"Huy! Geranine! Gumising ka dyan!" naramdaman ko naman ang hayagang pagyugyog sakin ng aking kaibigan. At dahil ayaw ko pa bumangon, hindi pa rin ako gumalaw.
"Geranine, bahala ka, ikaw din! Gumising ka na dyan, pakakasalan mo pa si Adam." awtomatiko namang akong napadilat, napabalikwas pa nang marinig ko yun. I almost forgot! Magpapakasal pa kami!
"Wait, tapos na ba?"
"Oo, aning ka lang ano? You missed the best part!" halata ko namang nangaasar lang ang tono ni Iya pero nagpadala parin ako.
"OMG hindi pwede yun! Kailangan ko silang makita!" bumalikwas ako sa pagkakahimatay kanina, oo, I passed out. Haha my usual reaction everytime I will see them sing lalo na si Adam na... naku! Alam ko na kung bakit ako nahimatay, dahil sa pagkindat niya!!! ARGH!
Pero ayun na nga, nagbukas ako ng laptop, diretso Youtube at hinanap ang performance nila 15 minutes ago. Malaki talaga pasasalamat ko sa INTERNET! Kaso...
"*Huhuhu* Ano ba yan! Iba pa rin 'pag sa TV ko mismo nakita!" pagmamaktol ko. Iba naman talaga kasi. Parang ano lang yan, paborito mong kanta na naka-repeat infinite times sa MP3 mo pero kapag narinig mo sa radyo, sa jeep, sa mall o sa speakers ng bahay ng kaibigan mo, kakaiba pa rin ang dating.
"Eh adik ka kasi! Palagi na lang ganyan ang reaksyon mo. Pwede namang kumalma, tapos ngayon manghihinayang ka. Timang lang?" sermon sakin ng ever supportive bestfriend kong si Iya.
"Eh kasi naman, He's so good looking, hasn't change since 2008, only for the better! Can't you see? Habang tumatagal, lalong suma–este, guma-gwapo!"
"Hahaha! I can see that, bes."
"Na ano, na gwapo sya?!"
"Bukod dun, na gustung-gusto mo talaga siya. Ano ka ba naman, you always have those same lines since highschool no! I just find it funny kasi hindi ka talaga nagbago ng paningin sa kanya."
"*sparkling eyes* Hihihihihihihihihi :3"
"Ewan ko sa'yo! Tinatawag na tayo ni Tita sa baba, kumain na tayo!"
"Hindi ako maka-move on sa sinabi mo."
"Oh sige, para sa nababaliw kong kaibigan babalikan nalang kita dito pagkatapos namin magprepare ng hapag kainan. Hinga ka muna dyan." saka siya bumaba at ilang sandali lang din ay bumalik siya agad.
"But I guess, you can never move-on kaya baba na!!!! Sabay na tayo!" kilala talaga ako ni bestfweng!
"Sigi na bibi, mauna ka na. Promise, susunod ako agad"
"Okay, bibi!"
At dahil hindi ako naka-move on, kinuha ko yung phone ko at napagtripang tignan ulit ang galleries ko. May folder kasi ako dun na puro mukha niya lang. Hay, ang pogi talaga ng Baby Boy ko.
Hmm, before anything else, should I introduce myself? Sige.
I am Geranine Tamonyera, isa sa mga taong maiksi na mahaba ang pangalan na ngayon ko lang napagtanto nung nagpakilala ako ng pormal sainyo. I'm 18 years old, at dahil magba-bakasyon na, sasabihin ko na lang sainyo na magti-third year college na ako. School at course, hmm. Mahalaga pa ba sainyo yun? Hehehehe. Nag-iisang anak may tatlong makukulit na kaibigan at mahal na mahal si Lord =]
Pang-lima lang si Adam sa mga minamahal ko no. Haha. Anyway, paano ko nga ba nadiscover ang aking minamahal na si Adam Yoon? Ironic kasi ako yung taong hindi mahilig manood ng asianovelas, specifically korean dramas, wala akong tyaga sa mga ganyan. Kasi naman, nakakalito kayang manood na kailangan mo pang basahin ang subtitles! Teleserye lang ng Pinoy at Holywood movies ang hilig ko.
Eh sadyang tinadhana lang talaga siguro nung i-ere ang Korean drama ni Adam sa Pinas, sobrang pumatok kasi yun na naipalabas sa halos buong Asya, dun ko siya nakita, hinangaan not knowing na magiging die hard fan niya ako. Simula nun, sinubaybayan ko na lahat ng naging dramas niya.
Dun na nagtuluy-tuloy ang paghanga ko sakanya. Like a typical fangirl would do: SEARCH EVERYTHING ABOUT HIM. Gigil na gigil akong makita siya, to the point na iniiyak ko yun gabi-gabi. Kasi kung tutuusin, wala naman talaga akong magagawa nung mga panahon na yun. Highschool lang ako nun, wala pang kaalam-alam sa mga concert or fan meet.
Gusto niyo pang malaman ang mga kabaliwan na nagawa ko nun?
Inaral ko pa lenggwahe niya nun at nagmaster bahagya sa Ingles, nauwi pa nga ako sa paggawa ng fan letter para sakanya, na nasa akin pa rin hanggang ngayon—in korean letters, take note! Haha. Eh hindi ko na talaga alam kung pano ko siya aabutin eh.
I was trapped in my childish thought that I was madly and deeply in love with a star that I can never reach.
Malamang, Korean si Adam pero tumira sila ng bahagya dito sa Pinas para sa family business. Di rin nagtagal, nanatili sila sa Korea at dun umusbong yung career ni Adam. Kasabay ng pagsikat niya sa telebisyon ang pagpasok rin ng grupo niyang 'Kollision'. Isa sila sa mga natatanging grupo na multi-lingual ang musika. Bukod sa Korean, may mga kanta rin sila na Japanese at English, kasi marami na rin silang mga kanta na ginawang Official Sound Tracks ng mga drama or movie. Dun niya natagpuan ang 'first love' niya, ang music.
Eto, anim na taon ko na siyang hinahangaan! Ang pinagkaiba lang ngayon, yung matinding kagustuhan ko na makita siya ay nawala na. Kuntento na ako, sa katunayan may usapan na rin naman kami ng Lord dun :)
"GERANINNNNNNNEEEEEEE YUNG PROMISE MOOOOOOOOOOO!"
"SABI KO NGA EH, ETO NA BABABA NA!!!"
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fanfiction***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...