Sobrang nakakatamad lang pumasok ngayon kasi isa lang naman yung subject namin tapos mas lalong nakakatamad kasi nasa alanganing oras at araw siya. Kawawa naman ang subject na 'to. FYI lang ha, hindi ako ang pumili ng schedule ko this semester. Yung school namin ang boss ng napakaganda naming schedule ngayon. Sana isiniksik na lang 'tong subject na 'to sa Thursday para lagi kaming long weekend e, di talaga swak e.
Ang pinaka-nakakainis pa minsan, yung nag hintay ka tapos hindi pala darating si prof. Sana man lang nagpasabi siya ahead of time para hindi sayang yung pag pasok namin. (Sorry ha, ang bungad ko ay pagrereklamo agad) Buti na lang busy ako sa pagkalikot ng smartphone ko netong mga nakaraang linggo, mas dumami na pala ang likes and comments. Marami na ring nagfa-follow sa Instagram, Twitter at Facebook ko, ngayon ginagawa ko talaga ang makakaya ko para masagot lahat sila. Ganito pala yung feeling na nasayo lahat yung atensyon no. Sa dami ng comments, yung iba hindi ko alam ang isasagot kasi iba yung lenggwahe. Tapos, dumagdag na rin yung mga fan accounts na nagpo-post about us.
Ganun din sa feedback ng tao. Kung nung una, puro magaganda ngayon meron na ring hindi magaganda,
krabbypatts: Y did they choose Philippines as the first country for this special episode?
dtango: its obvous adam dont like d girl they picked :|
k-allen: careless girl, y let adam out of the wheel without his disguise on! ><
farawayne: hahaha naive girl doesnt know what a condo looks like.
bililyly: @farawayne I think it's her first time lmfaooooo
farawayne: @bililyly hahaha sucks right. typical drama
bililyly: @farawayne plain and cliche people in earth lol
adamlovessarah: shes trying hard! trying to be cute in front of my adam! adam doesn't like you, cant u see?!
cali_peyns: shut up u bashers! mind ur business if u r just to jealous!
k-starry: Adam deserves more!
Paano nila nasabi yun? Sila ba ang nasa pwesto ko nung nakaraang linggo na yun? Sila ba ang pinakisamahan ni Adam? Atsaka ano naman kung first time ko lang diba? Kasalanan ba yun? Eh hindi ko talaga alam e! Yung iba kasi Korean yung nagko-comment e, inaassume ko na lang na maganda yung comments sa mga emoji/emoticons na ginagamit nila in their comments. Medyo nakakatulong din yung translation at sadly may mga negative comments rin, yung iba galing talaga sa fans ng Kollision, imbes na suportahan yung idol nila e ganyan pa ang inaasta!
Pati rin dito sa school, di rin ako nakalusot sa mga sarcastic and unpleasant remarks ng ilang tao. Kesho, ang yabang ko na daw e hindi naman daw pala totoo yung relasyon namin ni Adam, na binigyan lang pala ako ng pagkakataon pero fake yung relationship namin. Bat hindi ko man lang daw sinabi yun nung pinagkakaguluhan ako. Hello? Bawal nga ako magsalita diba, walang information na dapat maibigay sa mga tao. Hay.
Tapos nakakatawa yung ilan, kasi yung mga taong hindi mo naman talaga kilala at di ka kilala ngayon nagugulat ako kasi ang dami na nilang kumakausap sakin, instant bestfriend ba. Minsan nga nakukuha pang magselos nila Iya, akala ng mga loka-loka pinagpalit ko na daw sila. Hahaha! Alangan naman dedmahin ko diba? Syempre ayaw ko namang magsuplada at magpakita ng hindi magandang attitude sakanila dahil si Adam nga hindi ganun e, ako pa kaya?
"Hi Nine!"
Nawala ako sa train of thoughts ko nang may bumati sakin sa bintana, oo nga pala dito ako nakaupo sa may window side kaya nakikita ko lahat ng tao na dumadaan sa hallway at wala pa rin yung professor namin.
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fanfiction***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...