Nagising lang naman ako ng ala-sais ng umaga dahil hindi na makapaghintay yung pantog ko sa tamang oras talaga ng pag-gising ko. Para lamang sainyong kaalaman, nasa baba pa yung banyo namin kaya nakakatamad pero wala talaga akong magagawa dahil hindi rin naman ako patatahimikin ng pantog kong 'to.
Habang naihi ako, *TMI, sorry* wala pa man ako sa wisyo hindi ko pa rin naiwasang maalalang Sabado na ngayon. Napasabunot ako sa sarili ko kasi what a great way to start your day, Nine. Pero wala rin naman akong magagawa, it feels like the end is near indeed. Tapos naman na yung December 21, 2013 ah? Kaya imbes na magmukmok ako dun, itutuloy ko na lang yung tulog ko. Pagod lang siguro 'to, mamaya ko nalang pagsikat ng araw iintindihin yun.
So lumabas na ako ng CR at naglakad pabalik sana sa kwarto nang mapansin ang tao na iniisip ko lang kanina (bukod sa Sabado) na nakaupo sa may sofa namin. Eh kung ganito lang ka-gwapo ang sasalubong sa'yo uma-umaga, malamang mas maaga pa tilaok ko sa manok.
PERO BAKIT ANDITO 'TO?!
"Uhm, hi? Goodmorning. What brings you here in the middle of the... night?" yes, gabi pa rin sakin ang ala-sais. Duh, wala pang araw!
"Hey, take me to a place where people don't know me." magaling rin 'tong lalaking 'to no. Nanaginip ba 'to? "Ya! Back to Earth, Adam. You sleeping? What are you talking about?" Nanlaki lang naman yung mata ko sa sinabi niya. Take note, hindi siya nagtanong, it's a complete statement na parang napakadaling gawin. Pumunta ako sa may pintuan namin para lumabas at hanapin kung meron pa siyang ibang kasama, hindi naman pwedeng pumunta lang yan dito ng mag-isa.
"So where shall we go, Nine?" bungad ni Ko-PD. Hindi nga ako nagkamali ng akala na andun lang sila sa labas. At tama ba yung rinig ko?! Seryoso ba sila?! Anong bang pinagsasabi ng alaga niyo?! Yun san gusto kong sabihin eh, kaso pinapasok ko nalang sila.
"Are you guys serious with this?" nakapamewang kong tanong sakanila kasi wala talaga ni-isang sumasagot sakin. As a sign of defeat, ako na lang nagsuggest, "Okay fine. I know one place but I'm not sure if no one really will recognize Adam."
Kung napapansin niyo mas naging magaan na yung pakikitungo ko sakanila, kahit kasi sa loob lang ng isang linggo, napalapit na sila sakin bukod kay Adam. At okay lang din naman sakanila yun at turingan na rin namin ay parang pamilya.
"Anywhere close to your heart, Nine. It's your call." sabi ni Miss Jae na parang alam niya kung ano na yung nasa isip ko.
"My hometown. It's one hour plane trip from here." Sana talaga walang makakilala kay Adam dun! Baligtad na talaga, ako na 'tong nagaalala tapos sakanila parang wala lang!
"Then let's go!" sabat naman ni Adam.
"What! AS IN NOW NA?" hindi pa man ako nakakamove-on nang magsilabasan sila Mommy, Daddy, Nicole, Iya at Melissa sa kwarto "OO GIRL! ANO PA BANG INAANTAY MO, TARALETS NAAAAAAAAA!" hindi pa tapos ang pagnga-nga at sunud-sunod na pagkagulat ko sa mga nangyayari.
"What's going on?!"
"Sumusobra ka na, isang gabi nga lang namin nakausap yang si Adam eh. Ikaw jan, SOLONG SOLO MO!" paghihinakit ng bruhang si Melissa, atat na atat, siya ba naman unang nakarating sa baba.
"Oh! Sa'yo na, ikaw girlfriend diba? hahahaha"
"Hahaha. We got your things prepared already. Ikaw na lang hindi, kaya maligo ka na, nak." sabi naman ni Mother dear. Saka ko lang napansin na OMG tama ba yung nakikita ko, bukod sa nakabihis sila, may dala-dala rin silang mga traveling bags. "Kasama kayo?! TALAGA BA?!" at ngiti lang ang itinugon nila saking lahat.
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fanfic***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...