Ilang araw na akong walang pahinga --
Pinaka-unang beses na hindi dahil sa kung anumang projects, quizzes or exams kundi sa mga tao sa campus na walang sawang usisain yung mga nangyari sakin kahit isang buwan na halos ang nakakalipas. Hindi ko talaga alam kung saan pa sila nakaka-hugot ng mga katanungan nila sa buhay na parang nasa akin lang ang lahat ng kasagutan.
Lalo na't nalaman na nilang nai-air na sa Korea yung episodes namin ni Adam sa We're Dating. Espesyal pala yung amin kasi yun yung kauna-unahang episode sa We're Dating na International ang version tapos fangirl or fanboy pa ang magiging ka-relasyon ng bawat artista. So that means may kasunod samin na magiging couple for a week, pero from different country naman. See? Kami ang pinaka-una. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, pressure cooker feels siguro. Panigurado ring mas magiging maingat sila kasi ang naging dating kami yung pre-testing ng experiment nilang ito.
Wala pang airing sa Pilipinas syempre, although ramdam ko na rin namang nakatunog na ang media. Hindi ko nga alam kung nakalusot ba kami sa eskandalong ginawa ni Adam noon sa EK pero ang galing kasi naitago pa rin namin. Sa school lang talaga maingay e, malamang kung makatunog man sila, galing sa campus ko yun for sure. Saan pa ba? Yes, wala pang airing pero dahil naipalabas na sa Korea, nagsisilabasan na ang episodes namin with SUBs sa different free online drama websites.
Bukod dun, allowed na kami nila Iya to post pictures online like to Instagram, Twitter or Facebook lahat ng moments na gustung-gusto ko and I'm free to write whatever caption I want on it basta wag ko lang hayaang ma-spoil sila for the next episode. Wag ko rin dapat makalimutang ilagay sa lahat ng posts ko ang official hashtag ng episode namin na '#AdamAndNineDating'. (Pinalitan ng pangalan namin yung salitang "We're" sa title ng show.) At yun mga kaibigan ang kasalukuyan kong pinag-iisipan ngayon. Wala namang limit yung number of pictures na pwedeng i-post.
Sa totoo lang gusto ko ng i-post lahat sa Instagram, (sorry mas gusto ko talagang magpost don e, para siyang photo journal para sakin) yung tipong ginawa ko ng album yung feed ng mga followers ko tapos wala silang choice but to endure the endless scrolling and to come across all my posts. Hindi ko naman gagawin yun kasi hindi lang naman sa amin umiikot ang mundo. (hahaha)
Ang post ko sa first day (bukod sa mga concert pictures) syempre yung first picture namin ni Adam sa van captioned...
[ninetams: Watch this Mickey Mouse with me! Exciting week it will be ☺❤ I'm so honored and no words can express how I'm feeling right now. #Sunday #PostConcertMiracle #KOLLISIONWorldTour2014 #MickeyMouse #fairytalesinreallife #AdamAndNineDating]
Tapos nung Lunes dahil hindi nga kami nagkita, nagpost na lang ako ng screen shot ng conversation namin nung Monday morning,
[ninetams: When bae sends you his picture first thing in the morning. Di man tayo nakapagkita 😞 mas cute ka pa rin sa pandesal! ❤❤❤ #Monday #BusyBae #AdamAndNineDating #LINE #morninggoals]
..., and another teaser for Tuesday which is a short clip of video (15 seconds!!!) of Adam singing Lucky nung nagkaraoke kami sa Timezone.
[ninetams: Yie! I consider myself more than "Lucky" because I'm beyond blessed! YAAAAAY. See you on Tuesday, my personal karaoke machine 😉🎤 #Tuesday #InternationalSingeronKaraoke 😂 #staytuned #Lucky #JasonAndColbie #AdamAndNineDating]
Actually, gusto ko sanang magpasalamat ulit dun sa pag tawag niya kasi panalo talaga yun kaya lang di nila pinakita yun nung Episode ng Monday e. Hindi ko alam kung bakit, di ba nila naisip na pampagaan loob din yun? Gusto ko man i-share feeling ko bawal, cut sya e. Hay. Ilang precious moments pa kaya ang ika-cut nila?
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fanfiction***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...