24.1
DAHIL SOBRANG occupied ng utak ko ngayon. Habang tinatanong ako nang walang tigil ni Mommy, hindi ko siya masagot-sagot dahil nga masyadong puno ang utak ko.
Ang eroplano kung saan nakasakay si Ash ngayon ay nabalita na. Kaya pinupuntahan namin ngayon ang ospital kung saan dinala ang mga nakaligtas, pati ang driver namin ay natataranta dahil nahahawa na din sa kakapanick ni mommy.
"Anak, akala ko next week lilipad papunta dito ang nobyo mo diba?! Jusko, sana wala nang may matindindi pang mangyari!" Mom and in her panicked mode sinced earlier. As in kanina pa.
Saka kanina pa siya nagdadasal. Ako din napapadasal din.
"Mommy please calm down. Stop worsening the situation." Pakalma ko kay mommy.
'Buti nalang wala si Daddy dito kasi baka habang sa kalagitnaan ng pag-aalala ko para sa ama ng anak ko, ipagpupumilit na naman 'yon ang patungkol sa kasal. Naiwan namin kanina si dad sa bahay, e. Saka ang daming inaasikaso, e. Hindi makasabay sa panick naming dalawa ni mom.
"Nag-aalala ako sa nobyo mo, anak. Baka ano pa ang mangyaring masa-"
"Mommy, pleasee?? Will you just please calm down kahit ilang minuto lang?" Ang putol ko. Nagtitimpi. Bagaman nagpapanick din, napapakalma ko padin naman ang sarili ko. Tapos si Mommy? Ewan ko nalang!
Napangiwi din ako sa sinabi ni mommy na nobyo. Hindi kaya. Ilang beses ko nang pinaintindi sa parents ko na wala na nga kami ni Ashro, e. Ibig sabihin hindi ko na siya boyfriend. Ama lang siya ng anak ko... and still I care for him. May pinagsamahan naman kami kahit papaano.
Ganoon din ang pamilya ni Ashro, finaflood ako ng mga messages. Naghihingi sila ng mga updates patungkol kay Ash! Ang kulit din kasi nila... Oo, naiintindihan ko naman na nag-aalala lang sila kasi pamilya nila ang naaksidente pero hindi sila nakakatulong sa sitwasyon, e!
Halos lahat nalang ng pamilya ni Ash ay nakatambay sa messenger ko. Panay hingi... there's someone who is very worried. And there's also someone who is putting the blame on me! Bakit ko naman naging kasalanan?? Kasalanan ko ba na uuwi-uwi siya dito? Hayss.
MAGULONG-MAGULO ANG hospital nang pumasok kami. Nakita ko kasi sa balita na ditong ospital daw dinala ang mga nakaligtas sa aksidente.
Ang gulo talaga, as in! Madami ang mga taong nakaharang sa harapan ko at paiba-iba pa sila ng direksyon! Halos lamunin pa ako dito sa gitna! Halos malunod na ako sa dami ng tao.
Fuck... ang dami! Paano ko mahahanap si Ashro dito!
Lumapit kami ni mommy sa front desk. Si mommy ang unang nagtanong kasi siya ang sobrang nagpapanick! Halos sigawan na niya ang nurse na nandito!
SA IBANG hospital pala in-admit ang si Ashro. Wala pala doon si Ash sa Medicus Medical Hospital. Kundi dito sa Western Visayas. Nang hindi magsiksikan doon. Nakahinga pa ako nang maluwag dahil safe si Ash... ngunit hindi pa gumigising. Kailangan lang naming mag-antay. Chineck na siya kanina ng doctor at stable naman ang vital signs niya.
May fracture lang ang buto niya sa dibdib at saka may malaking sugat pa sa ulo. Base sa mga tests na isinagawa ng doctor kanina, may malakas daw na impact na natamo si Ashro sa kaniyang ulo. May hampas ang ulo niya kumbaga kaya nagkaroon ng bleeding ang utak niya.
Kinakabahan ako nang sobra... halos maiyak na nga ako sa sobrang kaba. . . Baka daw kasi, posibleng. . . Ma-coma si Ashro. Ilang araw. . . Pero huwag daming mag-alala daw may possibilities naman na magising si Ash, e.
Saka naisipan naman ng piloto ng eroplano na sa dagat mismo icrashed ang eroplano. Mabuti nga 'yon... mabuti hindi sa lupa. Iniimbestigahan pa hanggang ang pinangyarihan ng aksidente kung ano ang dahilan ng pagbreakdown ng eroplano. Maraming mga police at detectives roon.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Waves (Varsity Series #2)
RomanceVARSITY GIRLS Series (2/4) Herrera X Del Valle Swimming X Badminton