Chapter 17: THURSDAY

446 8 0
                                    

[Park Hyatt Seoul]

Uhhhhhh...

*yaaaaaaawwwwwwnnnnn *

*gulong-gulong*

Ang lambot-lambot naman nung kama ko hmmmmmm pati yung unan. Shocks bat parang ang dami kong unan hmmmm 1, 2, 3, 4 *kapa kapa* meron pa don! LIMA? Hmmmm sa sobrang lambot lumulubog na yung mukha ko pati yung mga braso at legs ko na nakapulupot sa mga unan this is life

*gulong sa kanan*

Oh my goodness... kurtina ba yun? Bakit parang long gown sa haba? May long gown ako? teka, eh hindi naman naka-hanger yan eh. so kurtina siya guys, eh bat ganun kahaba? Sa pagkakaalam ko, maliit lang bintana ko sa kwarto, OA naman yung kurtina, tumangkad? Ayos to ah, instant renovation.

*unaaaaaaaaaaaaaat*

"HAAAAAY GOOD MORNING WORLD!!!" tuluyan na akong bumangon at iniunat ng bongga ang aking mga braso. At ngayong dilat na dilat ako ay lalo akong nagulat sa natunghayan sa aking kwarto. . . "WAAAAAH NASAANG PALASYO AKO?!" pinagtatampal ko ng aking kamay ang magkabila kong pisngi kasi para talaga akong nananaginip. Sobrang gandang RENOVATION na naganap sa kwarto ko! Parang HOTEL!

Kaagad kong hinagilap ang aking cellphone at nakita ko ito sa bago kong bedside table, bago ko pa man to makuha ay nahagip ng mga mata ko ang kalendaryo na katabi neto, yung day maliban sa date ay in KOREAN LETTERS.

Shocks, don't tell me? ANYARE? Biglang bumalik sakin yung mga pangyayari last night before. . . I passed out! Yes, I passed out, right? Oh my gosh, nakakahiya kila Adam yung reaksyon ko! Speaking, nasan siya?! Napabalikwas ako sa kamang magandang yun at kailangan ko talaga siyang makita para makapagpaliwanag man lang. Lalo lang naman akong napanganga pagkalabas ko kasi sobrang ganda ng kinalalagyan ko ngayon. Nasan ba ako? Hotel ba 'to? Bahay niya ba 'to? Sinong magaling na Engineer at Architect ang gumawa neto? Mahahalikan ko talaga yun, sobrang GOOD JOB ka sakin!

Pero nawala lahat ng mga lumulutang na katanungan sa aking isipan nang makita kong papalabas sa isa sa mga kwarto yung taong hinahanap ko. Pagkasara niya ng pintuan ay nagkatama na agad ang aming mga mata, at dahil don ay lumakad siya ng mabilis papalapit sa akin, "Hey, how are you feeling? The doctor said you fainted out of exhaustion. You should've just stayed in your bed and called me through the intercom."

"WHAT? Tumawag ka pa ng doktor?! Eh? I'm fine. Uh, it's just... Forget about it, okay?

"I bet your system hates surprises."

"I was just... Uhmmm, overwhelmed?"

"Are you sure? You don't need any medicines?"

"YES SIR, it's just my body's ernatural reaction."

"Natural reaction?"

"Yes, I know it's weird so just calm down and trust me. I'm perfectly fine."

"So can you go out today?"

"Oo naman!"

"Are you really sure, Nine?"

"Hala, si Adam. Nagaalala much?! Oo ngaaaaa." pinandilatan ko siya ng mata pero tinitigan niya lang ako as a response. Mukhang di pa rin kumbinsido ang loko.

"What? What do you want me to do? To prove that I'm fine? You want me to dance? WWWWOOOOHHHHH!!!!" umiikot-ikot ako at nagsasayaw kahit mukha akong ewan.

"WWWWWOOOOOOOOHHHH!!!!! OHHJ YEAAAAH UHUH!!!! YEAAAHHHH!!!! WOOOOOOOOOHHHHH!!!!! "

"Okay... Okay! Haha. Alright already. Baka mahilo ka pa ulit nyan!" sabay awat sakin ni Adam habang natatawa sa ginawa ko.

Week in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon