2 weeks after...
"Goodmor-neng, Nine. Aba, artista ka na talaga ah. Nasan na yung boy-pren mong artista?" bungad agad sakin ni Kuya Manong Guard. De, si Kuya Dave yan. Echusera talaga, first day na first day ng school year, ayan ang intriga saken.
"Goodmor-NENG din, Koya Dave. Hindi ako artista, mukha lang. Wala din akong boy-pren. Echusera ka, imbes na 'Enjoy your first day of school' ibati saken. Nako ka talaga."
"Hahaha. Hinahanda lang naman kita. Mukhang hindi lang ako ang naiintriga sayo."
Hindi nga naman siya nagkamali dahil pagka-swipe ko ng ID ko, may nakaabang saken na mga estudyante na nasa sampu siguro at sinalubong nila ako ng mga nakabungisngis nilang mukha, may isang malaking tarpaulin silang hawak at sabay-sabay silang naghuhumiyaw ng...
"HAPPY FIRST DAY OF SCHOOL ATE NINE!!! from your first ever official fansclub, (hashtag!) #TeamAdamine!!!" na iyon din mismo ang nakasulat don sa tarpaulin na may edited picture namin ni Adam na parang magkasama kami sa iisang picture.
One word? Nakakaloka.
"Hello po, Ate Nine!!!"
"Nine! Remember me? Ako lagi yung nakakasabay mo sa jeep pagpasok last, last, last Sem! Grabe, look at you now!"
"Hindi naman tayo masyadong lucky, no? Dito lang naman sa University natin nagaaral ang girlfriend ng isang napakasikat na Korean idol!"
"Eh ano pa kaming mga mass communication students diba? I represent! Hello, ka-major lang naman namin si Nine. I can't wait to be friends with you girl inside the class!"
"Sana po mabigyan nyo kami ng panahon na makakwentuhan syempre about sainyong dalawa ni Adam kahit di ka po namin ka-major. Nakakaexcite!!!"
"At bilang isang fansclub. Nangangako kaming pagiingatan namin ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ng aming minamahal na si Adam! Wag ka papasindak sa mga inggitera, andito kami Ate Nine!"
"Here's your flower! Welcome ulit!" inabot ko yung bouquet of flower na lubos kong ikina-surprise sa lahat ng ginawa nila. Nakangiti parin sila saken na hudyat upang ako naman ang magsalita.
"ahmmm. Hello guys, thank you so much for this. *tingin sa flowers* Ahmm. Ano ba.. haha. *kamot sa batok* Wala akong masabi. You don't have to do this but I'll do my best para makwentuhan kayo. See you around." ngumiti ako one last time at naglakad na pabilis. Naananigan ko naman yung pagtitili na akala mo kinikiliti na parang si Adam lang yung nakausap nila. Hay.
Nakailang ikot at akyat rin ako sa paghahanap ng klase ko. Buti na lang malaki-laki tong university ko dahil kumpyansa ako na marami rin namang walang pake kung sino ako nung nakaraang mga linggo.
Pagpasok ko sa room, may iilang estudyante na pero di ko sila masyadong close kaya umupo na lang ako sa may bandang likuran nang dumating na rin si Nicole. Babatiin ko na sana sya pero napansin ko ang lukot nyang mukha na nakatitig saken habang papalapit sya. Bilang tugon ay tinaasan ko siya ng kilay, haler? Ano na naman nagawa ko?
"Ikaw na babae ka, hindi dahil friend kita hahayaan ko na lang na makuha mo ang lahat..." hindi nagbago ang pagtaas ng kilay ko sakanya kasi di ko pa rin sya magets.
"Hindi mo lang siya boyfriend, leading man mo pa siya. *IYAK* BAT GANON?! Sumusobra ka na ahh! Hindi mo man lang nasabe yun samen! Mesheket!" sabay punas ng pagkukunwari nyang luha sa mata at nagiinarte na parang bulate sa harapan ko.
"Baluga ka. Akala ko naman kung ano. Pwde ba umayos ka?!"
"Nasan ang equality? Justice please!"
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fanfiction***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...