Chapter 3

816 14 8
                                    


Nasa bahay kami nila Melissa ngayon at busy kami magbalot ng mga regalo dahil malapit na ang pasko. Medyo busy na rin sa bahay kaya baka hindi na namin makuhang magkita sa bisperas ng pasko, naisipan nalang namin magkita-kita ngayon. December pa lang at nasa kalagitnaan pa lang kami ng bakasyon pero bakasyon na sa summer ang pinag-uusapan namin. Magigiting na estudyante diba? 


"Saan niyo naman planong magbakasyon?" - Nicole

"Dating gawi, uuwi kami ng probinsya." - Iya

"Dahil 18th birthday ko, napagplanuhan naming lumabas ng bansa this May. Hindi ko kasi gustong maghanda eh." - Melissa

"WOW! Susyal! Sama naman kami!" big time na naman itong si Melissa. Bakit nga ba hindi ko naisip yung ganung klaseng celebration? Nagpakain kasi kami nung nagdebut ako. Family dinner lang naman.

"Kung pwede lang ba, bakit hindi? I promised my Mom na ultimate family bonding lang namin yon since ayaw ko ngang maghanda."

"Ano ka ba? We understand. Hahaha!"

"Eh ikaw, Nine, anong plano mo?" pabalik naman na tanong sa akin ni Melissa.

"Hmm... Hindi ko alam, summer job sana, eh sino naman makakasama ko kung wala kayo?"

"Bakit ka magta-trabahao? Duh, it's summer!" - Nicole

"Malamang, para may ipon!" siguro naman naiintindihan ako ng mga kapwa ko estudyante na nagbabasa neto ngayon.

"Alis na lang tayo, guys! This April bago magkaroon ng kanya-kanyang lakad. Diba? Early summer vacation" - Nicole

"Pwede, since tradisyon naman nating gawin yun diba! Out of town tayo this time!" pagsang-ayon naman ni Iya.

"Oh! Tulad nyan, wala akong panggala, walang pera eh."

"Tsk, ewan ko sayo, Nine" - Nicole

"Joke lang. Magplano muna tayo."


Ang napagplanuhan namin ay family outing sa resthouse namin sa Bacolod. Naisipan naming isama na lang din ang mga pamilya namin para financially supported kami ng bongga! Hahaha!


"OK. Settled!"



**

Pagkadating ko ng bahay ay sinalubong ako ng isang balitang nagpabaliw sa akin ng husto...


 [ON TV]

"Get ready for the Kollision's Asian tour concert that will happen this May 18 at the MOA ARENA Tickets are available in any SM ticket outlets or you may call 465-3333 for ticket rates. Reservations are available online at www.ticketworld.net. This is brought to you by Yogioul Production."


"Nak, magko-concert pala ang Kollision dito? Yan na ang pinakaa-antay mo diba. hindi mo ba balaka magbakasakali?" kalmadong sabi naman ni Mommy na parang binati lang ako ng 'goodevening'.

Eh halos ma-stroke na ako dito sa kinatatayuan ko pagkarinig ng advertisement na yun.

"TOTOO BA YUN MI?!!?!?!?! PUPUNTA TALAGA SILA DITO?!?!?!?!?!?" halata naman na nagulat ko si Mommy sa response ko kasi napahawak siya sa dibdib niya. Pero hindi ko na siya pinagsalita pa at dumiretso na ako sa bahay nila Iya.

Habang nasa tricycle ako, hindi ko lubos maisip na... Oh my goodness... This is the first time that they will go to the Philippines. Never kong na-imagine na pupunta sila dito? At bakit ako pupunta kila Iya? Ano bang plano ko? 

Ano bang gagawin ko? huhuh... ANO BANG GAGAWIN KO?!


"IYA! IYA! *toktoktoktoktoktoktotk* *dingdongdingdongundingindfg*" oops! Napahinto ako sa ginagawa kong pag-iingay nang maalalang hindi lang si Iya ang tao sa bahay nila ngayon at hindi lang bahay nila ang nakatirik sa compound na ito. Sensya naman, nadadala lang ng damdamin.


Alam mo yung sobra kang nanlalamig at halos maiyak nang DAHIL LANG SA BALITANG PUPUNTA SILA NG PILIPINAS AT MERON KANG KAHIT 75% NA MAKITA SI ADAM NG PERSONAL?!?!?!


"Andito na! Sino ba yan?" muntik na akong mapaatras, akala ko Mommy ni Iya. Nakilala ko naman ang boses kaya SAFE!

"Oh, bes? Anung me−"

"MERON? Adam. Kollision. Concert. May 18." Ganyan pag magbestfriends! You don't need to construct  a whole lot of sentences, just the keywords, gets na! Ayun nga, nanlaki ang mga mata niya.

"Anung plano mo?!"

"Pakasalan si Adam! Duh! Edi gusto kong pumunta!" diba sabi ko di na ako mag-aasam na makita pa siya ng personal? Eh ano itong pag kain ko ng mga sinabi ko?!

"Teka, pumasok ka sa loob at pagusapan natin yan."

Pagkapasok namin sa bahay nila ay hinanap kaagad namin ang ticket rates na medyo nagpaalog ng utak ko. SAAN AKO KUKUHA NG 15,000 PESOS PAMBILI NG VIP TICKET SA LOOB NG APAT NA BUWAN AT KALAHATI?!

"VIP ba talaga gusto mo?" sabi naman ni Nicole.


Oo nga pala, pinasunod na rin namin yung dalawa. Si Nicole pwede naman kaso hindi nila kaya yung presyo ng VIP tapos si Melissa wala naman ng MAY dahil nasa ibang bansa sila.


"Eto yung sinasabi kong summer job eh!"

"Oo nga Nine, maghanap na tayo ng summer job. Now na!" look who's talking? Ang babaeng ayaw ng summer job 'cause-DUH!-it's-summer-nga ang banat hours ago lang. Pero infairness, nabuhayan naman ako ng loob dun.

Kaya hindi na kami nagdalawang isip kundi magpasa ng resume online sa Starbucks and Yellowcab sa the Fort. Sana nga lang talaga hindi ako maubusan ng ticket, isisingit ko talaga yan kahit may pasok pa!


"Guys you don't have to earn for VIP ticket. Kahit ako nalang."

"Don't worry bes, we'll help you earn. Makakakuha tayo ng VIP tickets." - Iya

OK. Think positive, Nine! 

"Atsaka, try ko rin humingi kila, Mommy. You know, para hindi na tayo mahirapan pang mag-ipon." - Melissa


** 

Ilang araw na akong tuliro, medyo mahirap yung process ng requirements para sa employment pero natutuwa naman ako kasi nakuha namin yung trabaho at bukod dun todo rin ang pagtutulungan naming tatlo na sa kabila ng pagiging hagardo versoza for a while, naniniwala naman kaming worth it ang lahat ng sacrifices na ginagawa namin. Nakapagpaalam na rin kami sa mga professors namin at pinaalam rin namin sa head syempre dahil hindi naman kami pumasok sa isang panibagong semester, on the go ang second semester pero buti na lang talaga at malaki ang pabor na binibigay ni Lord sa amin. Oh diba?! Kumpyansa ako na makakapunta talaga ako sa concert ni Adam! 

Week in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon