Chapter 12: TUESDAY

522 7 0
                                    


Pagkagising ko ay isang note ang sumalubong sa akin sa may kusina.

[Honey, alis muna kami ng Daddy mo. Magvo-volunteer kami for Marriage seminar sa church. Ikaw na bahala sa lunch mo ha. Call Iya or Adam. Hehehe, speaking of Adam. Enjoy kayo today. I love you, mwah! :*]

Nice, sakto lang, lunchtime na rin ako nagising. Ayoko ng sirain yung mood ko, kasi alam niyo ba yun? Walang text si Adam this morning. Kaya minsan ayaw ko talagang magboyfriend, ang daming expec--

OMAYGULAY! Sobrang saya ko lang ng makita kung sino ang taong nasa pintuan namin ngayon. si IYA! Namiss ko 'tong babaeng 'to, pakiramdam ko ang tagal na naming hindi nagkita!

"Bbbbbbbbbbbbbbbbbbbi!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! I miss you!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"I misssssssssssssssssssssssssss you more!!!" pagkatapos ng mahigpit naming bouncy hug with each other ay marahas niya akong iniharap sakanya at,

"IKAW NA ME BOYFRIEND" kung alam niyo lang kung gaano lumaki yung mata ni Iya! Akala ko naman kung ano!

"NEMEN! IKAW NA ME BESTFRIEND NA ANG BOYFRIEND AY ARTISTA." paga-agree ko naman sakanya.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" tili naming dalawa, bumitiw na kami sa isa't isa at nagumpisa ng kumilos sa kusina para magprepare ng kakainin namin.

Habang nagaayos na ng hapag-kainan si Iya ay bigla naman siyang nagmaktol sa akin, "Anubey! You're giving us a hard time!"

"Ha, bakit?"

"Alam mo yung pakiramdam na may 500 plus pictures ka with Adam Yoon tapos dalawa lang ang pwede mong i-upload sa Facebook?! HINDI PWEDE YON."

Hindi ko naman alam ang isasagot ko sakanya kasi tama siya dun. Ang hirap kaya! Alam mo yung super proud ka abot langit tapos ni-isa wala kang pwedeng ilagay sa Instagram? Ano yun puro throwback nalang?!

Mukhang hindi maganda yung dating nung throwback sa akin. Nine! Naguumpisa pa lang oh, wag madiscourage, malayo pa ang byahe niyo ni Adam! "Bbi, tiis lang oh. For me? Anim na araw na lang naman eh."

"Joke lang, Bes! Cheer up na. Hindi 'lang' kundi, 'pa'. Anim na araw PA! Think positive." napansin siguro ni Iya yung biglang paglungkot ng mukha ko. Shut up, Nine. Hohoh.

Ayun na nga, sinabayan na akong maglunch ni Iya. Tapos kinwento ko sakanya lahat, simula nung nagdinner dito si Adam hanggang dun sa apology call niya kagabi. Nakatulong naman sakin yun kasi nakalimutan ko yung "expectation" na sinasabi ko sainyo kanina. Hindi pa kasi nagte-text.

Ahahaha so ang weird nga pala ng response ni Iya, hagulgol kaya siya. Ano 'to? Pelikula lang? Well, sort of :P

Tuluy-tuloy lang yung conversation namin habang naghuhugas ako ng plato tapos si Iya naman ang nagpupunas ng placemats at table nang may sumulpot, ayon kay Bes, na tao sa pintuan namin.

"Uh, Nine, may bisita ata kayo."

Paglingon ko naman para tignan kung sino yung tinutukoy ni Iya eh wala na akong nasabi kundi purihin ang kanyang ginawa, "Wow... You're good!" napakunot tuloy ng noo sakin si Iya at dun sa taong nasa may pintuan, kasi wala parin siyang kaide-ideya kung sino yun.

"You think so?" sabay tanggal niya ng shades at hood niya.

"ADAAAAAA-"

"IYAAAAAAAAAAA NO!" halos makabasag na ako ng pinggan para lang habulin yung bunganga ni Iya para takpan ito, bago niya pa maisigaw ang pangalan ng gate crasher namin.

Well, sino pa nga ba? Edi si Adam Yoon

"BES may saljslkhjflkgjf-"

"Yes, I think you've heard her. She didn't, in any way, recognized you." pagngiti ko naman ng matamis kay Adam, to really convinced him na effective yung disguise niya. Bukod sa shades at hoodie, tan ang kulay ng mukha niya..

"Uh, I think you can let her go, she might swallow up some soap buds..." saka ko lang naalala si Iya na nagpupumiglas na pala sakin.

"Ay sorry, bbi! Di ko sinasadya, ikaw kasi eh! Oh eto oh, punas ka dali!" inabot ko sakanya yung tissue at nagpunas na rin ako sa apron ko. Shemay, nakakahiya, halata bang starstrucked na naman ako sakanya?!

At dahil hindi ko na rin naman alam kung ano pang pwedeng sabihin, pinaupo ko na muna siya at nagpaalam na tatapusin ko muna yung paghugas ng pinggan. Tumango naman siya, tapos nag-offer na rin ako ng drinks or any snacks, juice lang naman ang hiningi niya.

"I'll just go there then will prep right after, you may take off your hoodie because it's hot."

"I'm fine."

"Just wait here, thanks"


Pagbalik ko naman sa kusina, spotless na ito. Si Iya nowhere to be seen, kaya umakyat na ako sa kwarto at nadatnan ko siya don, gumugulong. As in literal.

"I don't want to be a party pooper here so I gotta go girl! Kaya mo yan! UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!"

"Uy! Wag mo akong iwan!" lumabas na siya ng kwarto, lumapit kay Adam at yumakap siya dito ng bahagya.

"Adam, please take care of Nine. Byeeeee!"

"Salamat sa tulong!!!" pahabol ko namang sigaw kay Bes nung umalis na siya.


Pababa na ako ng hagdan nang madatnan siyang inaayos ang sarili sa harap ng salamin lalo na yung mga props niya for disguise

"Let's go?"

And that gave me an idea again. Alam ko naman na eh, yung mga do's and dont's yung mga possible na pwedeng mangyari kapag pinairal ko yung tigas ng ulo ko kaso sa tuwing may ganitong nangyayari, I can't help but go the other way around. Kasi naman as much as possible (uulitin ko lang ulit), ayaw kong maging scripted ang lahat. Malay niyo, hindi lang talaga ako naka-chamba kahapon pero baka ngayon maka-jackpot, diba?!

"Adam..." ngumiti ako sakanya.

"Yes?"

Tumingkayad ako ng bahagya at inilapit ko ang tenga niya sakin, saka ako bumulong ng "... I know the best place to go."

"Nine, we've already talked about this, right?"

"Uhm, yes..."

"So if it's okay with you, let's just comply with it?" medyo may urge akong magtampo pero ayaw ko patalo, pakiramdam ko pwede ko pa 'tong i-push.

"Uhm, but this one's better than the script."

"But we really have to obey hyung. They will get worried." napansin ko namang sumeryoso yung mukha niya. Eeeeeeh, Adam hindi mo ako madadaan sa ganyan.

"What do you think?"

Babawiin ko na sana yung desisyon ko nang iba naman ang lumabas sa bibig ko.

"Trust me." hindi ko na siya inantay pang mag response dahil hinatak ko na siya papalabas ng bahay. 

Week in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon