Chapter 28

311 10 0
                                    

Feeling so proud of myself dahil nakauwi kami ng matiwasay. At dahil dyan, ako na ang nagboluntaryong magluto ng hapunan ng buong pamilya. Wala akong pinahintulutang tumulong sakanila maliban kay Emma at kay Ryan. Mabuti na lang at kumpleto naman yung mga sangkap na kailangan ko para sa sinigang na isda. Habang inaantay ko na kumulo yung tubig, nagkaroon rin ako ng pagkakataon na makausap etong makikisig naming gumihos.

"So how long have you been doing this?" referring to no particular person, inantay ko lang kung sino ang unang sasagot.

"Uhm, well, Nine..." panguna ni Emma.

"Go on..." pagencourage ko naman sakanya na ituloy yung kwento niya.

"I've been doing this since I graduated." 

"Ohhh, are you a fan of Adam Yoon?"

"Actually, yes. It's a dream come true to follow him wherever he may go." napansin ko naman na medyo nagblush siya habang sinasabi yun.

"Wow. Really? So you basically studied for college to have this job?"

"Actually, no. It's like a luck."

"Does he know this?"

"That I'm a fan of his? I guess not."

"Nye, why? He should know it though. You have a million chance to tell it to him!"

Nainis na ata sakin si Emma kaya bumalik na siya sa paggayat ng kamatis.

"I must not."

Sasagot na sana ako nang marinig yung kaguluhan sa may living room.

"WWWWWWOOOOOOOOHHHHHHHHHH CLOSE ENOUGH TITA!" akala ko kung ano, nakita ko lang naman na nagwawala yung mga tao sa sala. Nahati sila sa dalawang grupo, pinalibutan nila si Mommydear. Charades naman pala ang nilalaro gamit yung cellphone ni Adam. Para silang mga na-pipi at hina-hum ng paulit-ulit yung kanta na dapat mahulaan ni Mommydear. Obviously, magka-grupo sila nila Adam at hindi ito magkandalaiti na mahulaan ni Mommydear yung kanta. Competitive?

Bukod dun ay napansin ko pa yung mga nagkalat na pictionary at monopoly board games sa paligid nila. Mukhang nago-olympics ang mga 'to. Nakakatawang pagmasdan kasi isa rin sa nakikigulo sila Manang Grace, na kanina pa nagmamaktol dahil ayaw akong pakilusin sa kusina, tingnan mo naman ngayon, kung makasigaw siya. Natatawa akong bumalik sa niluluto ko at kami naman ni Ryan ang nagkwentuhan.



**

"DINNER IS SERVED!!!" nahinto silang lahat at nagsiunahan sa hapag-kainan, nagse-serve pa lang ako ng drinks nang tulungan ako ni Melissa at nakuha pa akong sermonan.

"Ayos ka rin, girl. Sa lahat naman ng oras, ngayon ka pa sinipag na magluto imbes na makipagbonding samin kanina with Adam, no?"

"Eh diba gusto niyo siyang masolo? Hinayaan ko lang naman kayo. Lalo ka na." at kinindatan ko pa siya.

"Baliw ka talaga."

"Eh sino na ba ang leading sa olympics niyo?"

"Tara na at magdasal nang makakain na." pag sabi naman ni Manang Grace.

Kumain na kami at nakakatuwa dahil positive naman ang feedback nila sa luto namin nila Emma at Ryan. *thumbs up for the houseelves for the night!*


**

"Panuorin na natin 'tong CD ni Adam!" nagmadali akong kumain para makasali na sa olympics nila kaso napakamot ako ng ulo sa suhestyon ni Manong Andy. 

Week in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon