Around 8PM na ako nakauwi at pumunta na agad ako sa kwarto pagkatapos kung kumain, nadatnan kong walang tao sa bahay dahil my Daddy take my Mommy out for a dinner. Buti pa sila, nakapag-date. Haaaaaaaaaaaaaaaay, sobrang nakakapagod ang araw na 'to. Pinagpahinga ko na rin si Emma dahil mahaba rin kaming naghintay sa studio.
Nagpapaantok na lang ako habang kinakalikot yung phone ko nang pumasok si Mommy sa kwarto ko, hindi ko man lang namalayan na dumating na pala sila.
"Oh, anak... Bat gising ka pa?" tinignan ko yung oras at pasado alas-onse na pala. Aba, ang tagal naman ng date nila?
"Ngayon lang kayo natapos kumain? Ang tagal ah." pang aasar ko.
"Syempre naman, kelangan nginunguya ang bawat butil ng bigas. Sayang yun. Hehe."
"Mommy talaga..."
"Di mo naman sinagot yung tanong ko e. Bat gising ka pa, anong oras na o. Kamusta kayo ni Adam kanina, nagusutuhan niya ba yung luto mo?"
"Ahh.." at dahil wala naman akong maisip na dahilan, "Heheh.. Wala lang naman, Mi. Nagpapaantok na nga ako eh. Atsaka, busy si Adam e. Kanina ko pa hindi ma-contact."
"Ibig mong sabihin, hindi kayo nakapagkita today?" hindi na ako sumagot ng verbal, tumango na lang ako ng marahan bilang pag sang-ayon dun sa hinuha niya. Ilang segundo rin na walang nagsalita samin nang ngumiti ng bahagya si Mommy sakin.
"Okay lang yun, Nak. Ganyan talaga, I know it's hard to understand but I believe Adam has reasons."
Anyway, obvious naman diba? Hindi kami nakapag-kita ni Adam. At ano ba talagang rason kung bakit gising pa ako? It's because I'm really disappointed, know why?
*flashback*
6PM
"Miss... Miss... Bawal matulog dito."
"Si ano— sskdhlfjflkjkhj..."
"Ano? Gumising ka na dyan! Nakakahiya sa mga dumadaan, sino bang inaantay mo? Kanina ka pa dito, gabi na."
"Si Ada— aksjskaldjklfjlkfdj"
"Miss! Gising!"
"What?!" napabalikwas naman ako sa tindi ng yugyog sakin ni Manong Guard, di pa din nakakabalik si Emma paggising ko, nasan na ba yun?
MANONG GUARD? Bakit? Anong nagawa kong kasalanan?! Hindi naman ako makatingin sa kanya sa ayos kong ito, kaya naman siya na lang ang nagsalita ulit.
"Hay salamat, nagising ka na rin! Kanina ka pang tanghali dito. Sino bang inaantay mo?"
Bakit, anong oras na ba?
"Grabe 'tong mga fans na 'to. Balak atang mag-antay buong magdamag. Ibang klase na talaga ang henerasyon ngayon." pabulong naman na sabi ni Manong Guard na as if hindi ko marinig.
"Anong oras na po ba?" kamot ulo ko namang tanong, panindigan na natin ang kahihiyang ito!
"Alas-otso na hija, baka may balak ka naman nang umuwi. At kung sino man yang inaantay mo, malamang sobrang hapit ng schedule niyan. Hindi ka na mabibigyan ng oras nun."
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fanfiction***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...