Chapter 38

416 10 0
                                    

"Hindi ko na papatagalin, Nine. Diretsuhang tanong, randomly picked ka lang ba talaga ng show o planado niyo na talaga ito a year ago pa?"

Pagkabitaw ng unang tanong ni Tito Myk ay nanahimik ang buong studio. Isang tilang nakabibinging katahimikan ang ibinigay ng mga tao upang marinig nilang maigi ang mga pinakaantay nilang kasagutan. Hindi ko alam kung nagkaproblema na ba ang aking paningin dahil parang bigla akong nasilaw sa mga ilaw na nakatapat sa amin.

"Kung ano po yung nakita niyo sa show, yun lang talaga at wala nang ibang nangyari. I don't have any idea with it, ni-wala nga sa hinagap ko na mangyayari yun sa buong buhay ko."

"I know you've heard this questions a lot of times already, but how did you feel?"

"Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang tamang sagot para sa tanong na yan. Pero isa lang talaga ang hindi nagbabago, parang panaginip pa rin ang lahat lalo na sa isang fangirl na tulad ko. Hindi siya kapani-paniwala."

"Halata nga, tignan mo nalang kung paano mo lang siya hinawakan sa mga pisngi dito o! Just to prove that he's real." sabay pakita nung snap ng video namin nun sa van. Nanlaki yung mata ko, alam ko namang ipapakita pa rin siya. Pero nung andun na mismo, nakaramdam pa rin ako ng sobrang hiya. Hindi rin nakatakas yun sa hiyawan ng mga tao na parang unang beses lang nila nakita.

"Yes and I'm bad at acting kaya obvious talagang I'm clueless na aayain niya akong kumain sa labas at maging boyfriend siya for a week."

"Don't you know how you two look so cute together? Napansin ko lang ano? Sobrang carefree mo, hesitant si Adam at first pero kalaunan naging komportable na kayo sa isa't isa which was really great. How was Adam as a boyfriend?"

"Surprisingly for a busy person like him, he knows how to take good care of someone he values. Partida, hindi naman totoo yung relationship. Hindi nga siya naniniwala everytime na sinasabi ko yun sakanya."

"Talaga? Bakit daw?"

"Hindi ko nga alam sakanya, basta lagi niya akong kino-kontra. Lagi rin siyang nagso-sorry."

"So sensitive our Adam is, don't you think?"

"Siguro nga po, ganon lang talaga siya. Gusto niya lang yung the best."

"Meron ka bang pwedeng i-share na trivial facts about Adam Yoon?"

"Si Adam ay hindi nagti-tsinelas sa loob ng kanyang bahay." agad kong nasagot yung tanong niya at yun pa ang lumabas sa bibig ko kaya naman napatawa ko yung audience.

"Hahahah! Hay, Nine. Even the little things, huh?"

"Heheh.  Opo, mahilig lang mag-socks yun. Tapos, napaka-competitve non kahit charades lang ang laro...

Hindi marunong sa kusina yun, alam niyo naman na yung anecdote niya sa kusina diba? Hahaha.

For a guy like him, malinis yun sa bahay.

Mahilig rin magwindow shopping yun.

He likes to serve other people as well.

May witty side si Adam.

For the past week that I've been with him, I've seen the ordinary and normal him too. Minsan naiisip ko, hindi siya kasing perfect na Adam na nilikha ko sa isip ko. But that doesn't make him any less of an idol.

Mascots amuse him. He likes amusement parks.

Carefree din yun si Adam, basta pag gusto niyang gawin... gagawin niya.

Week in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon