Chapter 16

458 11 0
                                    


Paglabas namin ng souvenir shop, nasorpresa kami sa aming natunghayan. Nag-glow lalo ang Enchanted Kingdom sa mga lights, kung hindi ko lang alam na Mayo ngayon, aakalain mo talagang pasko. Punung-puno ng mga colorful na lights, nagpatuloy pa rin yung mga nagpe-perform sa labas, maraming nagsisipasukan sa mga mini-theaters at napaka-magical lang lalo sa feeling.

Patuloy lang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa Victoria Park. Dun ako napa-hinto nang makita ang carousel. Sino nga bang mag-aakala na ang pambatang ride na yun ay magmumukhang napaka-romantic sa paningin ko ngayon. Sobrang ganda kasi, nagliliwanag siya sa gitna ng naglalawakang hardin at fountains. Kasalukuyan ko pa 'tong pinagmamasdan nang sumulpot sa likuran namin si Eldar! Yung wizard, hindi ko naman talaga malalaman yung pangalan niya kung hindi ko nakita sa shop kanina.

"That's the wizard of this theme park, right?

"YES!" excited kong sabi.

"What are you waiting for? Let's go and take a picture with him! Ryan, here's the cam. Take us a picture." nakakaaliw lang kasi diba, artista kaya tong kasama ko. Tapos willing pumila para makapagpa-picture sa isang mascot. Ang cute talaga ni Yoonie eh, observe mo siya magdamag. lols.

Marami pang nakapila na magpapicture sakanya kaya naman nag-antay kami from afar. Advantage na rin yung dilim kasi hindi na masyadong mahahalata si Adam ng mga tao.

"Hello, Eldar! I'm Adam. Nice to meet you!" nagulat naman ako sa ibinulong ni Adam. Feeling ko narecognize siya na Eldar hindi lang to maka-reak ng maayos. Nagbounce bounce lang siya at napatakip ng kanyang bibig.

"Huy, ano ba! Marinig tayo!" pagpigil ko naman kay Adam, hay nako! Gusto talagang mapahamak kami e!

"Promise us you'll keep quiet for the rest of the evening, okay, Sir Eldar?" natameme ata si Eldar at tumango nalang. Kaya ayun, nakapag-papicture kami. Tapos after nun, saka lang ata napansin ni Eldar ang presensya ko, nagets naman namin kaagad kung ano yung gusto niyang sabihin, "Kung kami ba daw?", tumango si Adam at nginitian siya. Hindi ko na naman namalayan na pinapanood ko lang yung paguusap nila.

"We're going now. Bye bye. Thanks!"

Paalis na kami nang bigla siyang pigilan ni Eldar. Nagdrawing siya ng hugis puso sa hangin, sabay turo dun sa carousel. Dahil wala namang bago sa facial expression niya, nakangisi niya kaming itinulak ng marahan papunta don.

Oha? Boto samin si Eldar. Echusero rin eh, Don Romantiko rin eh. So wala namang tanggi si Adam kaya dumiretso na kami don. Eto na naman yung kabog ng dibdib ko sa isang di mo maexplain na excitement. YIE!

Tig-isa kami ng horse ni Adam.  Umandar na yung carousel at dun ko lang napansing tinanggal niya na yung shades niya. SO PANIC ATTACK!

"Why did you—!"

"Stop being so paranoid because everything will be alright." pagkontra niya sa sasabihin ko. Bigla akong naubusan ng sasabihin at napatitig na lang sakanya. Nagthumbs up naman siya, kaya wala na akong nagawa kundi ngitian na lang siya.

Right now, it is better. Because I can see his eyes. Kahit pa siguro itago niya na lahat, wag lang yung mga mata at ngiti niya. I could be so sure now that he can really and is looking right at me without any hesitations.

Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa last ride namin since it's getting late. Pumunta na kami sa Wheel of Fate, I will consider this a a miracle dahil sobrang iksi lang ng pila doon na never ko pang na-witness, ngayon lang. Nung nasa kalagitnaan na yung level ng gondola namin, inalis ni Adam yung mga suot niya for disguise. Alam ko namang naiinitan na siya but at the same time natutuwa rin ako kasi kahit papaano nagkaroon kami ng chance to really have a privacy of our own dahil si Ryan naiwan rin sa baba at kami na may hawak nung camera. Ilang minuto lang din kaming nanahimik at tinitignan-tignan ko lang siya nang bigla naman siyang magtanong.

Week in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon