"Welcome to Bacolod!" just like any typical tourguide (since taga dito ako) slash bakasyunista, eto na ang pinaka-engrande kong pag-welcome sa ating mga turista. YES, alam naman natin na buong Kollision Asian tour (excluding the other boys) at We Are Dating (yan pala yung pangalan ng reality show na ginagawa namin) team ang kasama natin at si Adam sa biglaan pamamasyal na ito.
It actually feels good to visit my hometown. Halos dalawang taon na rin kaming hindi nakabisita dahil lahat ng gastusin ay mas itinutuon sa aking pag-aaral. Ang sosyal no? Kapag may pera ka at sariling eroplano, walang problema kung isang umaga trip mo lang kumain ng pizza at pasta sa Italy o di kaya maglaro ng snow sa Japan.
So far, so good. Nakalabas na kami ng airport ng matiwasay. Natural na binibisita ng mga banyaga ang Bacolod kaya mas lumakas yung kumpyansa ko na hindi makikilala si Adam dahil makita man siya ng mga tao, ituturing lang siya na isa sa mga turista dito at hindi artista kahit magkatunog pa ang dalawang salitang iyon. Pinagmamasdan ko lang siya ngayon na nakapamewang at nakatingin lang sa paligid. Wala siyang ibang suot na pangdisguise kundi shades at katulad samin, naka-summer outfit siya.
Dalawang sasakyan ang sumundo samin papunta sa bahay, sa van sumakay sila Miss Jae kasama sila Mommy habang ako, si Adam at yung tatlong babaita ang sumakay dun sa Toyota Hilux (pick up truck) na binili ni Daddy para meron kaming pangbyahe tuwing uuwi sa Bacolod.
Tinodo na talaga ng mga babaita ang pagsosolo nila kay Adam dahil pinaupo ba naman nila ako sa harapan samantalang silang tatlo kasama si Adam ay naupo sa likuran?! Ang gagaling diba?! Dun ko lang napagtanto yung mga moment na kinulit ko si Adam na sumuway sa script. Haha.
"Pwde ka bang matitigan hanggang sa makarating tyo kila Nine?!"
"Huy! Don't harass him! Palilipatin ko yan dito sa harap, kasya pa kami dito. Hmppp."
"Nyahahah joke laaanggg. Ang gwapo mo kasi! Did you get it? GWAPO?"
"Ah.. Hehe, yes. Thank you." ang tipid lang sumagot ni Adam at hindi niya na alam kung kanino siya titingin dahil sabay-sabay na nagsasalita yung tatlo. Nakakatawa na nakakahiya dahil parang nakikita ko ngayon kila Iya yung ginawa ko nun sa van. Ang likot-likot ko at para akong isang malaking emoji sa harapan ni Adam.
"Girls, self-control naman. Ang aga-aga, you still have a day. Tirhan niyo ko ha?" banat ko naman, aba gusto ko rin naman na makasama sila habang kinukulit si Adam. Tamang-tama, walang mga staff dito. *evil grin* Pero syempre, kunwari kampi ako kay Adam. *HAHA baliw na*
"HAHAHAHAH! Baliw, ano si Adam, pagkain?"
"Tigil! Hindi ba tayo nahihiya kay Adam? Mamaya naiintindihan niya pala tayo!"
"Ay, yung totoo, Nicole? Ngayon mo lang napagtanto? Kanina pa kayo sa NAIA. Don't scare him off!" eto totoo na talagang saway ko sakanila. Kasi hagalpakan na sila ng tawa, tapos nagbabatuhan pa ng chi-chirya. "Sayang yung pagkain! Nako, akin na lang yan. Para kayong mga bata. Itali ko kaya kayo sa Bermuda Triangle?"
"O dyan na si Adam! Baka ano pa magawa namin dyan, hindi makarating ng buhay yan sa bahay." pagtulak naman ng marahan ni Nicole kay Adam. "OY! Nicole, para kang adik!" sabi naman ni Iya. Hay salamat! May kakampi na rin ako sa kakulitan ng dalawa. "Mahiya naman tayo kay Adam. Sorry, Adam."
"Hahaha. It's okay." pero natatawa talaga ako kay Adam. Pwaahahahahaha. Gusto ng bumaba niyan sa sasakyan panigurado.
**
Ilang minuto rin ay nakarating na kami sa bahay. Masaya kaming sinalubong nila Manang Grace at Manong Andy, sila ang tagapangalaga ng bahay namin dito.
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fanfiction***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...