Chapter 37

345 7 0
                                    

Where I am sitting right now feels so familiar -- yung taas ng upuan, yung vanity table, yung salamin na pinaligiran ng napakarami at kalalaking mga bumbilya na akala mo kinakalkal buong pagkatao mo lalo na yung mga pores mo sa mukha, yung ingay ng blower, yung usok na makikita mo galing sa buhok mo na kinukulot gami yung curler at yung mga koloreteng inilalagay sa mata, labi at buong mukha mo. Dire-diretso lang ang pag aayos sakin ng makeup artist, tatlo silang aligagang inaayusan ako ngayon.

Ngayon ang recording ng guesting namin, akala ko nga may technical rehearsal pa pero sabi ni Tito Myk hindi na daw kailangan nun dahil hindi naman LIVE (thank God!!!) at tiwala naman daw siya samin ni Adam.  Hindi ko tuloy mabitawan yung script na hawak ko ngayon at kanina ko pa siya paulit-ulit na binabasa, nakalagay na don yung mga tanong sakin pero hindi ko pa rin ma-organize yung mga sasabihin ko mamaya. Kanina ko pa gustong hanapin si Adam pero hindi pa rin nagpapakita si Tito Myk sa akin.

"Okay ka lang ba, Nak? Hingang malalim."

"Mommy, nakita mo na ba siya?"

"Anak, lumalabas labas naman ako. Pero, hindi ko pa siya nakikita. Baka nandun na rin yun sa dressing room niya."

"Ah siguro nga nandun na rin siya."

"Oo, wag ka ng mag alala masyado. Alam mo na ba yung mga isasagot mo?"

"Uhm, opo."

"Great."

Nginitian ako ni Mommy at marahan nyang hinahagod ang likuran ko, hindi ko na lang pinapahalata sakanya yung tensyon ko para hindi na rin siya magalala. Sobrang pamilyar nga sa pakiramdam kung nasan ako ngayon pero at the same time sobrang nanlalamig ako, pinagpapawisan yung kamay ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko. Ibinalik ko na lang yung atensyon ko sa papel na kanina ko pa hawak at pinilit ko pa ring i-rehearse sa utak ko yung mga sasabihin ko nang pumasok si Tito Myk sa dressing room ko.

"Nine, my darling... You look so pretty!!!" masaya niyang salubong sakin. 

"Oh, kanina mo pa ba hawak yang papel na yan? Wag ka masyadong mag focus dyan kasi sa mundo ng talk show, well sakin lang naman ano? Kadalasan hindi nasusunod yan e. Just be yourself!"

"Hindi po nasusunod?" nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya, paano na lang po ako? PAANO! Kailangan ko na talaga si Adam!

"Wag ka ngang praning, Nine. Kayang kaya mo yan, atsaka ako ang bahala sa'yo!"

"Tito Myk, kumalma lang po kayo ha."

"Hahaha! I will try my best."

"Thank you po. Uhm... nandyan na po ba si Adam?"

Pagkatanong ko nun ay biglang nagbago yung timpla ng mukha ni Tito Myk. From bungisngis to straight face na medyo nagpout pa siya bago siya magsalita.

"Ayun nga dear kaya ako pumunta ng wala sa oras dito, actually kasalukuyan nga akong inaayusan sa room ko. Natanggap naman nila yung email ko with an invitation on it at nakuha ko pa yung number ng Manager ng Kollision at siya ang contact person ko for almost a week before this taping. 

Nag-yes naman si Miss Jae the first time na nag usap kami so settled na ako dun, I sent the script and natanggap din naman nila. Expected arrival ni Adam is yesterday pa, pero til now wala pa siya. I'm trying to call Miss Jae since this morning pero wala pang sagot. I don't even know kung saang hotel nagstay si Adam." tinitigan ko lang siya through the mirror at hindi parin ako nagsalita to prompt him to continue what he's saying.

"Now, I will try to call Miss Jae ulit para kung sakaling sumagot na siya ay makausap mo rin siya. Alright, darling?"

"Okay po."

Week in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon