Unti-unti akong nagising dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha na nagmumula dun sa maliit na uwang ng kurtina at bukod dun agad ko ring napansin yung napaka-matambok na unan na yakap-yakap ko saka ko lang napagtantong nasa kwarto ako ni Adam natulog.
HALA! O_O Diba sabi ko okay na ako na matulog sa sofa bed?!
Napangiti at napailing na lang ako dahil sa pakikitungo sa akin ni Adam, on or off the camera, mabait naman siya at bukod dun 101% akong sigurado na hindi talaga panaginip ang lahat ng nangyayari ngayon kasi gising ako ng nakatungtong dito, natulog dito at kinabukasan nagising na andito parin. Pero bakit ganun, pakiradmdam ko isang panaginip pa rin siya?
Natatawa na lang ako dahil napaka-aga eto na agad ang iniisip ko kaya bago pa man ako maumay sa sarili kong drama, bumangon na ako at inayos ang higaan. Medyo matindi yung pressure kasi kelangan kong maayos ito na kasing spotless tulad nung dati T_T Kainis talaga 'tong si Adam kaya nga ayaw kong matulog sa kwartong 'to eh.
Since wala pa namang camera sa labas bukod dun sa mga ininstall nilang cam sa bawat part ng bahay niya— OMG! Ibig sabihin panigurado may camera rin dito! Sinubukan kong luminga-linga ng hindi nahahalatang hinahanap ko kung nasan man yung camera pero hindi naman ako sobrang nahirapang hanapin 'to kaya naman kumaway nalang ako dito at binati ng 'GOODMORNING!' Ginagawa ko naman palagi yun sa mga CCTV cameras ng university ko eh. Hahaha :D— so ayun na nga, naghilamos at nagtoothbrush lang ako, nagpalit ng t-shirt pero lumabas pa rin ako ng kwarto na naka-PJs.
Paglabas ko ng kwarto ay agad ko namang naananigan kung nasan si Adam, nadatnan ko lang naman siya sa kusina na halatang abalang abala. Aba'y bat di nalang ako ginising para humingi ng tulong, diba? Tsk tsk...
*cling clang*
*tsong tsang*
*swishh swishh*
"Eeeeheemmmm... Need help?"
"Oh! Did I wake you up? I'm sorry."
"No, no... Ano ka ba, may distance naman yung kwarto mo sa kusina mo no..."
"Uhm, wait, what? Really, I'm sorry."
"Haha. I said you didn't wake me up. Goodmorning!"
Mas itinodo ko pa yung ngiti ko at tuluyan nang pumasok sa kusina niya para naman mawala na yung guilt feeling niya kasi hindi naman talaga niya ako nagising, dahil don ay nabati niya na rin ako ng 'Goodmorning' pabalik at sinabing wag daw akong mag-alala kasi malapit nang matapos yung niluluto niya.
Nakalimutan ko atang sabihin sainyo na mukha pong George of the Jungle ang kusina ni Adam ngayon, may mga baking powder na nagkalat sa table, tapos punung-puno yung basurahan niya at gabundok yung lababo niya ng hugasin. Tapos may malaking cook book sa tabi nya na parang magic spell book sa mga fairytales.
"Wow! You're cooking, what happened to the Adam that I know?"
"Haha. He's gone for a while, I told him that I need to cook for my special visitor."
"Really? So what's on the menu?"
Pinatay niya na yung kalan at mabilis na hinawi lahat ng kalat diretso sa garbage plastic at may hawak na rin siyang bimpo at ipinangpunas sa mesa. Pagkatapos nun ay pinaupo niya na ako, mabilis lang niyang inilagay ang mga plato, kutsara't tinidor sa harap ko. Para lang kaming naglalaro ng lutu-lutuan sa isang fine dining restaurant, yun nga lang 3 in 1 siya: Chef, waiter at date ko pa! :D Bakit kahit yung apron bagay na bagay kay Adam? Ang labo na ata ng paningin ko. Pati yun nagpapa-gwapo na sakanya. Pinagbigyan ko lang siya sa gusto niyang ibigay na "service" sa akin kaya pinanood ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fanfiction***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...