Habang lumilipas ang araw, mas lalo akong nawawalan ng pag-asa. Nakuha nga namin yung trabaho pero dun ko lang din napagtanto na hindi ko naman agad makukuha yung sweldo. Tiyak na mauubusan talaga ako ng chance na makakuha pa ng VIP tickets sa aming apat. Sinubukan ko na ring sumali sa mga raffle promos sa Facebook, kaso wala talaga eh.
Ang laki ng problema ko no? Nanghihinayang naman kasi ako, pakiramdam ko eto na talaga yung opportunity ko na makikita si Adam. Pero bakit parang hindi naman? Kasi kung ito na talaga yung opportunity, madali ko lang makukuha yung 60,000 ticket para samin.
"Lukot na naman yang mukha mo, Nine." - Iya
"Hindi kasi ako mapapanatag hangga't hindi ko hawak yung mga tickets natin eh. Pakiramdam ko naubusan na tayo."
"Ano ka ba? Tatlong buwan palang ang lumilipas no. Napaka-imposible namang maubusan kaagad tayo ng ticket."
"VIP nga target natin diba? Huhuhuh"
"Hay, magtrabaho na lang tayo, makukuha na na rin natin yung sweldo natin"
"Oo na. Kabado lang."
Bumalik na nga kami sa gawain namin, ako naman ang naglilinis ng tables ngayon. Inuna ko sa taas. Pagkababa ko naman ay dumating sila Nicole at Melissa.
"Oh, hindi niyo pa working hours ah?"
"Oo nga, masamang bisitahin kayo dito?"
"Uhm, hindi naman..."
"Si Iya?"
"Andun sa kusina." pinatawag sakin ni Melissa si Iya at nagpaalam kami ng saglit na break lang kasi may importante daw na sasabihin si Melissa.
"Naisipan kong gawin 'to kasi mahalaga talaga kayo sa akin, lalong lalo ka na Geranine. "
"Na ano? Tungkol saan ba ito?"
"Wag mo nga kaming pinapakaba, Melissa." - Iya
"Para sa'yo 'to." meron siyang isinilid na card sa harapan ko, hindi ito basta-bastang card. Mga ilang segundo muna ang lumipas bago ako matauhan kung para saan yun at kung ano yung tinutukoy ni Melissa.
"Imbes na pangbirthday ko, ipambibili nalang natin ng concert tickets. Ever since na nakilala kita, nakita ko na talaga sayo yung matinding pagaasam na makita si Adam. So why not give it to you? Ang birthday naman taon-taon nangyayari eh, samantalang ito, once in a lifetime chance lang. Grab it na!"
Naiwan lang akong nakatulala sakanya. Credit card yung ibinigay niya sa akin.
"Huy, Nine. Wala man lang 'Thankyou'?"
"Mygosh, I will pay you ASAP, beb. Thankyou!" saka ko inihagis ang sarili ko sakanya. Niyakap ko siya ng pagka-higpit higpit. What a blessing! What a surprise!
"WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH! BLESSING KA TALAGA SAKIN NI LORD! BLESS YOUR GENEROUS HEART, BEBE!!!"
"Saka na ang bayaran! Ano pa bang inaantay natin? Tara na! Diretso SM na! Ayokong maubusan ng ticket. Sayang ang aking mala-dyosang sacrifice!"
Sumugod na kami sa pinakamalapit na SM, which is SM Aura.
"Hi! 4 VIP Tickets please for Kollision Asian tour!" pagkasabi ko nun ay inilagay ko kaagad ang credit card sa harap ni Ate. Kaso sinalubong niya naman ako ng medyo malungkot na mukha at naka-pout pa.
"Uhm, Ma'am... 2 VIP tickets na lang po ang available. Pero we still have VIP Standing po." tinuro niya kung saan yung seat, saktong magkatabi pero sa may bandang gitna na siya.
"How much yung VIP Standing?" hirit pa ni Melissa. Pinigilan ko na siya kasi alam kong mas mahal yung presyo ng ticket na yun.
"Melissa, uhm... Ok na yun, kahit uhm ako na lang sa VIP para di na rin doble yung gastos." syempre nakakahiya na ng todo kay Melissa no, kung tutuusin ako lang naman ang may gusto talaga neto at dinamay ko lang sila.
"Ayaw mo sa standing? Mas malapit yun. Yan kasi medyo gitna na e. Sayang rin e."
"Hindi na talaga, okay na ako dun."
"May 2 VIP tickets pa naman e, kayo nalang ni Iya sa baba tapos Ate you still have Upper Box seats, right?"
"Yes, Ma'am marami pa po."
"Sige, we'll take 2 VIP tickets then 2 Upper Box seats."
Binigay na ni Ate yung ticket at parang dyamante ngayon ang mga mata ko na hawak-hawak ang VIP ticket KO. OMG ANG SARAP NIYA SA KAMAY HUHUHUHU TOTOO BA TALAGA ITO??!?!?!?!!
"Mygoodness talaga, Melissa!"
"Halika na, you have all the night para titigan yang ticket mo. And, you're welcome!"
"Thank you din pala, Melissa." nahihiyang sabi naman ni Iya.
"Samahan mo si Nine don sa baba, baka mahimatay na lang yan don. Makapag-cause pa ng panic. Hahaha."
"Oo nga, pasalamat ka talaga. Nine!"
"KAYA NGA DIBA... SALAMAT TALAGA *HUHUHUH* ANO BANG GUSTO NIYONG GAWIN KO?" hindi ko pa rin maialis ang paningin ko sa ticket kahit naglalakad na kami.
"Makita si Adam nang malapitan. Tapos, pwede rin, mahimatay ka para mapansin ka talaga niya." sagot nila in chorus.
"OKAY GUYS! Gagawin ko lahat ng sinabi niyo. Suuussss.. Yun lang pala ehh."
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fanfiction***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...