Chapter 41

1.1K 23 8
                                    

                  

Sa di ko malamang kadahilanan, nagising na lang ako sa gitna ng gabi. Pag bangon ko na lang naramdaman yung uhaw, kaya naman pala ako nagising. Dahil don napilitan akong bumangon kahit alam kong mahihirapan na naman akong makabalik neto sa himbing kong tulog.

Tahimik ang buong bahay, may natitira mang mga kawaling di pa nahuhugasan malinis pa rin itong tignan dahil nakasalansan ito ng maayos. Dumiretso ako sa refrigerator na nasa kusina at kumuha na ng tubig. Habang umiinom umupo muna ako sa hapag kainan nang mapansin na hindi na rin pala madilim sa labas, maliwanag na rin at naghahalo ang asul sa puti na kulay ng kalangitan. Dun ko na lamang din napansin na may lalaking nakaupo sa may veranda at si Adam yun.

Nakakatawa na pinag isipan ko pa kung lalabas ba ako o babalik na lang sa kwarto, pero napagtanto ko ring nawala ng bahagya ang aking antok kaya napag desisyunan kong samahan siya sa labas.

Nagsisi nalang ako na lumabas pa ako dahil sinikap kong wag niyang mahalata ang paglabas ko pero papansin yung screen namin, nag ingay ito na parang ilang dekada ng hindi nalalagyan ng oil. Napalingon naman kaagad si Adam sa dako ko at mula sa pagkagulat na mukha, lumambot ito at tuluyan siyang ngumiti pagkakita sakin, bukod pa dun tinapik niya ang espasyo na isang inch lang ang layo sakanya na nagpapahiwatig na lumapit ako at umupo sa tabi niya.

Ako naman itong si masunurin, hindi na nagdalawang isip kundi sundin kung ano yung sinabi niya.

Ilang segundo rin ang lumipas bago ang isa samin ba basagin ang katahimikan.

"How are you, Nine?"

"Okay lang naman."

"It's been a while."

"Or more like forever."

"Bakit di mo ako pinapansin mula pa kanina?" May halong pagtatampo sa tono ng kanyang boses pagkasabi non.

"Ah kasi, tulog ako. Duh."

"Bat ang sungit mo sakin?"

"Ang dami mo masyadong tanong no? Ang aga aga."

Nanahimik sya ng ilang sandali matapos ko syang barahin.

"You've become the woman I know you'd be the moment we see each other again."

"Salamat."

Isang nakabibinging katahimikan na naman ang pumagitna saming dalawa. Parang tulad lang ng dati, ang dami-dami ko na namang gustong sabihin at tanungin pero hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa. Nanatili pa rin akong tahimik nang magsalita sya.

"I missed you."

"Why are you here?"

"Because it's Lola Belen's birthday and I wanted to see you."

"Why do you want to see me?"

"Because I have something to tell you."

"Hmm... Sasagutin mo na ba yung tanong ko?" Gusto kong saktan yung sarili ko ng infinite times dahil sa binitawan kong tanong sakanya.Why brought it up, Nine!? Pero baka yun din kasi yung gusto nyang sabihin?

"I'm getting married."

"Ah, okay. Congrats."

"Thank you!"

"Who's the lucky girl?"

"You definitely know her."

"Is it Emma?"

Week in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon