"Girl! Isama mo nalang dito si Adam sa likod ng pick-up." pagkatapos naming kumain ay agad na kaming nagsi-ayos ng mga gamit namin at dumiretso na sa mga sasakyan para makaalis na agad, bawat minuto ay mahalaga sa pagkakataon na 'to.
"Oo nga! Hindi pa sapat yung moment namin kanina kasama siya! Hindi naman sobrang mainit dito oh, mas mainam ang atmosphere. Puro na lang siya aircon!" sabi naman ni Nicole habang nagsusuot na ng shades at nagpayong. Huh, hindi daw sobra kung makapagtago lang sa payong?
"I'm afraid we can't do that, girls. Kahit pa malayo sa syudad ang Bacolod hindi pa rin natin masisiguro na walang makakakilala kay Adam. Mabuti na yung maingat." hindi ko rin alam kung bakit ako na ang nagiging overprotective ngayon. Wala eh, nag-iba ang ihip ng hangin. Gustuhin ko mang samahan si Adam sa loob, mas pinili ko ng sumakay dito sa may pick up. Sobra ko rin 'tong namiss.
"Alam mo, hindi pa talaga kita nauupuan eh." - Iya
"Korek! Kamusta ka naman girl? Bago man lang kami maunahan ng media na usisain kung ano ang nararamdaman mo sa mga panahon ngayon." - Nicole
"Oo, kasi alam mo ba ilang araw nang nasa palaisipan ko kung ano ang pakiramdam na meron kang boyfriend na artista?" - Melissa
"Bukod sa nakakaproud at nakakahaba ng buhok ng bongga. Ano ba?" - Iya
Paano ako sasagot kung pinapaulanan na agad ako ng tanong ng mga 'to. Anyway, buti na lang nakakatuwang pagmasdan yung mga mukha nilang totoo namang naku-curious sa kung anong nararamdaman ko ngayon. Ang totoo?
"Si Adam ay isang napaka-hardworking na tao pero hindi niya nakakaligtaang bigyan ng panahon yung mga taong mahalaga sakanya. Marami namang pwedeng paraan para lang pasimplehin 'tong isang linggong 'to eh. Ni hindi nga kasama sa napagusapan namin ang out of the country at out of town."
"Tamang ilawaran si Adam. Sabi namin yung nararamdaman mo eh." pagpout naman ni Nicole sakin. Hayy, oo nga no. Haha.
"I feel important. Kasi he's doing everything just to make this memorable for me. Pwede namang kumain na lang sa isang five-star hotel eh. Magtago dun para hindi na siya mahirapang magdisguise. Ewan ko, ganun si Adam eh. Depende siguro sa personality nung artista na makakarelasyon mo."
"Pero ewan ko lang din ha, not to burst your bubble pero hindi naman mapapatunayan ng isang linggo ang tunay na pagkatao ng isang tao." - Melissa
"Oo nga, kasi malamang nasa harap kayo ng TV at binabayaran siya sa trabahong ito kaya kelangan niya talagang ibigay ang lahat ng positive images niya." - Iya
Alam ko naman yun. Naisip ko na rin lahat ng yun. Pero ipagtatanggol ko pa rin si Adam no! Nakikita ko naman talaga yung sincerity niya kahit pa yung iba palabas lang.
"Since 2008 ko nang hinahangaan yang si Adam, kahit papaano naman, kilala ko na siya. Eh kung pakitang tao lang talaga yung ginawa nya sa buong linggo, siya na bahala don, ang mahalaga ipinakita ko sa TV at sakanya kung sino lang talaga ako."
"Sabagay, excited na akong mapanood 'to!!!" - Iya
"Artista na kame ^____^" - Nicole
"Korek ka dyan. Hahahah. Ano pala plano mo kapag natapos na 'to?" - Melissa
"Hahahaha... Edi move on with my life! Kung tutuusin, sobrang blessing na nga 'tong natatamo ko eh. Ano pa ba mahihiling ko? Atsaka, imposible mangyari kung ano man yang mga naiisip niyo ngayon. Beyond limits na yan haha."
"Defensive. Wala naman kaming sinasabi. *evil grin*"
**
BINABASA MO ANG
Week in a Lifetime Chance
Fanfiction***The #Wattys2015 winner for the Hidden Gem Award*** Geranine Tamonyera a.k.a "Nine", 100% cotton− in short, ordinaryo at simpleng tao na mahal na mahal si Lord, estudyanteng nagsusunog ng kilay sa pag-aaral para maabot ang kanyang mga mala-bituin...