept on changing?
Sometimes I like her, sometimes I don't.
While Nex is talking, I'm focused on the way how she talks. . . How her lips move. I wonder if I can still taste her lips?
Damn it, bakit 'eto ang iniisip ko?!
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton