Chapter 29: SUNDAY

346 8 0
                                    


Bumangon ako ng mga ala-syete ng umaga. Not so me, I know. But it just excites me to see Adam first thing in the morning. Nasa iisang bubong na naman ulit kami! Nag-ayos ako ng kama, nagdasal at nagbasa ng Bible ko for 15 minutes, nag ayos kahit wala pang ligo. *sssh* Atin lang yun ah? Pero nagsepilyo naman ako saka kumaripas na sa living room.

Expecting to see Adam with my family again, I don't know like, continuing their Olympics? Pero it's the opposite, nakalugmok lang silang lahat sa sala. Anong meron?

"O? Anyare sa mga mukha, bakit parang Biyernes Santo? Nasan si Adam?" sabi ko naman para man lang sana mawala ang mga gusot sa mukha nila pero wala pa ring naimik sakanila. Meron ba akong hindi nalalaman?

"Ah, nak. May urgent meeting daw sila today..."

"Oh, meeting para saan?"

"That I don't know..."

Iginala ko muna yung mata ko para maghanap ng pwedeng mapagtanungan kaso si Emma lang ang andun, pati sila Miss Jae wala, malamang Manager siya ni Adam eh. "Does anyone of you know?" pero kay Emma lang ako tumingin.

"Uhm. Miss Nine, all I know is that the meeting is urgent and Adam was asked to do something important within the day."

"Where is he?"

"Madaling araw pa lang lumuwas na sila ng Manila then..." si Mommy na ulit ang sumagot sa tanong ko.

"Then?"

"Dumiretso sila sa Korea."

"Bakit kelangan sa Korea pa sila magmeeting? Ano yun, parang Divisoria lang mula dito?"

"Ah kasi taga-Korea naman talaga si Adam, girl?" pagsagot nang marahan ni Iya. Hindi ko makuhang mainis sa sarkastiko niyang sagot kasi parang nauntog ako. Seryoso? Nakuha niyang umalis sa last day ng relationship namin? Totoo ba 'to?

Nakapamewang na ako at nilingon ang kusina, naglakad pa ako para masilip yung garahe. Nagbabakasakaling makita ko na andun lang sila sa labas, nagi-ihaw o nagke-kwentuhan.

Kaso wala talaga.

Tumakbo ako sa kwarto para kunin yung phone ko. I could contact him anytime diba? Baka nasa Korea na yun dahil madaling araw naman sila umalis. Pagkabukas ko ay bumungad sakin yung text niya.


xx

4:05am

[Hi, Nine. I promise I'll see you later. Wait for me, okay? Something came. Take care.]

xx


Napakagat ako sa labi ko. Something isn't just right. Don't tell me kasama sa script 'to. How in the world he'll see me pa later kung may gagawin siya within the day? At sa lagay ngayon, nasa himpapawid pa yun. Mamaya ko na lang siya rereplyan.

"Nine? Nasan ka? Iniwan pala ni Adam satin ang private plane nila. We can come back to Manila anytime you want."

"Hala, bakit niya iniwan? Baka mas madelay ang balik niya mamaya!" Hindi ko na napansin na nasabi ko na kung ano yung nasa isip ko.

"Don't worry, honey. Makakabalik din yun. Sinabi naman namin na right after nating makabalik ng Manila, dalhin na nila yung eroplano sa Korea." dinig kong sabi ni Daddy at dahil dun ay napalabas na ako, "Eh ano pa bang ginagawa natin dito? Anytime now matatapos na rin yung meeting niya, kelangan andun na sa labas mismo ng building nila yung eroplano para makalipad na siya agad. Tara na!"

Week in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon