Chapter 36

317 8 0
                                    

Isang napaka-gandang araw ang bumungad sakin lalo na't may pasok naman ako ngayon sa Starbucks na pinag aaplyan ko noon. Pinagpatuloy kong pumasok sa trabahong pinasukan ko noon para makabili ng VIP ticket ko sa concert na Adam na sinagot naman agad ni Melissa, pang-birthday niya dapat yun e. Napag isipan kong ituloy pa rin ang trabahon ito sa tatlong rason,

Una, syempre para makabayad ako kay Melissa, magkaibigan man kami non na halos magkapatid na nga, utang is utang. Hindi biro yung binigay niya, to think para pa yun sa mas mahalagang okasyon! Hindi mo na mauulit ang panahon na mag debut ka, lalo na kung sa ibang bansa ka magse-celebrate. Pero pag sinasabi at ipinipilit ko yung katwirang yun sakanya, nababatukan niya na lang ako. Masaya mangutang sa babaeng yun, dun kayo lalapit pag nangangailangan kayo ng pinansyal na tulong ah? Nililista niya lang sa tubig.

Pangalawa, may pinag iipunan kaming magkakaibigan. Hindi pa kami sigurado kung para saan e. Siguro sa pagtravel some time next year or next next year kasi hindi naman biro bumyahe. Pero kamusta naman, goodluck sa pag iipon malapit na rin ako mag end of contract.

At pangatlo, speaking of contract, hindi naman ako balahura na iiwan nalang yung trabaho ko ng basta-basta. Sa katunayan hindi nga ako nakapagpaalam e, kaya nung unang balik ko dito inaasahan ko ng wala na akong trabahong madadatnan. Pero dahil nga sa nangyari samin ni Adam sa loob ng isang linggo, pinalampas nila yung AWOL ko for a moment at eto isa rin sila sa mga nangungulit sakin sa mga nangyari. Sobrang proud sa akin yung mga ka-trabaho ko, todo fangirl at fanboy din sila. Nakaka-touch nga dahil binigyan talaga ako ng malaking pabor ng boss ko. Alam niya rin kasi yung pinaka-dahilan kung bakit ako nagpart time job sa kanila, kaya bilang kapalit man lang tatapusin ko yung 6 months contract ko dito and this is the last month of my employment.

"Hi Ate Nine! Ikaw ulit ang kahera, yes naman! Tama lang pala ang timing ko."

"Hello! Welcome to Starbucks, what would you like to order?"

"Isang tall Java Chip and sausage roll please!"

"For dine-in or take-out?"

"Dine-in!"

"For the sausage roll, do you want it to be reheated?"

"Yes please."

"Is there anything else, Ma'am?"

"Wala na po."

"I will just repeat your order: 1 tall Java Chip and 1 sausage roll for dine-in."

"Yes."

"Alright, that would be 230 pesos in total."

"Here you go."

"I receive 500 pesos. Here's your change."

"Thank you po."

"Pwede po bang magpapicture?"

"Ahm, okay."

*takes selfie*

"Thank you talaga!"

"You're welcome. Enjoy your meal!"

Si Iya ang isa sa mga barista ngayon at kalilipat ko lang sa cashier post. Medyo magulo these days sa Starbucks, lalo naman yung buhay ko dito sa cashier post kasi maya't maya may mga kabataang kada bili ng inumin nila ay nagrerequest ng papicture. Simula nung insidente sa paggrocery ko, marami na ang natambay dito sa coffee shop, may mga nakaabang rin lagi sa labas every end of shift ko tapos lahat sila binabati ako. Maski ako nahihiya talagang ikwento sainyo, kung pwede lang wag ng banggitin kasi ang yabang lang sa paningin ng kahit sinumang magbabasa. Medyo nakakahiya kasi, siguro kasi inaantabayanan nilang anytime lalabas si Adam, o susunduin ako ni Adam lalo na kapag nakikita nila yung paghatid-sundo sakin ng kotse na humatak rin samin nung nakaraan. Kaya pala pinagkaguluhan nila ako nung araw na yun, akala nila kasama ko si Adam at wala silang pake kahit may mistulang nang-kidnap samin na itim na sasakyan kasi akala ulit nila na nandon si Adam. Hindi naman sila masyadong adik kay Adam Yoon, ano?

Week in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon