Chapter 39

392 9 0
                                    

5 years later...



[Changi International Airport]

Nakarating na rin kami sa airport an hour before our flight or rather earlier dahil ayaw ko rin namang ma-late. Napakabait naman ni Ate Pia, pinsan ni Nicole, dahil hinatid kami dito sa airport. Nagta-trabaho siya Singapore. Bago kami pumunta sa boarding area ay kumain muna kami at pinasyalan ko na rin ang airport ng Singapore habang naghihintay. Natuwa rin ako dahil kahit papaano ay nakapamasyal pa rin kami dahil ipinilit ko talagang makagala pa rin kahit alam kong sobrang hectic ng schedule ko.

"Oh, mag iingat kayo pauwi ha. I hope you enjoy your stay here in Singapore." sabi ni Ate Pia.

"Thank you so much po for accommodating us." sabi ko naman, kahit may hotel kami at kung tutuusin meron namang available na tour guide na kasama sa package mas pinili ko na sila na lang kasama para pwedeng umuwi kahit madaling araw na -- yun bang walang limitation.

"Wala yun, minsan lang naman at eto na lang din ang maibibigay namin sainyo. Paki-kamusta na lang ako kay Nicole, ha? Paki sabi na rin na sila naman ang bumisita sa susunod." may halong paghihinakit ang tono ng boses ni Ate Pia pagkakasabi non. Nabanggit nga rin sakin ni Nicole na matagal na silang hindi nagkikita. Kaya siguro hindi maiwasan ni Ate Pia na magtampo. Nagkapamilya na siya doon, hindi pa rin sila nagkikita ng pinsan niya.

"Sige po, makakarating!"

"Ingat kayo. Gerald, ayusin mo ha? Dapat pag balik niyo o pag uwi ko sa Pinas... Hmmm... Alam na?" hindi ko tuloy napigilang magtaka sa sinabi ni Ate Pia kay Gerald. Kakaloka? May hindi ba ako nalalaman? Parang meron silang inside joke tapos naiwan lang akong nakanganga don.

At si Gerald ay wala namang kibo. Ngumiti lang siya ng bahagya.

"Oyyy? Ano yun? May hindi ba ako nalalaman? Kayo ha!"

"Wala Nine, usapang... ano nga bang klaseng usapan yon. Hahaha. Basta! Alam na ni Gerald yan, diba Gerald? Ingatan mo si Nine ha."

"Sige po, salamat ulit." sabi naman ni Gerald. Tuluyan na kaming pumasok sa boarding area, hindi ko inialis ang tingin ko kay Ate Pia at tuluy-tuloy lang akong kumakaway sakaniya bilang pagpapaalam.

"Bye po!!! See you soon again!!!" 

"Bye Nine! Bye Gerald!"

Nakaupo na kami kaya naman kinuha ko na yung pagkakataon para kulitin si Gerald dun sa 'inside joke' nila ni Ate Pia.

"Wala nga lang kasi yun. Ikaw talaga, ang chismosa mo."

"Hello?! Mag usap daw kaya sa harapan ko diba, di mo man lang ako binigyan ng memo!"

"Hahahah. Ewan ko sayo, Nine. Wag ka na magtampo, gagawa rin tyo ng joke natin."

"Anong nagtatampo ka dyan? Hindi ako nagtatampo, na-OP lang ako ng ilang seconds! Tapos di ko na mapigilan yung curiousity ko."

"Wag kang mag alala, it's nothing important."

Hindi ko na lang siya pinansin at nagbasa na lang ako habang inaantay yung eroplano namin pabalik ng Pilipinas. Ilang minuto lang din ay naglalakad na kami sa tunnel papunta na sa eroplanong sasakyan namin.

"Sakto ang uwi natin!! Kahit nakakapagod okay lang."

"Ay oo nga pala! Birthday celebration ni Lola Belen bukas diba?"

"Yes! Eto yung dati pa naming pinag iipunan nila Iya at surpresa na rin para kay Lola. Kaya bukas naman ang byahe ko sa Bacolod. Hindi ka ba tlaga makakasama?"

Week in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon