Chapter 40

434 9 0
                                    


Ang nakuha naming flight pa-Bacolod ay hapon na sa dalawang rason: Una, para masigurado na nasa kwarto na si Lola at hindi mararamdaman an gaming pagdating mamaya. Pangalawa, para makapapagpahinga pa ako sa kahapong byahe. Bukod dun, hindi pa talaga ako nakapag ayos ng gamit. Natulog lang akong magdamag kanina hanggang sa umalis kami ng after lunch. Pero kahit ganun, sa kalagitnaan ng byahe, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng labis na pagkapagod. Sabagay, hindi naman kasi pagbabakasyon ang ginawa ko dun kundi trabaho, sana pala hindi ko na lang pinagsunod yung byahe sa schedule ko dahil masakit pala sa ulo.


[Bacolod City, Philippines]

"NINE!!!"

"Nakarating na rin kayo sa wakas!!! Kanina pa kami naghanda ng pagkain niyo, kamusta ang biyahe?" masayang bati samin ni Manong Andy.

"Okay naman Andy, medyo pagod lang si Nine at galing pa sa Singapore 'to kahapon."

"Ay talaga, Chris? Susyal na ang aming Nine ah!" nilapitan naman ako ni Manong Andy para kunin rin yung gamit ko at bahagya akong niyakap.

"Kaka-promote lang ni Nine bilang isang TV journalist. Makikita niyo na madalas yan sa TV, Manang."

"Napakagaling mo naman pala, Nine!"

"Salamat po Manang Grace! Kamusta po dito?"

"Ayun, okay naman. Bagong linis ulit ang bahay. Marami na rin kaming naimbita sa kaarawan ni Lola. Ano pang inaantay niyo? Tara, pasok na!"

Tuluyan na kaming pumasok sa bahay at dire-diretso si Manong Andy na ilagay ang mga gamit namin sa kwarto. Kahit papaano naman ay lumuwag na ang aking paghinga ng makita muli ang bahay. Hindi ko nga lang maiwasang maalala yung mga nangyari nung nakaraan. I shake my head mentally once again because it's stupid to think again about the past just because I saw him yesterday. Pero ang saya noon, hindi ko naman pwedeng alisin na lang yun sa pinakamagagandang alaalang meron ako with my family and friends. Nagpalit na din kami ng damit at nagpahinga ng ilang minuto bago kami magsalu-salo sa hapunan.

"Nasan po si Lola Belen?"

"Ayun, nasa kwarto kanina pa. Kumain lang ng hapunan ng bandang hapon. Tapos bumalik ulit sa kwarto niya. Masama ata ang pakiramdam." bigla naman akong nag alala non. Gusto ko na sanang puntahan si Lola sa kwarto niya pero kelangan kong pigilan ang sarili ko.

"Nang, pwede po pakipuntahan nalang si Lola. Can you please make sure that she's doing fine?"

"Oo naman, puntahan ko mamaya."

"If she needs any medicines, just let me know."

"Sige. Maaari na rin kayong magpahinga pagkatapos neto para naman may sapat tayong lakas sa paghahanda bukas."

"Sige Grace, ako na lang sa hugasin."

"Wag na, ano ba. Bisita kayo."

"Okay lang talaga, kelangan ko rin mag banat, kanina pa ako nakaupo. Masakit rin sa balakang." si Mommy na rin ang naghugas ng pinggan at naisipan naming manood muna sa sala.

Ako na ang nagset up ng telebisyon nang makita ko yung CD ng k-drama ni Adam, nasa ibabaw siya ng telebisyon. Kinuha at tinignan ko ito nang bahagya. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko lang pala si Manong Andy,

"Oh, Nine! Gusto mo bang tapusin natin yang palabras ni Adam?"

"Hindi niyo pa po tapos?"

Week in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon