Chapter 31

346 10 0
                                    


One last time...

Yan lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko habang inaayusan ako ngayon sa sasakyan at si Adam ay tinitignan-tignan lang ako at ngingitian. Pinipilit kong ibalik yung ngiti niyang yun kahit hindi ko na nagugustuhan kung ano yung nararamdaman ko. Hindi naman maalog ang sasakyan at hindi rin naman bako-bako yung dinadaanan namin kahit hindi ko pa alam kung saan kami tutungo pero kung makahawak ako sa mini-vanity table na nandito sa loob aakalain mong nasa kung anong bump car kami na any minute, pwede akong mahulog. In short, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sana kasi yun na lang yung ending kanina.

Tinitignan ko lang ang repleksyon ni Adam sa salamin kapag hindi siya nakatingin. Parang ang dami-dami kong gustong sabihin na aksaya lang ng oras 'tong pag-aayos sakin. Kung hindi lang talaga para sa television appearance at hindi siya artista, ok na kahit sa foodcourt lang kami kumain eh.

"I'm just going to fix our reservation inside. Since they're not yet done with you, I'll just wait for you there okay? Ko-hyungnim will lead you to our table."

"Ah, okay."



[Crystal Jade]

True enough, sinamahan ako ni Direk Ko papasok sa eleganteng kainan na 'to. Nadadaan-daanan ko lang kaya 'to pero heto ako ngayon hindi ko man lubos na maitago ang lubos na pag-hanga ko sa kakainan namin na nagpapasalamat ako kasi inayusan at binihisan talaga ako. Tama na yung isang beses na pumunta ako sa Serendra na naka-pajama kasi first time ko lang makapunta nun at wala akong pake kung under dressed ako. Ang hindi lang true enough, sinamahan lang ako ni Direk pagpasok pero yung pagpunta mismo dun sa table, nawala na lang siya ng parang bula. Mabuti na lang may mga magigiting na butlers na tinulungan akong mahanap ang table ko kung saan nadatnan kong bakante at wala si Adam.

"Uhm, is this really the table of Adam--"

"Adam Yoon and Nine Tamonyera, right Ma'am?"

"Yes?"

"Certainly."

"But where is he?"

"I guess he's still fixing the details for your reservation. Just wait for a while, Ma'am and we'll serve you something right away. Have a wonderful evening."

Nang ako'y nakaupo na, hindi pa rin tumigil sa paggala ang aking mga mata, napaka-susyal. Makakain kaya ako ng matino dito? Itinuro naman 'to dati sa TLE, pero syempre malay ko bang mapapakinabangan ko talaga siya? Upuan pa lang eh, pati kubyertos. Gamit ata 'to galing langit eh. Habang inaantay si Adam ay binigyan na ako ng kung anong soup man ito at isang mataas na baso ng juice, yun ang pinili kong lagukin pampawala ng tensyon. Buti na lang at naalala ko yung phone namin ni Adam, kinalikot ko na lang iyon habang inaantay siya.

Napaangat yung ulo ko nang biglang may nagsalita at may gamit siyang mikropono. Sa direksyon niya ay napansin ko na may piano pala sa kalagitnaan ng restaurant na ito. Mukhang tutugtog yung lalaki, sayang hindi ko matutunghayan yun kasama si Adam. Iniinom ko pa rin yung juice nang magpakilala yung boses.

"Hi and goodevening. I'm Adam Yoon of Kollision." ... at saka siya humarap sa direksyon ko at nagsalita ulit na parang ako lang ang kausap niya sa mga oras na 'to.

"There's a song I've prepared. Nine, I've been really happy since we dated, so I wanna sing to you... for the last time" napahinto ako sa paglagok at ilang segundo ring naka-stuck sa bibig ko yung baso. Natatakot ako na baka maibuga ko yung juice kaya hindi ko pa 'to maalis. Hindi nga ako nagkamali ng pandinig. Si Adam yung nagsalita at bukod sa marunong siyang tumugtog ng piano, wala rin siya ni-isang pan-disguise na suot sa katunayan nagpalit rin pala siya ng pormal na kasuotan. Naibaba ko lang yung baso nang malagok ko na ito ng tuluyan at nang nagsimula ng tumugtog si Adam.

Week in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon