After my morning prayer and quiet time with God...
Hay, narealize ko lang... I don't deserve ANY of what He has given but because He is so good, He gave me this favor. God can bless us MORE than what we want and what our mind could grasp. Ganun lang kagaling si God, kaya whatever prayers you have right now, just keep on believing and trusting of greater things God can do! *thumbs-up*
Naisip ko lang, nakatulog kaya ako kagabi! Salamat naman, I need energy *winks*
Bumaba na ako para magbreakfast nang tumunog yung cellphone namin ni Adam. Pambihira naman! Umagang-umaga, hindi pa ready ang mga cells sa katawan ko! Nyahaha.
*LINE*
[Goodmorning] with sticker na bear na nagsasayaw. Susyal, may mobile connection ako?
[Goodmorning!!! ^O^]
[Rehearsals today ㅠㅠ] bigla naman akong nalungkot nun. Oo nga pala, artista nga pala 'tong boyfriend ko.
[I won't be able to see you then? ~T_T~]
[I don't know yet, just stay at home and I'll let you know right away, ok?]
[Okay, drink plenty of water :)]
[Mickey ♥ sent you a photo]
OMG, bigla naman akong kinabahan sa kung ano yung sinend niyang picture. He sent me a picture of himself while drinking his tumbler full of water. Napaka-cute lang *kurot pisngi*
[Send me photo of you as well...]
[WHAT BAGONG GISING AKO!] umagang-umaga kasi sabi na eh! Naisend ko tuloy kung ano yung nasa isip ko oh mayyyyyy gaaaaaahd, nakakahiya lang! Imba kasi 'tong lalakeng 'to eh, pabigla-nigla na lang ng hirit!
[Haha! So what?]
[My morning face is uh, not so good in themorning...]
[Please? :3] Walanjo, ano bang nakaen ng lalakeng ito? Ako pa ang napagtripan!
Dahil wala rin naman akong choice, tinali ko muna yung buhok ko into a messy bun, nagpose na may hawak na pandesal. Hahaha! Selfie with the pandesal hashtag!
[Is that a pandesal?] akalain niyo yun? Alam niya pa rin ang pandesal? Only in the Philippines! *proud*
[Haha. Yes!]
[It's been a while since I ate one.. I want some...]
[Where are you practicing right now?]
[Here at MYM Studio. I'm with the group. Gotta go, resume of practice.]
[Oh, okay! Take care! :)]
Pagkatapos kong kumain ay kaagad akong nagpunta sa kusina para maghugas ng pinggan at magluto.
"Mameeeeh, I'll just cook something for Adam, may rehearsal siya ngayon ehh."
"Hoy, nakakalamang ka na sa boyfriend mong yan ahh. Ako naman ang magluluto ng lunch niya nang matikman niya ang kare-kare ko!"
Hahaha! Ang mommy ko talaga, siguro naman may idea na kayo sa gagawin ko. I'll surprise Adam by bringing him lunch sa studio!
**
Nandito na ako ngayon sa MYM Studio, actually hindi pa ako nakakapasok. Isang tawid pa bago makarating sa building kung saan nagre-rehearse si Adam. For some reason, hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko ngayon. Inilabas ko ang phone ko namin ni Adam, gusto ko siyang itext na ewan pero surprise nga kasi to!!! Wala pa rin siyang text, sabi niya magtetext rin siya sakin?
Napatingala lang ako at tinignan ang buong building at ngayon ko lang napagtantong napakalaki at napakalawak ng sinakop ng building na 'to. Ilang artista kaya ang andito ngayon? Panigurado maraming nangyayari sa bawat silid ng mga gusaling ito. Nangingiti na naman ako ng parang baliw, naaalala ko lang yung gabing alam kong nasa Incheon Airport na ang Kollision at exactly 7:00PM papunta sa Pilipinas, parang akala mo namaga yung puso ko dahil damang-dama ko yung pananabik, paano ba naman kasi, nakita ko lang sa FB yung mismong picture nila! Lalo na niya, tapos tignan niyo naman ngayon diba? Nasa iisang lugar lang kami ngayon, isang tawid ko lang abot ko na siya.
"Emma, do you think it's okay to surprise Adam?" tanong ko naman kay Emma. Siya nga pala ang magsisilbing buntot ko whenever I'm not with Adam, she's my VJ and my cutie gumiho.
"I think it's okay, Ms. Nine since it's already lunch time."
"Please call me Nine, it's too formal!"
"I can not Ms. Nine, I'm sorry." tugon naman niya. Sobrang mahiyain neto ni Emma, siguro dahil bago pa lang naman kaming magkakilala atsaka masyado siyang seryoso sa trabaho niya, takbuhan ko kaya 'to minsan nang mag loosen up naman siya.
"Hmp. Ikaw talaga, Nine din itatawag mo sakin soon enough. Magiging bff tayo!" pag yakap ko naman ng bahagya sakanya. Naramdaman kong nag-stiff yung katawan niya sa naging gesture ko kaya bumitaw na ako.
"Don't be shy, okay? We can be friends!" ngiti lang ang itinugon niya sa akin.
"I think we can go now, Ms. Nine."
"You think so?"
"There's a mob coming this way." tumingin ako sa direksyon kung saan itinuro ni Emma ang kanyang tinutukoy. Nanlaki ang mga mata ko nang makita nga ang bungkos ng tao na nagsisipagtakbuhan papunta sa kung saan kami mismo nakatayo.
"*fan screams* AKSASLKDHSKJFHDLGDLKJASLKJLKSJGLKJKJDLKSJFDLKGJFDLKGHSHASLKJDALKDJSDKLJKFGJFKGHSDHFLKJDAAJDLKKJFLKGFDLKJGLKSJLKAJDLKSDJGLKFDGLKSJ" hinatak ko na si Emma at tumakbo na kami papunta sa building para maiwasan namin yung mga tao. Naku, baka magka-stampede pa!! Grabe, nakakatakot yung mob na sumugod dun sa van. Kaya naman pala, kasi dumaan at huminto yung sasakyan dun mismo kung saan kami nakatayo ni Emma kanina.
"Are you okay, Ms. Nine?"
"Yes I am, let's go inside."
Okay. Andito na ako, what's next? Itext ko na kaya siya? Or I'll just wait here? Nakakahiyang tumunganga at panuorin sila sa taas eh, baka madistract ko lang si Adam.
*after 1 hour*
Hindi pa kaya siya tapos? Ano, spill ko na kaya yung surprise ko? Malamig na 'tong pagkain eh. Baka di niya na rin makain kung mamaya pa :(
Tinawagan ko na rin siya. Hindi rin naman sumasagot, dibale, maghihintay ako! Go Nine! Endurance is a must!
*3PM*
Aw, tatlong oras na ako dito. Sinusubukan ko naman siyang tawagan, wala ni-isa sa mga calls ko ang sinagot niya. Sinubukan ko ring itext pero wala ring reply. Tas hala, gutom na rin ako. *rumbles*
Teka. Baka nakakalimutan mo Nine na busy na tao yang boyfriend mo! ARTISTA SIYA, OKAY? I should understand his situation. Baka nga hindi pa nagbe-break yun eh. Mas gutom pa yun panigurado sa akin. Kaya maghihintay ako, aja!
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fiksi Penggemar***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...